CHAPTER 15

2.5K 83 1
                                    

DEBORAH

Ibang Attorney Lexus ang nakita kong pumasok sa loob ng regional trial court. Malayong-malayo ito sa Attorney Lexus na nakapkapan ko, malayong-malayo ito sa Attorney Lexus na pumasok sa Law Firm kanina na siya ring nakasama ko sa passenger's seat ng kotse niya papunta rito. Ang Attorney Lexus na sinundan namin ni Kuya Short at Long na pumasok sa regional trial court ay isang attorney na walang sinasantong kriminal. At hindi ko alam kung alin doon ang totoong siya. Gayunpaman, sa dalawang maskarang tangan-tangan niya, hindi ko maiwasan ang sarili kong mamangha sa kanya. He's just breathtaking.

Nakatayo lang kami ni Kuya Short at Long, driver at assistant ni Attoney Lexus, sa may dulong likod ng korte, watching everyone in the lead, doing the preparation for the coming final trial. Noong una ay si Attorney Lexus pa lang at isa pang babaeng public attorney sa harapan ang naroon pero hindi nagtagal ay pumasok na rin ang isang matandang judge na lalaki na sinundan ng pagpasok ng dalawang magkabilang kampo.

Unang pumasok ang kliyente ni Attorney Lexus na isang dalagita na magang-magang ang mga mata. May mga kasama itong mga kamaganak at naupo na nga ito sa kanang hanay kung saan sa tapat ay nakatayo si Attorney Lexus. Sinundan ito ng mukhang manyak na lalaki na nakasabayan namin kanina sa pagpasok. Iyong presong lalaking nandila sa akin. Wala siyang mga kasamang kamag-anak at tanging dalawang pulis lang ang nakausnod sa kanya na sinisiguradong hindi siya makakatakas.

"That jerk," pagmumura ni Long sa presong manyakis. Nainditihan ko na kung bakit Long ang palayaw ni Attorney sa kanya. This guy is just dashingly tall. Payat siya, moreno, at mukhang guwapong college student na part time kargador ng isda sa talyer. Mukhang kaedad ko lang din siya.

"Shh..." pagpapatahimik naman ni Kuya Short kay Long. At naindtidihan ko rin kung bakit short ang palayaw niya. Hindi naman talaga siya pandak at sa katunayan ay magka-height lang kami. Iyon nga lang, kapag tumabi na siya kay Attorney Lexus at Long ay magmumukha talaga siyang out of place. He's cute too. Mukha siyang komedyante.

"PAPATAYIN KITANG ABOGADO KA! PUNYETA KA!"

Nagsimula na ang trial at kakasalita pa lang ni Attorney Lexus ay sinigawan na siya ng presong manyakis. Labis ang pagkagulat ko sa pagsigaw ng presong iyon sa kanya. Minsan na akong tumira sa eskwater at kasalukyan akong nakatira sa isang dump site pero ito ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng ganoong klaseng pagbabanata na kung ako siguro ang sinigawan ay baka nahimatay na ako.

"Your honor, Mr. Dela Cruz, given all the evidence and testimonies we've handed on the previous trials, did certainly raped his own daughter."

Parang nawalan ako ng lakas nang malinaw kong narinig iyon mula kay Attorney Lexus. Napatingin ako sa kampo niya at kita ko nga ang labis na pagiyak ng dalagitang biktima.

Sinubukang depensehan ng babaeng public attorney ang presong manyakis pero halatang sa boses nito na nandidiri ito sa ginagawa niyang pagtatanggol sa kriminal na iyon. Umabot ng dalawang oras ang trial bago ito natapos at noong nagiyakan na ang kampo ni Attorney Lexus dahil naipanalo niya na ang kasong ito ay naiyak na rin ako. At kung ang unang trial ay nagpaiyak sa akin, iyong pangalawa ay nagpahagulgol naman sa akin ng walang habas. The second trial was a total opposite with the previous one. Kung noong una ay ang isang dalagitang biktima ng paggagahasa ang kliyente ni Attorney Lexus, ang pangalawa naman ay ang isang ama na inakusahan ng panggagahasa ng babaeng anak ng isang mayamang pamilya.

Nagkakasigawan sa loob ng trial court at panay nga ang pagpapabalik judge ng kaayusan doon sa mga pagkakataong nagkakagulo na at nawawala na ang proper decorum. Kada pinupokpok nito ang gavel, tila sumasabay din ang kabog ng puso ko.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon