CHAPTER 55

1.3K 38 2
                                    

LEXUS

"Sa totoo lang Hijo, natatakot kami para kay Deborah. Mainiitin ang ulo niya. Palaging nakasigaw. At sa edad niya ngayon, may mga pagkakataon pa ring isip bata siya. Masaya kami ng Papa niya na nakapagtapos na siya ng pagaaral nang hindi man lang halos humihingi sa amin ng pera, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Ayos lang ba sa'yo 'yun?" tanong ng Nanay ni Deborah sa kanya. Kita niya sa mukha ang pangamba nito. Ganun na rin sa tatay nitong si Mang David.

Napangiti si Attorney Lexus dahil hindi ito ang inaasahan niya. Buong pagaakala niyang mga magulang pa ni Deborah ang maglalayo nito sa kanya, but here he is now, with her every humble parents, giving so much concern about him.

"Maraming mas maganda pa riyan kay Deborah at galing sa mga magagandang pamilya. Ayaw mo ba silang i-konsidera?" tanong sa kanya ni Mang David.

"Tito..." Lumunok si Attorney Lexus at deretsong napatingin sa mga mata ng tatay nito. "Magandang-maganda po si Deborah at galing po siya sa magandang pamilya kasi kayo po ang Nanay at Tatay niya."

Naiyak bigla ang Nanay ni Deborah. "Si Deborah, siya lang ang natatanging anak namin, kaya lahat ng mayroon kami, binibigay namin lahat sa kanya. Iyon nga lang, walang-wala kaming maibibigay sa iyo."

Nakagat ni Attorney Lexus ang ibabang labi niya. Hindi niya inaasahang magiging emosyonal din pala siya sa paguusap nilang ito.

"Sapat na po si Deborah sa akin..." sagot niya.

Ngumiting umiiyak si Aleng Lena.

"Ang mga magulang mo? Ayos lang ba sa kanila si Deborah? Ayos lang ba sa kanila na mahirap lang kami?" Bakas sa boses ni Mang David ang pangamba.

Attorney Lexus explained them his life story. Lahat ng sugat na akala niya ay limot niya ay muling nanumbalik at muli niyang naramdaman habang sinasalaysay sa mga ito kung ano ang nangyari.

Nang humagulgol ang Nanay ni Deborah matapos pakinggan ang kuwento niya ay pinigilan niyang huwag ding maiyak. He still need to explain things to them. He still needs to win their heart.

"Si Deborah, makailang beses na rin siyang niligawan ng mga lalaki pero tinatanggihan niya lang halos lahat. Kaya hindi rin namin mapigilan ng Papa niya na mapaisip kung makakapangasawa pa ba siya o magkakaanak. Ito ang pinakaunang pagkatataon na may natipuhan ang anak namin kaya masayang-masaya kami. At masayang-masaya kami na ikaw iyon Hijo," eksplika ni Aleng Lena. Nakakapit na ito sa braso ng asawa nitong si Mang David.

"Mahal na mahal ko po ang anak ninyo at wala po akong ibang babaeng nakikita na makakasama ko habang buhay kundi si Deborah." Tumayo si Attorney Lexus, nagpunta sa gilid at lumuhod sa harap ng mga ito. "Hindi ko po alam kung papasa ako sa lalaking hinahanap ninyo para sa kanya pero sana pahintulutan niyo po akong patunayan ang sarili ko sa inyo, sana pahintulutan niyo po akong mahalin ang anak ninyo at sana pahintulutan niyo po akong pasayahin siya. Ibibigay ko po ang lahat-lahat sa kanya. Iaalay ko po ng buong-buo ang sarili ko kay Deborah. This is a verbal oath and you can file perjury to me kapag hindi ko ginawa ang mga sinabi ko. And again, Tita and Tito, please allow me to love your precious daughter unconditionally."

He's already crying in front of them right now. He's genuine at what he said. At hinding-hindi niya bibiguin ang mga ito. Itataya niya pangalan niya kung sakaling mabigo niya man ang mga magulang ni Deborah.

Lumapit sa kanya ang umiiyak nitong Nanay hinawakan siya sa mga balikat at pinatayo. Nginitian siya nito at pinawi ang mga luha niya.

Labis na saya ang naramdaman ni Attorney Lexus at napahagugol nga siya ng walang kasing-tind pagkatapos.

"Salamat po! Thank you very much! Thank you!"

"May beer ka bang kamo?" tanong ng tatay ni Deborah.

Tumango-tango siya habang lumuluha pa rin.

"Aba'y dalhin muna iyon rito at maginuman tayo."

"Yest, Tito!" Binura niya ang mga luha niya at dali-dali ng napalabas ng bahay. Nakita niya si Deborah sa may highway at nilapitan niya ito.

"I'm just going to get the chilled beers in my car, your father wants to have some drinks with me," anunsyo niya kay Deborah nang makitang nagaalala ito.

Nanginig ang mga labi nito dahil sa sinabi niya.

"I've won your parents hearts, Deborah. Now, it's time to win yours," he told her at naiyak na nga lang ito.

"Yah! Why are you crying? We're coming back to your house. Baka sabihin pa ng Papa mo na pinaiyak kita."

Pinawi ni Deborah ang sariling mga luha at sinubukan ng ngumiti. Bumalik sila sa bahay nila at naginuman na nga silang apat.

"Buong akala namin dati ng Papa niya, tomboy talaga ang anak namin. Gusto niya laging maikli ang buhok niya. Naiinis din siya kapag pinagsusuot namin siya ng palda. Pero noong nagdalaga na, naku! Kung sino-sinong lalaking artista na lang ang kinakabaliwan."

"Mama!"

"Attorney Park!" tinawag siya ng tatay nito. "Paguwi mo sa bahay niyo, gusto ko na magisip ka ulit ha? Itong si Deborah, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay nito kaya pagisip-isipan mo ulit ang naging desisyon mo," pagbibiro nito.

"Papa!" Inis na inis at hiyang-hiya na si Deborah, Nagtawanan lang sila. They also showed him their photo album. Sinalaysay ng Nanay ni Deborah ang bawat kuwento ng litrato. Andiyan iyong grade one pa si Deborah at ngumangawa dahil ayaw pumasok. Andiyan iyong kasali ito sa beauty pageant noong grade six at nakasimangot ang mukha. Andiyan iyong nag-debut ito at first time nitong magsuot ang gown.

Sari-saring kuwento ang narinig niya mula kay Deborah at sa mga magulang nito, at doon mas natanto ni Attorney Lexus na talagang puro ang puso ng babaeng mahal na mahal niya. At habang nagkukuwento at tumatawa nga ito kasama ng sariling mga magulang, hindi niya maiwasang mapatitig sa maganda nitong mukha habang paulit-ulit na pinapangako sa kanyang isipan na hinding-hindi niya bibiyakin ang puso nito kahit kailan. Kahit kailan.

"Aalis ka na?" tanong ng Nanay ni Deborah nang magpaalam na siya nang gumabi na. Nakapag-dinner na rin siya kasama sila at kahit gusto niya pang makasama si Deborah ng mas mahaba pang panahon ay hindi niya ito magagawa sa kadahilanang galing pa sa biyahe ang mga magulang nito at kailangan pa ng mga ito na makapagpahinga.

"Opo..." aniya.

"Sandali lang, bago ka umalis, magdala ka muna ng mga tuyong dala namin galing sa probinsya...." Naging abala bigla ang Nanay at Tatay nito.

"Mama! Konti lang ang ibigay ninyo!" angal ni Deborah nang dumukot ng sobrang daming tuyo ang nanay nito na binalot naman agad ng tatay niyo sa isang lumang diyaryo.

Hindi pinakinggan si Deborah ng sariling mga magulang at maya-maya pa nga ay inabot na sa kanya ng mga ito ang apat na balot ng tuyo. Hinatid rin siya ng mga ito sa high way kung saan naroong naka-park ang kotse niya.

"Salamat po rito, Tita at Tito..." pagpapasalamat niya sa mga magulang ni Deborah. Malapit ng mag-alas-diyes ng gabi.

"Mama at Papa..." ani ng Nanay nito. "Mama at Papa ang itawag mo sa amin."

Pinigilan ni Attorney Lexus na huwag na maiyak. Nginitian niya ang mga ito. "Mama, Papa, sige po, mauna na po ako."

Sinaluduhan niya si Deborah at tumango naman ito. Payapang-payapa at walang kasing saya ang puso ni Attorney Lexus nang nilisan niya ang lugar na iyon.

Deborah did not only give me love, napatingin siya sa rearview mirror at natagpuang pinagmamasadan pa rin ng mga ito ang pagalis niya, she also give a family and a new home, aniya at binilisan na ang pagpapatakbo.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon