CHAPTER 11

2.8K 81 6
                                    

DEBORAH

The PR explained everything to me. Kung paano ang magiging siste ng relationship namin nung si Attorney Lexus Park, kung kalian ito magtatapos at kung ano ang mga terms and conditions. It will be fake, but we will act like we're real especially if we're in public places. Lalong-lalo na kung may mga camera. I should act as natural as possible and should do the duties of what a real girlfriend should do. It will include physical contact which is not limited to kissing and holding hands. If there's situation na kailangang makipaglaplapan ako kay Attorney Lexus, then I am obliged to do it. Tinanong nila sa akin kung labag ba sa akin ang lahat ng ito at noong una ay medyo nawindang pa ako pero sinabi ko naman sa kanilang hindi. Halikan? Laplapan? Tss! Hindi ko pa 'yun nagagawa kahit na kaninong lalaki, pero game ako no! As if naman may maaaganas ang lips ko kapag gagawin ko 'yun? Pero teka? Nagawa ko na palang makipaghalikan ng isang beses. At nangyari iyon sa akin kasama si Attorney Lexus. Noong hindi ko pa siya kilala. Noong dahil sa kalasingan ko ay nahalikan ko siya sa gitna ng highway. So, I guess, hindi na ako mahihirapan?

"Have you ever been kissed?" tanong sa akin ng isang Attorney na kasama ng PR. He's a junior attorney at mukhang kaedad ko lang siya. Naptingin ako sa tatlong baklang PR na nakatayo lang sa gilid ko. Napa-lip-bite sila sa tanong na iyon ng Attorney na nasa harap ko.

I blushed sabay natawa ng mahinhin. "Ako 'yung nanghalik e..."

"I see," proklama ng Attorney. Inayos niya ang collar niya. "Then Attorney Lexus might become your first real kiss."

"Actually..." magsasalita pa sana ako kaso hindi ko na nagawa nang tumili ang tatlong baklang PR na parang hinigit ang mga bulbol sa puwet.

Iniba ko na lang ang topic. "Siya ba, I mean, si Attorney Lexus ba, may nakahalikan na?" tanong ko.

Ofcourse , nahalikan ko siya. Pero gusto kong malaman if bukod sa akin ay may iba pa ba.

Natawa ang Attorney. His name is Concept. Nakita ko ang pangalan niya sa isa sa mga papel na pinipirmahan niya sa desk niya.

"Miss Deborah, kinailangan ni Attorney Lexus ng pretend girlfriend para maalis ang salitang 'playboy' sa pangalan niya."

Oo nga pala. Pinaliwanag na rin nila sa akin ang dahilan kung bakit kinailangan ni Attorney Lexus ng pretend girlfriend. Sumulpot kasing bigla ang mga babaeng naka-fling ni Attorney Lexus sa TV para ireklamo ang pagsasabay-sabay niya sa kanila. His previous clients got concerned with this kaya ito ang naisip nilang solusyon. Isang pretend girlfriend na magpapatunay na hindi isang jerk si Attorney Lexus, kahit na jerk naman talaga siya. For a week, atleast he need to appear as a wholesome boyfriend. Mabilis mapanis ang mga issue na gaya nito kaya isang linggo lang din ang in-allocate nila. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit sa edad at estado nitong si Attorney Lexus ay wala pa rin siyang seryosong karelasyon. Kung ako ang nasa puwesto niya, hindi ako magdadalawang isip na bumo na agad ng pamilya.

"Ganun ba..." Hindi ko alam kung bakit ako pinanghinaan ng loob. Since he's a playboy, ibig sabihin, ang dami-dami niya nang nahalikan. Pero ano naman ngayon? Ano namang pake ko? Pretend girlfriend lang naman niya ako rito? Ngayon pa lang, dapat alam ko na kung saan ako lulugar.

Attorney Concept hand-gestured me something. Tipong pinalapit niya ako sa kanya na para bang may ibubulong siya sa akin. Ako namang si uto-uto, e lumapit agad sa kanya.

"May sasabihin ako pero secret lang natin 'to ha?" pabulong niyang sabi. Pinagtinginan kami ng mga empleyado roon.

Tumango-tango ako nang makalapit ako ng maayos sa kanya, tamang distansya para marinig ko kung ano aman ang ibubulong niya.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon