CHAPTER 45

1.5K 49 12
                                    

LEXUS

"Yah! Deborah, I really want to take a bath." Kaninang madaling araw pa ito bukangbibig ni Attorney Lexus dahil kagabi pa lang talaga ay gitang-gitata na siya. He still looks very neat and still even smells very clean but the fact that he did not take a bath for more than 24 hours already bothers him very much. At kahit gustuhin niya mang maligo magisa ay alam niyang hindi niya magagawa iyon dahil sa kalagayan niya. Masakit pa rin ang mga pasa niya sa katawan at nahihiraapan din siyang makatayo. Kaya't ang tanging pagasa niya na lang para makaligo ay walang iba kundi si Deborah.

"Ikakamatay mo ba talaga 'pag hindi ka naligo?" tanong nito sa kanya. Pinagbabalatan siya nito ng mansanas sa gilid niya.

"Yes," sagot niya pero hindi lang siya nito pinansin.

"Yah! Deborah, hindi ka pa rin nakakaligo, right? Sabay na tayo."

Napapikit siya bigla ng mga mata nang binato siya nito ng balat ng mga mansanas. Napalunok na lang siya at napatameme. Deborah is not an easy girl. Kahit pabiro lang iyong mga pinagsasabi niya ay alam niyang conservative ito. And Attorney Lexus find it seductive. Girls have been submissive with him all time and here's Deborah making a difference of them all. Isa sa mga rason kung bakit niya ito mas nagugustuhan. Heck, he can't even steal a kiss from her. Subukan niya't baka karatehin lang siya nito.

"Deborah, do you really find me attractive? Why are you so harsh to me?" He tries to pout.

Tinitigan siya ng masama nito. That undertaker look! Ani Attorney Lexus sa isipan niya. Mas nakakatakot pa sa tingin ng mga kriminal na nakasalamuha niya.

Maya-maya pa, dumating na si Long at Short. Nagpatuloy lang si Deborah sa ginagawa nito.

"Attorney, the PR is already planning to hold a conference here later in this evening. Sa baba po iyon gaganapin. Dalawang task force na lang din po ang ititira sa inyo since wala naman tayong na-receive na threat para sa inyo."

Tumango siya sa sinabi ni Long.

"Attorney, ito na po ang mga picture na inutos niyong ipa-develop sa akin."

Nagliwanag bigla ang mukha niya nang iabot sa kanya ni Long ang isang folder na may lamang isang kilong developed picture.

"Yah!" sita niya kay Deborah nang lumapit ito sa kanya. "Drop your knife first," utos niya rito.

"And sit beside me," dagdag niya. Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa gilid niya. Sinunod naman ni Deborah ang inutos niya.

Tawang-tawa lang si Attorney Lexus sa mga picture nila habang si Deborah naman ay pulang-pula, at kahit paulit-ulit lang 'yung pose ng iba ay na-enjoy niya pa rin iyon.

"Have you printed a wallet size?" tanong niya kay Short.

"Yes, Attorney. Andiyan po sa loob ng folder." Kinuha niya ang isang wallet size photo na may pose nilang dalawa ni Deborah kung saan buhat-buhat niya ito.

"Yah!" sinimulan na siyang sitahin ni Deborah pero hindi na siya nagpatinag dito. Long handed him his wallet at inilagay niya na nga rito ang picture nilang dalawa.

"This is the first time that I'll be inserting a picture on my precious wallet that's' why you should consider your self lucky," anang niya kay Deborah.

Nilaro lang nito ang mga daliri at hindi kumibo.

"There's one more wallet size photo, give me your wallet."

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon