CHAPTER 8

2.8K 72 5
                                    

This chapter was updated and written in one of the most historical day of 2019 Philippines - Nov. 30, 2019 - Opening of Sea Games 2019

________

DEBORAH

"One million, one million, one million." Habang pauwi si ako sa amin, walang ibang laman ang isip ko kundi ang bagay na iyon. One million. One million pesos para sa pagiging pretend girlfriend ng isang hot attorney. Hindi rin masama. Medyo nakakawala lang ng dangal pero kung tutuusin, malaking bagay na rin iyon. Saang daan ka ba naman makakapulot ng one million? At kahit nga yata magkandakuba ako sa pagtatrabaho, siguradong aabutin pa ako ng mahabang panahon bago ako makaipon ng ganoon kalaking halaga.

"At teka..." Bigla kong nakagat ang hintuturo ko nang bigla akong may mapagtanto.

"Kung magiging pretend girlfriend ako sa loob ng isang linggo, may chance din ba kayang..." Ura-urada akong napabaliktanaw sa naging paguusap namin ng Ma'am Liza two days ago.

"Deborah, sabihin mo nga sa akin. Hindi ka pa nakakaranas na makipag-sex?"

"Virgin pa po ako Ma'am," mahina kong sagot.

Napailing ako. Hinawakan ko ang pisngi ko nang bigla itong uminit. Napalingon ako sa paligid. Nasa gilid ako ng daan at kahit gabi na ay may nakakasabayan pa rin akong mga tao. What the heck? Bakit ko biglang naisip ang bagay na iyon? Focus ko dapat ang one million.

Napatingin ulit ako sa paligid. Buildings, mga sasakyan, mga tao. Buti na lang at ako lang ang nakakirinig ng mga naiisip ko. Bakit ko ba kasi naisip 'yun? Pretend girlfriend lang naman 'yung trabaho ah? Hindi naman pokpok!

"Pero teka..." Bigla humina ang paglalakad ko nang mayroon ulit akong na-realize. Panandalian akong napatingin sa traffic light na unti-unting bumaba ang bilang at nang mag-zero na nga ito ulit ay doon na lang ulit ako nakapagsalita. "Ang advance ko namang magisip. Hindi pa nga sigurado na ako 'yung mapipili pero ang layo-layo na ng inabot ng utak ko. Aish!"

Kinamot ko ang sobra kong kaiting anit at naglakad ulit. At isa pa uling rason kung bakit ako dapat madismaya. As if naman ilan lang kaming pupunta sa screening bukas. For sure, marami ring nagkakandarapa sa attorney na 'yun kaya doon pa lang e talo na ako. Napabuntong hininga ako. Ba't ba ang malas-malas ko?

"Oh!" Bigla akong namangha nang madaanan kong bigla iyong Law Firm ng attorney na naghahanap ng pretend girlfriend. Nasa first floor ito ng isang building na may pitong palapag at masasabi ko ring high class ang law firm nito dahil bukod sa salamin ang wall nito ay Macintosh din ang bawat computer na nasa loob. Mula rito sa labas ay kita ang lahat ng table sa loob. May isang kuwarto rin doong mukhang private dahil natatakpan ng mga blinds ang walls nito. May mahabang corridor din sa gilid na papunta yata ulit sa isa pang mas malawak na private room. May iilang pa ring staff na naroroon pa sa loob at noong natapos na nga mga ito sa ginagawa nila ay tumalikod na ako.

Narinig kong tumatawa iyong ang mga staff noong lumabas sila at dahil doon ay naisip ko bigla na mukhang masaya sila sa mga trabaho nila. And that their company must have take good care of them para mag-overtime sila hanggang sa oras na ito.

Nainggit ako bigla sa kanila. Ang gaganda ng mga suot nila. Professional na professional. Ang linis-linis tignan. Napatingin ako sa sarili kong damit. Ilang beses ko ba itong inulit na suotin? Nakakainis! Kung puwede lang sanang maghubad dito, gagawin ko talaga.

Nang makarating na ako sa tawiran ay gaya ng nakagisnan ko, tumawid lang akong tulala. Sinikap ko ring apakan lang iyong puting linya at kada nagagawa ko nga 'yun ay kahit papaano, nakakaramdam ako ng saya. Nakakainis! Bakit ba kasi ako biglang naging 22 year's old? Parang kalian lang, six years' old lang ako at bukod sa pagkain ng lupa ay wala na akong ibang iniisip. Kung alam ko lang na ganito ka-komplikado ang maging 22 year's old, sana naghanap na lang ako ng paraan dati para manatili lang akong bata. Iyong tipong magiging stagnant lang ang edad ko at hindi ako tatanda? Isang potion? Isang radioactive na bagay na magtitigil sa pagtanda ng cells ko? Mayroon bang ganoon?

<*PEEEEEEP!*>

"AY BURICAT!" sigaw ko dala ng pagkabigla nang may biglang pumrenong sasakyan sa gilid ko.

Binaba ng driver iyong window sa gilid niya, nilabas niya ng bahagya ang mukha niya at sinigawan ako. "HUY MISS? ANO BA? BALAK MO BANG MAGPAKAMATAY? TUMALON KA SA TULAY! HUWAG KANG MAGPASAGA! PERWISYO!"

Aba! Nagsiliparan bigla ang mga dandruff ko. Siya pa 'tong muntik nang makasaga, siya pa ang galit.

Sinigawan ko rin siya. "MUKHA BA AKONG MAGPAPAKAMATAY? NAKITA MONG NAGULAT AKO 'DI BA? MAY MAGPAPAKAMATAY BANG NAGUGULAT HA? HA? HA? HA?"

Sinipa ko 'yung nguso ng kotse niya. Umaray ito. "AT BAKIT AKO MAGPAPAKAMATAY? HINDI PA NGA AKO NAKAKATIKIM NG SEX, MAGPAPAKAMATAY NA AKO? HINDI PA NGA AKO NAKAKAKITA NG TITI AT BAYAG, MAGPAPKAMATAY NA? ANO, HA? ANO? GUSTO MONG MAMATAY NA AKO? GUSTO? DALI! PAKITA MO ANG TITI AT BAYAG MO! DALI!"

Napalunok ng laway ang driver laway, inatras niya ang kotse niya at kumaripas na sa pagtakbo. Huh!

Napairap ako pero kinalaunan ay napahawak bigla sa dibdib nang kamuntikan nang kapusin ng hininga. Grabe. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakasigaw ng ganun kalakas at ganoon kabastos. At hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak o dahil ba ito sa katotohanang puno-puno na ako.

Natakot akong bigla sa sarili ko. Ganito pala ako kapag nagalit.

"Oh!" Napatingin ako sa malawak na daang nasa magkaparehong gilid ko. Hinahagkan ito ng kahel na ilaw na nagmumula sa mga streetlamps at sa pagkakatanda ko ay dito rin naganap ang first kiss ko na nangyari lang noong nakalipas na isang araw.

Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya ang lalaking iyon na nahalikan ko?

Napaagikik ako at tumawid na. Mukha akong tanga.

"ARF!" tahol sa akin ng isang aso noong makatawid ako.

Hindi ako natinag. "Ano?" sigaw ko sa aso. "Papatayin mo ako? Pakita mo muna ang titi at bayag mo dali!"

"ARF!"

Pero hindi pa rin natinag ang aso at sinugod pa rin ako.

<*TUKO!*> <*TUKO!*>

***

Tulog na si Mama at Papa nang makarating sa ako sa bahay.Nag-tip-toe ako at noong nakapasok na nga ako sa kuwarto ko ay inayos ko na lahat ang mga susuotin ko bukas. Sinabit ko na sa hanger ang pinakaborito kong damit. Nilabhan ko na rin ang pinakapaborito kong panty at sinampay sa likod ng ref. Masasabi ko nang prepared na ako at kahit malabong mapili ako bukas ay gusto ko pa ring sumubok. If chances are absent during the time of trying, then one must cling for another means, and that thing is called 'Miracle'. Pinikit ko na ang mga mata ko nang humilata na ako sa aking banig. I need beauty rest. Kailangan kung maging blooming bukas. Kahit konti lang.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon