Chapter 24

1.1K 47 9
                                    

Dahil sunod-sunod ang mga magagandang nangyari sa VI, may update ako hihi. Feeling ko ito na yung pinakamahaba kong update. Sinipag eh HAHAHA. Btw, road to 2k reads na tayo! Awwiee! Thank you for supporting my story!

~KahelAtRosas

—•—

THIRD PERSON'S POV


Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring aminan. Isang linggo na ring hindi mawaglit sa isipan ni Vice ang nangyari sa pagitan nila ni Ion lalong-lalo na ang naging epekto nito sa kanilang dalawa.


FLASHBACK:


"Ion, I love you" tila huminto ang pagtakbo ng oras at ang pag-inog ng mundo ng sambitin iyon ni Vice. Waring nabingi silang dalawa at tanging mga kabog lamang ng kanilang mga puso ang naririnig nila; nabulag at ang nakikita lamang ay ang isa't isa.

Walang kurap na nakatitig si Vice sa mukha ng taong kaharap niya ngayon, naghihintay sa magiging reaksiyon at tugon nito sa sinabi niya. Wala na ring mapaglagyan ang kabang nararamdaman niya at maging ang puso niya ay waring gusto ng lumabas dahil sa lakas ng kabog nito.

"Anong sinabi mo?" tila nabibinging tugon ni Ion na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng kanyang buong sistema ang nalaman niya.

"Ang sabi ko mahal kita, Ion. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita" paulit-ulit na sambit ni Vice na tila ipinapaintindi kay Ion ang nais niyang iparating.

"Alam kong mahal mo ko. Siyempre, bestfriend mo ko eh" sabi ni Ion at ngumiti pa sa kaharap niya. Ngunit nang tingnan ni Vice ang mga mata niya, salungat ang sinasalamin nitong pagkalungkot at labis na pagkalito sa ngiting ipinapakita ng kanyang labi.

Damn that bestfriend thingy!

"Ion, ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? Mahal kita. Mahal kita hindi dahil sa bestfriend kita. Mahal kita hindi dahil malapit tayo sa isa't isa. Alam kong mahirap paniwalaan pero Ion, I love you and I am inlove with you" dire-diretsong sabi ni Vice na pinipigilang pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Vice, mabuti pang magpahinga ka na. Lasing ka na-----"

"No. Hindi pa ako lasing. Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko ang mga sinasabi ko!" giit ni Vice.

"Pero mali kasi 'to. Maling-mali" sabi ni Ion at napatingala nalang sa kalangitan na waring humihingi ng tulong mula sa mga bituing naroroon.

"Mali? Bakit? Paano? Kailan pa naging mali ang magmahal? Dahil ba sa magbestfriends tayo?" tanong ni Vice na halos mabasag na ang boses dahil sa pagpipigil na maiyak sa harapan niya.

"That's not what I mean. Alam mong hindi ako ganiyan, Vice" sabi ni Ion na pilit paring pinoproseso sa utak niya ang nangyayari sa kanilang dalawa.

"Then why? How come na naging mali 'to? Dahil ba bakla ako? Dahil ba hindi mo matanggap na yung matalik mong kaibigang bakla ay nahulog sayo? Yun ba? Yun ba yung dahilan?" tanong ni Vice na hindi na napigilang umiyak at mapahikbi.

"No, Vice. Alam mong mahal kita at ayokong nakikitang nasasaktan at umiiyak ka pero di ko pa kasi kayang suklian yung nararamdaman mo. I'm sorry" napayuko nalang si Ion matapos bitawan ang mga salitang paniguradong dudurog ng tuluyan sa puso ng kaharap niya ngayon.

"No need to say sorry. It's all my fault. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Kasalanan ko kung bakit nahulog ako sayo. Kasalanan ko dahil binigyan ko ng malisya lahat ng ikinikilos mo. Pasensya ka na kung nadamay ka pa. Pasensya ka na kung dahil sakin nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan natin. Kahit kasi alam ko na noon pa man ay wala na kong pag-asa sayo, pinili ko paring sumugal kasi Ion, mahal na mahal kita. P*t*nginang pagmamahal yan!" sambit ni Vice na nakatingin sa kawalan at sadyang iniiwasang dumapo sa mga mata ng kaharap ang kanyang paningin dahil alam niyang masasaktan lang siya ng todo.

"Mahal na mahal kita Ion to the point na kahit nasasaktan na ko ng sobra, handa ko paring isugal ang lahat ng bagay na meron ako para sayo. Pero kahit gaano pa karaming bagay ang isugal ko kung yung taong paglalaanan ko nito ay hindi kayang sumugal para sakin, sa dulo ako parin yung masasaktan. Ako pa rin yung mawawalan. Sorry sa lahat. Wag kang mag-alala, magiging okay rin ako. Hindi pa man ngayon pero dadating rin ang araw na yun. Please always remember na mahal na mahal kita. Kahit araw-araw pa kong masaktan ng ganito, pipiliin ko paring mahalin ka. I'm sorry and I love you. Goodbye!" punong -puno ng emosyong sambit ni Vice bago dali-daling umalis sa harapan ni Ion. Nang makalayo-layo na siya, dun na tuluyang bumuhos ang luha niya dulot ng sakit na nararamdaman niya.

T*ng*na! Ang sakit!

Sa kabilang dako naman, akmang hahabulin ni Ion si Vice nang biglang sumulpot si Anne na kanina pa pala nagmamasid at nakikinig sa kanilang dalawa mula sa punong di-kalayuan sa kanila.

"Ion, please let him breath this time. Hayaan mo muna siya. He needs time for his self to heal" sabi ni Anne bago sundan si Vice at iwan si Ion na nakatulala at napagtantong tama ang sinabi ni Anne. Siguro kailangan niya munang pahilomin ang sugat na dinulot niya sa puso ni Vice.

I'm sorry, Vice. Sorry sa lahat.

-----

Kinabukasan, sa araw ng pagbalik nila sa Maynila. Handa na ang lahat na umalis. Tahimik na naghihintay ang magkakaibigan sa pagbaba ni Vice at Anne mula sa kanilang mga kwarto. Hindi pa rin nila alam ang buong nangyari kagabi. Ni isa ay walang makasagot sa mga tanong na gumugulo sa kanilang isipan. Tanging sina Anne, Vice, at Ion lang ang may kakayahang sumagot ng mga katanungang ito.

Nagsitayuan agad sila ng makitang paparating na sa kanilang pwesto sina Anne at Vice.

"Ayan na pala sila eh. Tara na at baka abutan pa tayo ng tanghali" sabi ni Vhong at kinuha na ang bag niya. Nagsitayuan na rin ang iba pa nilang mga kaibigan at naglakad na papalabas ng resort kung saan naghihintay ang service nila.

Nagpalinga-linga naman si Vice na waring may hinahanap sa paligid. Isang tao na sa kabila ng sakit na dinulot sa puso niya ay patuloy pa ring hinahanap ng kanyang mga mata.

"Sis, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Anne. Hindi na niya nakausap ng maayos kagabi ang kaibigan dahil nang makarating sila sa kwarto nito, umiyak na lang ito ng umiyak hanggang sa makatulog ng may bakas ng luha sa kanyang mukha.

"Teka lang! Nasaan si Ion?" di na napigilang itanong ito ni Vice sa kanyang mga kasamahan ng mapansing wala si Ion sa paligid. Napatigil naman sila sa paglalakad dahil dito at nagtinginan sa isa't isa na waring nagtutulakan kung sino ang magsasabi kay Vice.

"Nauna na siya, Vice. Kaninang madaling-araw siya bumiyahe" lakas-loob na sagot ni Jhong kay Vice.

"Papunta sa Maynila? O sa probinsiya nila sa Tarlac?" tanong ni Vice sa mga ito.

"Sa probinsiya ng Mama niya, sa Bohol" sagot pa ni Jhong na pinagsisihan agad ang ginawa niya nang makitang gumuhit sa mata ng kaibigan ang sakit ng malaman ito. Para namang biglang sumikip ang puso ni Vice dahil sa nangyari.

Ganon ba talaga niya ko kaayaw? Na kailangan pa niyang lumayo para lang maiwasan niya ko?

"Osya tara na. At baka tanghaliin pa tayo sa daan" sabi ni Vice at pilit na ngumiti sa kanila sa kabila ng sakit na nararamdaman niya.

Ang sakit ng ginawa mo, Ion. T*ng*na ang sakit pero 'tong puso ko handa paring maghintay sayo.


END OF FLASHBACK.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon