Chapter 26

1.1K 43 6
                                    

THIRD PERSON'S POV


Pagkabalik ni Anne mula sa CR, nagulat siya ng makitang walang tao sa table nila. Lumapit siya dito at piniling hintaying bumalik ang kaibigan dahil baka lumabas lang ito saglit o baka nag-CR din. Ngunit dumaan ang ilang minuto, nakaramdam na siya ng kaba ng ni anino nito ay hindi niya nakita. Tatawagan na sana niya ito ng mapansing may text message mula sa kanya kaya dali-dali niya itong binuksan at binasa.

From: Sissy
Thank you for bringing me to your favorite Bar but unfortunately, something came up kaya I decided to leave. Don't worry, I won't do anything na makakasama sakin. I swear na mag-iingat ako.

Agad na kinuha ni Anne ang wallet niya at naglagay ng pera sa table para ipambayad sa inorder nila bago tuluyang lumabas ng Bar. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Vice kaya tinawagan nalang niya ang kanilang mga kaibigan at nagkasundong magkita-kita sa bahay ni Vice.

Pagdating ni Anne doon, agad siyang pumasok at nadatnan sina Vhong, Jhong at Billy sa sala.

"Nasaan yung iba?" tanong ni Anne ng makitang wala yung iba pa nilang mga kaibigan.

"Di makakapunta kasi masiyado ng malalim ang gabi kaya di pinayagan ng parents nila" paliwanag naman ni Billy.

"So nandito na ba si Vice?" tanong ulit ni Anne na di maiwasang mag-alala para sa kanilang kaibigan.

"Wala pa nga eh. Ano ba kasing nangyari dun sa pinuntahan niyo?" tanong ni Jhong.

"I don't know. Nag-CR lang ako saglit pero nung pagbalik ko, wala na siya. She just texted me na wag daw akong mag-alala kasi wala naman siyang gagawin na ikapapahamak niya" explain ni Anne sa kanila.

Hindi masyadong lumalabas si Vice sa bahay nila kaya wala silang ideya kung saan siya pwedeng pumunta. Hindi naman mapakali ang magkakaibigan lalong-lalo na si Anne na patuloy pa ring sinusubukang tawagan si Vice kahit di ito sumasagot.

Nasaan ka na ba, Viceral?

**********

Sa kabilang dako, tahimik at mag-isang naglalakad si Vice sa gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Walang direksiyon na naglalakad ang kanyang mga paa. Masiyadong maraming bagay ang gumugulo sa kanyang isipan kaya di niya namalayang nakarating siya sa isang parke na hindi kalayuan mula sa Bar na pinanggalingan niya.

Kahit medyo malalim na ang gabi, marami pa ring tao ang nasa parke. Agad siyang pumasok at humiga sa damuhan sa may medyo madilim na parte sa ilalim ng isang mayabong na puno.

Napatitig siya sa mga bituing nagniningning sa kalangitan. Bigla namang tumulo ang kanyang mga luha ng may pumasok na alaala sa kanyang isipan kasama ang isang taong winasak ang puso niya pero patuloy pa rin niyang minamahal.

FLASHBACK:


"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ng labing-dalawang taong gulang na si Vice sa katabi niyang nakapikit ang mga mata. Kasalukuyan silang nakahiga sa may damuhan sa garden ng bahay nila. Napamulat naman ang katabi niya at tumingin sa mga bituin.

"Kinakausap ko sina Mama at Papa" tugon naman ng labing-dalawang taong gulang rin na si Ion.

"Huh? Eh wala naman dito yung parents mo. Kaya ka nga nandito sa bahay namin kasi nasa abroad yung parents mo ngayon" naguguluhan paring sambit ni Vice.

"Alam ko. Pero kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga bituin. Yun kasi ang palagi kong ginagawa kapag nami-miss ko ang isang tao na nasa ibang lugar" paliwanag naman ni Ion. Unti-unti namang nagliwanag ang mukha ni Vice nang maintindihan na niya ang sinasabi ng kaibigan.

"Ibig mong sabihin yung parents mo nandun sa bituin?" tanong pa ni Vice dito.

"Parang ganun na nga. Kaya ikaw, kapag nami-miss mo ko o kapag malayo ako sayo, kausapin mo lang yung mga bituin kasi parang kausap mo na rin ako nun" bahagya namang nalungkot si Vice nang marinig niya ito mula sa kaibigan.

"Bakit? Iiwan mo ba ako?" nakapout na tanong nito kay Ion.

"Siyempre hindi. Hindi ko kayang iwan ang pinakamaganda kong kaibigan. Oh ayan ah. Ikaw na yung pinakamaganda kaya smile ka na" nakangiting sambit ni Ion kaya di na napigilang ngumiti ni Vice.

"Wag mo kong iiwan ah" sabi ni Vice at niyakap ang katabi. Agad namang tumugon si Ion sa yakap niya.

"Promise, hinding-hindi ko gagawin yun. Di ko kayang malayo sa bestfriend ko" sabi naman ni Ion at hinigpitan ang yakap sa kaibigan niyang di na maawat ang puso sa lakas ng kabog nito.


END OF FLASHBACK


Ion, nasaan ka na? Nasaan na yung pangako mo?

Di na napigilang humagulhol ni Vice dahil sa bigat na kanyang nararamdaman. Di siya makapaniwalang dumating ang oras na makakausap na lamang niya si Ion sa pamamagitan ng mga bituin. Kahit kailan, hindi pumasok sa isipan niya na mangyayari ito.

Ion, alam kung nadismaya kita. Nadismaya ka sakin, sa kaibigan mong nahulog sayo. Pasensya ka na kung humantong tayo sa ganitong sitwasyon. Di ko sinasadya, maniwala ka. Masiyado rin akong nasaktan sa nangyari pero gayun pa man, gusto kong bumalik ka na. Pakiramdam ko, unti-unti na kong mamamatay dahil sa sobrang sakit at pangungulila ko sayo. Akala ko makakalaya na ko dahil inamin ko na sayo ang totoo pero nagkamali ako, mas nakulong ako ng tuluyan. Tuluyang nakulong sa sakit na dinulot ng ginawa ko.

Gusto niyang kuwestiyonin si Ion sa biglaang pag-alis niya. Gusto niyang sumbatan ito. Ngunit di niya magawa kasi alam niyang siya ang dahilan kung bakit sila humantong sa ganito. Alam niyang dahil sa ginawa niya kaya siya iniwan nito.

Tama ba yung ginawa ko? Tama bang inamin ko sa kanya? Tama bang sinunod ko yung sinisigaw ng puso ko? O baka mali? Baka mali nga. Kasi kung tama, di sana siya umalis. Hindi sana niya ko iniwan. Magkasama pa sana kami ngayon. Nagtatawanan. Nag-aasaran. Naghaharutan. Nakangiti at masaya. Pero dahil sakin, mukhang hindi na mangyayari yun. Mukhang di ko na maibabalik ang dati. Sobrang nahihirapan na kasi ako. Sobrang bigat na sa pakiramdam na makita siya araw-araw ng may tinatago ako sa kanya. Patawad, Ion. Patawad sa lahat ng nagawa ko. Sa lahat ng nasira ko. Hanggang dito nalang siguro tayo.

Tuloy-tuloy na umagos sa mukha ni Vice ang kanyang mga luha. Hindi maawat ang mga ito sa pagpatak katulad ng puso niyang di rin maawat sa pag-iyak. Kahit anong gawin niya, alam niyang di niya na maibabalik pa ang lahat sa dati.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon