Chapter 6

1.1K 53 5
                                    

VICE'S POV


Today is the day na pupunta kami sa Batangas for a 1 week vacation. Maaga akong nagising dahil ngayon pa lang ako maghahanda ng mga gamit na dadalhin ko. Matapos kong maligo, nilagay ko na sa bag ang mga dadalhin ko. Isang backpack at isang hand carry ang dala ko. Nagdala rin ako ng black at dark blue one-piece swimsuit dahil sabi ni Karylle, may malapit daw na beach resort sa townhouse ng Tito niya.

Nang maayos ko na lahat, nagpaalam na ako kina Mama at Papa. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa bahay nina Karylle dahil dun na lang daw kami magkikita-kita.
Pagdating ko dun, nakita ko sila sa labas ng bahay habang nakabukas na ang pintuan ng van na gagamitin namin. Mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

"Mabuti naman at nakarating ka na, Viceral. 8:00 AM ang usapan tapos 8:30 ka na dumating. Walang duda, Pilipino ka nga talaga" sabi ni Billy ng makababa na ako sa sasakyan.

"Sorry naman. Kanina lang kasi ako nakapag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko" paliwanag ko ng makalapit na ako sa kanila.

"Tama na ang usapan. Pumasok na tayo at mahaba pa ang biyahe" sabi ni Eruption at nagpaumunang pumasok sa van. Isa-isa na rin naman silang pumasok. Papasok na rin sana ako ng biglang may kumuha sa hand carry ko.

"Ako na magdadala nito" sabi ni Ion at dumiretso na sa loob ng van bitbit ang hand carry ko.

Pumasok na rin ako at dumiretso sa tabi ni Anne habang pinipigilan ang pagngiti ko.

"Nakita ko yun" mahinang sabi ni Anne na nakatingin ng diretso sa harapan.

"Ang alin?" baling ko sa kanya.

"Maang-maangan ka pa. Siyempre ano pa ba? Edi yung moment niyo dun sa labas kanina. Ewan ko ba sa inyo kung bakit hindi na lang kayo maging mag-jowa" sabi ni Anne.

"Eh paano naman kami magiging mag-jowa kung saming dalawa, ako lang ang may nararamdamang ganito" sabi ko naman sa kaniya.

"Ayun lang" sabi pa niya at napabuntong-hininga.

Napabuntong-hininga nalang rin ako ng malalim nang mapagtanto kong imposible ngang maging kami. Para sa kanya, magkaibigan lang kami pero para sakin, mas higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Ayoko rin namang aminin sa kanya ang totoo dahil natatakot ako na baka pag nalaman niya ay lumayo siya, umiwas siya, at iwanan niya ko. Ayoko. Ayokong mawala siya. Di na baleng ganitong patago akong nagmamahal sa kanya kasi alam kong sa ganitong paraan, di siya lalayo, di siya iiwas at di niya ako iiwan.

Dahil na rin sa sobrang pagod na nararamdaman ko physically, emotionally at mentally, nakatulog ako habang nasa biyahe.


ION'S POV


Matapos ang mahabang biyahe, sa wakas ay nakarating na kami sa townhouse ng Tito ni Karylle dito sa Batangas. Pagbaba namin sa sasakyan, sumunod agad kami kay Karylle papasok sa malaking bahay.

Kung gaano kaganda ang labas ng bahay, mas maganda pa ang loob nito. May dalawang palapag ang bahay na ito at hindi gaanong marami ang mga furnitures kaya napakaaliwalas sa paningin.

Maya-maya pa, may narinig kaming pababa ng hagdan.

"Tito!" sabi ni Karylle sabay lapit at yumakap sa lalaking nasa mid-40s.

"Karylle! Kamusta ka na?" tanong naman ng Tito niya.

"Okay lang naman po" sagot ni Karylle at bumaling sa amin. "Tito, I would like you to meet my friends and guys, this is Tito Kim Atienza, my mom's brother" sabi ni Karylle at isa-isa kaming pinakilala.

"Thank you po pala sa pagpayag na magbakasyon kami dito" pagpapasalamat ni Jugs.

"No problem. Pwedeng-pwede kayong magbakasyon dito anytime" sabi naman ni Tito Kim.

"Tito ano palang ginagawa niyo dito? Akala ko po magbabakasyon kayo with your family?" tanong ni Karylle.

"Hinatid ko lang yung groceries dito. Osya, mauna na ako. I hope na mag-enjoy kayo dito. Bye everyone!" sabi ni Tito Kim.

"Bye po!" paalam naman namin.

Pagkaalis ni Tito Kim, umakyat naman kami sa second floor.

"So guys, may 4 bedrooms dito pero tatlo lang yung pwedeng gamitin. May apat na kama dun sa dalawang rooms at may limang kama naman dun sa isa. The girls will occupy the room na may limang kama at kayong boys naman dun sa dalawang rooms. Ryan, Eruption, Jugs and Teddy, you will occupy the room na nasa dulo. Ion, Vhong, Jhong and Billy, kayo naman sa katabing room" mahabang paliwanag ni Karylle.

"How about me? Saan ako matutulog?" tanong naman ni Vice.

"Dun ka sa sala matulog. Mag-isa ka dun" asar ko sa kanya. Nakita ko namang tumaas ang kilay niya kaya napangisi ako.

"We consider you as a girl, Vice Marie kaya sasama ka samin" sabi naman ni Coleen.

"So everything's settled, guys. Pumunta na tayo sa mga kwarto natin" sabi naman ni Anne.

Isa-isa na rin silang pumasok sa mga kwarto. Bago ako sumunod kina Vhong, sumulyap muna ako kina Vice at napangiti ako nang makita ko itong pakembot-kembot na naglalakad.

Bakla ka talaga, Vice Marie Viceral!

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon