CHAPTER 63

1.2K 28 0
                                    

LEXUS

He can't believe that he spent the New Year's Eve together with the girl he like the most. Kahit na noong nagising siya ay nadatnan niya itong nakakanga at sobrang lakas ng hilik ay ayos lang sa kanya. Deborah is a mess, aniya, but she's a kind of mess that is beautiful.

Pagkatapos niyang halikan si Deborah sa noo ay tumayo na si Attorney Lexus para ligpitin ang mga kalahat sa sahig. He can't believe he spend 12 condoms in just one night. Kung paano niya iyon nagawa ay tanging silang dalawa lang ang nakakaalam.

"Aish!" sita niya sa natutulog pa ring si Deborah. Lumabas na siya dala-dala ang trash-can at nang makalabas ng bahay ay tinapon niya na iyon sa main bin. Papanhik na sana siya pero hindi niya iyon nagawa nang may nag-door-bell. Pumunta siya sa gate at binuksan niya iyon.

"Oh? Grandma! Happy New Year!" bati niya sa kapitbahay niyang matanda na.

"Oranges. Pagsaluhan niyo ng nobya mo nang mahimasmasan kayong dalawa. Ang ingay ninyo kagabi." Galit at garalgal ang tono ng boses nito pero nakangiti pa ring tinaggap ni Attorney Lexus ang bigay nitong oranges na nakalagay sa isang lata ng Bonakid. Nang umalis na ito ay bumalik na rin siya sa loob. Nang makapasok na siya sa kanyang bahay ay nagsara na ng kusa ang kanyang gate.

Sa ilang taong pamamalagi ni Attorney Lexus rito, dalawang bagay lang talaga ang nakakapagpabagabag ng kanyang isipan. Iyon ay ang paulit-ulit na marinig ang sabi-sabi na wala naman daw siyang kapitbahay na matanda at talagang bakante lang iyong nasa katabi niyang bahay. Pangalawa ay ang kanyang gate. It's just a normal gate at wala talaga itong kung anu-anong technological mechanism pero kusa talaga iyong nagsasara.

Kinilabutan niya nang ilagay niya sa mesa niya ang lata ng Bonakid na may lamang oranges.

It's New Year and he want to spend the rest of the day with Deborah pero nalulungkot siya dahil hanggang tanghali lang ngayong araw ang kaya niyang mailaan dito. There's still a lot of paperworks na kailangan niyang ayusin bago bumalik sa opisina bukas. Those documents are really urgent kaya hindi niya iyon puwedeng ipagbaliban.

"Ayos lang. Sasamahan na lang kita rito..." ani ni Deborah nang makababa na. Pinaliwanag niya rito ang lahat-lahat.

"But right now, come with me first..." Hinila niya si Deborah papunta sa pintuan ng kanyang bahay, kinuha sa gilid ang isang puting bola at nang makalabas ay tinakbo nila paikot ang subdivision.

"Saan tayo pupunta?" tawang-tawang tanong ni Deborah nang hingalin na silang dalawa. Akala ni Attorney Lexus ay huli na siya pero nang marating sila sa pinakamataas na bahagi ng subdivision na tinatawag nila ritong 'Shrine Hills' ay napagtanto niyang hindi pa.

"Hala!" Manghang-manghang sabi ni Deborah sa kung anong nakita. In front of them are the sea of fogs at halos wala nga silang makita sa baba dahil halos natabunan na iyon ng maninipis na ulap.

"It's always like this during the first day of the year at noong nakaraang dalawang taon ko lang din 'to nadiskubre. Sa ganitong araw lang talaga ito nagpapakita at hindi na ito nasisilayan pa sa susunod na mga araw o buwan."

"Ang ganda!" Hindi pa rin makapaniwala si Deborah. Kahit siya ay ganito rin ang naging reaksyon dati nang una itong makita. Who would expect that there will be a place like this in the middle of a highly modernize city?

"Gaya mo..." aniya kay Deborah. Nginitian lang siya nito.

Tinapon ni Attorney Lexus ang bola sa baba at sinundan nila ito. He's gonna teach Deborah his favorite sport. Football.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon