CHAPTER 19

2K 72 9
                                    

LEXUS

"Attorney, it's already 8:30 PM, the ball will start soon, and you still need to dress up," pagpapaalala ni Long sa kanya dahil hanggang ngayon ay nasa loob pa rin sya ng opisina niya, nagre-review at nagpipirma ng mga documents. Sa labas ng opisina niya, patay na ang mga ilaw at kanina pa umalis ang mga empleyado niya. Nanganglahati na siya sa ginagawa niya at wala siyang ibang gustong gawin kundi tapusin ito ngayong gabi pero tila malabo na iyong mangyari dahil may dadaluhan pa siyang ball.

"Can you sort this out for me?" tanong niya kay Long. He finally gave up. Ayaw niya rin namang ma-late sa ball dahil usapan nilang dalawa ni Deborah na magkikita sila sa labas ng Bliss Hotel at sharp nine.

"Yes, Attorney," ani Long.

Tumango siya at pagkatapos ay pumasok na rin si Short. Tumayo na siya at lumabas na rin.

"Order anything you want kapag nagutom ka, use my card." Bumalik siya para ibato ang isa sa mga debit card niya kay Long.

"Thanks po, Attorney." Nag-bow si Long sa kanya.

"E, Attorney? Paano po ako?" ani Short noong palabas na sila ng law firm.

"Diet ka muna," sagot ni Attorney Lexus pero hindi naglaon ay binilhan niya rin naman ito ng isang set ng pizza na nilantakan nito ng makauwi sila sa bahay niya. Habang nasa sala si Short at kumakain ay naligo naman si Attorney Lexus sa shower room. Nang tumama ang malamig na tubig sa kanyang hubad na katawan ay bigla siyang napadaing nang biglang kumirot ang buong kanang braso niya lalong-lalo na ang kanang kamay niyang ginamit niya pangpirma ng daang-daang dokumento sa araw na araw na ito. Pero hindi nagpatinag si Attorney Lexus at tinapos niya pa rin ang paglilinis sa kanyang sarili. When he's through, lumabas na siya ng shower room at nagpunta na sa closet niya. He picked a very fine white sleeve na pinatungan niya ng gray coat, at para naman sa pangibaba ay gray slacks na pinaresan niya ng black leather belt at black leather shoes. He opened the first three button of his undersleeves, pumili rin siya ng black watch and to finish his look, he wore eye glass with black frames.

"Attornney Lexus, ang gulo ng buhok niyo," puna sa kanya ni Short nang makalabas siya.

"It's a style, you punk!"

8:58 PM nang makarating sila sa labas ng Bliss Hotel. When the clock strikes 9 sharp, tumayo si Attorney Lexus sa botoom ng mahaba at malapad na hagdanan. He waited for one minute there and when Deborah did not appear ay nauna na siyang pumasok sa loob.

Different professional folks from different fields greeted him na nirespondehan naman ni Attorney Lexus ng maagap na pagngiti at pagyuko ang mga bati nila. It's a charity ball na pinapangunahan ng Professional Boys Club na nangyayari annually tuwing December. Hindi lang mga miyembro ng Professional Boys Club ang nagpupunta rito kundi pati na rin ang mga kilalang tao sa iba't-ibang larangan ng propesiyon. Aside from donating millions of pesos on the charity's club ay marami ring dumadalo rito to create connections. Kaya't kahit hindi komportable sa mga ganitong event si Attorney Lexus ay sinisikap niya pa ring pumunta rito. His greatest client this year came from the one he meets on ball. It was Mr. Heyo Gokongwei.

"Lexus is here." Unang nakakita sa kanya ang kasamahan niya sa Professional Boys Club na si Doctor Matteo na katabi lang ang iba pa nitong kasamahan na sina Raver Lee, Peter Domino Lee, Michael Yundae, Xynic James Abbot at Cupid Lopez. Kasa-kasama nito ang mga sari-sarili nitong girfriends tila nagmistulan nga siyang out of place doon dahil siya lang ang walang kasa-kasamang kasintahan.

"Where's the other boys?" 17 silang lahat sa Professional Boys Club pero pito lang silang nandito ngayon.

"Yah! We should be the one asking you," ani Cupid Lopez, isang mayamang teacher, "Where's your girlfriend?"

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon