Chapter 1

2.2K 66 19
                                    

VICE'S POV


"Kuya, matatagalan pa ba yan?" tanong ko sa driver namin.

"Mukhang ganun na nga po ma'am. Kailangan pa po kasing palitan yung gulong sa unahan eh" napatingin naman ako dun sa gulong na sinasabi niya.

Bakit ngayon mo pa kailangang maflat? Di mo ba alam na nagmamadali ako?

"Jusko Kuya! Magtataxi nalang po ako. Male-late na po kasi ako eh" nakakuha naman agad ng taxi yung driver namin kaya nakaalis agad ako.

Habang nasa biyahe, may tumawag sa phone ko. Nung makita ko yung pangalan ni Anne sa phone, sinagot ko agad ito.

(Sis, nasan ka na ba?)

"On my way na. Nasiraan kasi kami kaya medyo natagalan."

(Bilisan mo na. Yung bestfriend mo nagsusungit na kasi wala ka pa)

"Malapit na ko. Nagstart na ba?"

(15 minutes before magstart. Make sure na makakarating ka agad)

"Oo na. Sige na. Just tell him that I'll be there before the game starts"

(Okay. Ingat ka. Bye)

Pagkababa ko ng tawag, sakto namang nakarating na ako sa harap ng St. Luke University o mas kilala bilang SLU. Matapos kong magbayad sa taxi ay dali-dali kong tinahak ang daan papuntang gym.

Pagkadating ko ay dumiretso agad ako sa bench ng Team SLU kung saan naroon na sina Anne at ang Team SLU. Hingal na hingal ako ng umupo sa tabi ni Anne.

"Hingal na hingal, brad?" tanong ni Vhong na maglalaro rin ng basketball.

"Tinakbo mo yata Vicey papunta rito eh" sabi naman ni Karylle na nakaupo katabi ni Coleen.

"Siyempre 'no. Baka may magalit kapag di ako nakarating eh" sabi ko matapos uminom ng tubig.

"Asuss! Siyempre may magagalit. Si BESTFRIEND magagalit" Anne said with a grin on her face.

"Ingay mo Anne!" sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya.

"Oh! Speaking of the bestfriend. Here he comes" sabi ni Coleen. Tiningnan ko naman ang direksiyon na tinitingnan niya. And there, I saw him. I saw Ion Perez, my bestfriend, walking towards us.

Nang tiningnan ko siya, nakita ko kung paano nawala ang kunot sa noo niya at ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Aray!" daing ko ng kurutin ni Anne ang braso ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Natulala ka na kasi, sis. Baka mahalata ka" pabulong niyang sabi.

"Manahimik ka nga" sabi ko sa kanya at binalik kong muli ang aking tingin kay Ion.

"Bakit ka nadito?" tanong ni Ion sabay cross arms.

"Siyempre. Kailangan kong mawitness ang pagkapanalo niyo" sagot ko with matching taas ng kilay.

"Mas mananalo kami pag wala ka" sabi nito with a grin on his face.

"Talaga ba? Kaya pala umabot sakin yung balitang nagsusungit ka kanina kasi wala pa ko, ang maganda mong bestfriend" sabi ko sa kanya and gave him a sarcastic smile.

"Sino namang nagsabi sayo?" gulat niyang tanong na parang di niya ini-expect na malalaman ko yun.

"Ewan ko. Tanong mo kay Anne" sabi ko sabay tingin kay Anne at nginisihan ito.

"Anne sinabi mo yun?" tanong ni Ion na parang hiyang-hiya sa sarili.

"Eh totoo naman kasi yun. Tsaka natatakot lang ako na baka maapektuhan yung game niyo pag di dumating yang pinakamamahal mong bestfriend. Team Captain ka pa naman" Anne said, defending herself.

"Ano ka ba Ion! I understand you naman. Alam ko naman na ganun mo ko kamahal kaya dapat lang na nandito ako sa game niyo" sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Umupo ka na nga lang diyan" sabi niya at tumalikod na papunta sa mga kagrupo niya.

"Alam mo sis, di talaga kita masisisi kung bakit ka na-inlove diyan sa bestfriend mo. Lahat nasa kanya na eh" sabi ni Anne habang nakatitig pa rin ako kay Ion.

And yes, you read it right. I, Vice Marie Viceral, a proud gay is inlove with my bestfriend, Ion Perez.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon