Chapter 3

1.2K 57 10
                                    

VICE'S POV


Pasado 9:00 PM na kaming nakarating sa M&M's Club kaya medyo marami na ring tao. Dahil open for minors ang club na ito, marami na ring kasing-edad namin ang nandito.

Dumiretso kami sa second floor dahil pinareserve na daw ni Coach ito for the whole team. You might be wondering kung bakit kami nandito kahit hindi naman kami kasali sa team. Well, ganito kasi yan. Ang coach ng Team SLU which is si Coach Bobet Vidanes is my mother's brother. So technically, Tito ko siya but I prefer calling him Coach kasi yun na yung nakasanayan ko. And also, kasali sa team yung lima naming kaibigan, sina Vhong, Jhong, Billy, Ryan and Ion.

Actually, 13 kaming magkakaibigan pero yung apat, sina Jugs, Teddy, Mariel and Eruption ay nasa ibang bansa with their families and by next month, uuwi na sila dito sa Pilipinas.

At sa aming barkada, Anne and Ion are my bestfriends pero si Ion ang pinakamatagal ko ng kaibigan dahil magbestfriends ang Mama ko at ang Mama niya kaya simula pagkabata ay kasama ko na siya.

So back to reality, nakaupo na kaming magba-barkada sa isang table habang yung iba ay nasa ibang table naman. Katabi ko sa kaliwa si Anne at sa kanan naman si Ion.

"Oh guys! Simulan na ang inuman!" pasigaw na sabi ni Jhong habang binubuksan ang isang inumin na hindi familiar sakin.

"Don't worry Vice, hindi ka malalasing agad dito" sabi ni Vhong ng mapansin niyang nakatitig ako sa inumin. Napatango nalang ako sa kanya.

Nilagyan na ni Jhong ang mga baso namin. Maya-maya, nakakailang baso na yung iba pero yung akin eh hindi ko pa nagagalaw. Kinuha ni Anne yung baso ko at itinapat sa mukha ko.

"Inumin mo na. Di yan mauubos kung tititigan mo lang" sabi niya kaya ininom ko naman ito. And the moment na maubos ko yung isang glass, parang gusto kong isuka ito dahil sa sobrang pait.

"Ano ba yan! Ang pait!" angil ko kay Anne.

"Ang arte naman nito. Sa una lang yan" sabi naman niya sakin.

"Guys, punta tayong dancefloor" yaya ni Ryan. Nagsitayuan na sila kaya tumayo na rin ako at sumama pababa.

Pagdating namin sa baba, mas dumami yung tao. Pupunta na lang sana ako sa counter nang may humigit sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Ion.

"Saan ka pupunta? Di ka sasayaw?" tanong nito sakin at binitawan ang braso ko.

"Hindi. Uupo nalang ako dun" sabi ko sabay turo sa may counter. Tumango ito sakin kaya naglakad na ako papunta dun.

Pinapanood ko ang bartender na magmix ng drinks ng may lalaking umupo sa tabi ko at nag-order ng dalawang drinks. Akala ko aalis na siya pagkatapos niyang mag-order pero humarap ito sakin.

"Hi! I'm Zanjoe" sabi niya.

"Hello! I'm Vice" sabi ko with a smile on my face.

"Are you alone?" tanong nito sakin.

"No. I'm with my friends. Nandun sila sa dancefloor" sagot ko.

"Oh I see. Here, treat ko na sayo" sabi niya sabay abot sakin ng isang inuming inorder niya.

"Oh! Thank----"

"Vice!" naputol ang dapat na sasabihin ko ng may tumawag sakin. Pagtingin ko sa likod, nakita ko si Ion na papunta samin.

"Nice meeting you, Vice. I'll go ahead" sabi ni Zanjoe and I just smiled at him.

"Sino yun? Kaibigan mo?" tanong ni Ion ng makarating na siya sa pwesto ko.

"No" sagot ko sa kanya.

"Bakit ka nun binigyan ng inumin?" tanong niya habang tinitingnan ako ng matalim.

"E-ewan ko" halos magkanda-utal-utal na sagot ko.

"Bakit mo naman tinanggap?! Pa'no kung may nilagay siyang kung ano-ano diyan?!" usisa pa nito.

"What's wrong with you? Ano ba yang pinagsasabi mo?" may halong inis na tanong ko sa kanya.

"Bumalik ka na nga lang dun sa taas" sabi niya without answering my questions.

"But why? Nandito pa naman kayo eh" giit ko.

"Basta. Bumalik ka na dun. Kung ayaw mo, bahala ka sa buhay mo" and then there, he walked out.

What's wrong with you, Ion?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon