Chapter 28

1.1K 46 23
                                    

THIRD PERSON'S POV


Picture dito, picture doon. Matapos magpahinga, yan agad ang inatupag ng magkakaibigan. Hindi naman ito ang first time nila na makarating sa Baguio sadyang excited lang sila na masilayan muli ang magagandang mga tanawin dito kaya sila nagkakaganito.

"Guys, balik na tayo sa hotel. Nagugutom na kasi ako eh" sabi ni Jugs na nakahawak na sa tiyan niya.

"Sige, mauna na kayo dun. Maiwan nalang muna ako dito" ani Vice habang tinitingnan ang mga kuhang litrato sa kanyang cellphone. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan. Ayaw nilang maiwang mag-isa si Vice kaya nagdadalawang-isip silang bumalik sa hotel.

"Maiwan na rin muna ako dito. Sasamahan ko si Vice" sambit ni Vhong at tiningnan ang mga kaibigan. Tumango naman ang mga ito sa kanya at nagpaalam na sa kanilang dalawa.

"Gusto mo bang magpicture dun?" tanong ni Vhong kay Vice nang mapansing nakatingin ito sa dalawang babaeng nagpi-picture sa hardin na puno ng mga bulaklak.

"Oo sana. Kung okay lang sayo" nahihiyang sambit ni Vice. Inakbayan naman siya ni Vhong at kinuha ang cellphone niya sa kanyang kamay.

"Ngayon ka pa talaga nahiya sakin. Tara na!" sabi ni Vhong at hinila si Vice papunta sa hardin.

"Gandahan mo yung kuha ah!" sabi ni Vice nang makarating sila doon.

"Oo na. Magpose ka na diyan" sagot naman ni Vhong at itinapat ang camera sa kanya.

Ilang shots ang kinuha ni Vhong nang bigla siyang mapatigil saglit ng may mapansing kakaiba sa litratong nakuha niya. Bigla siyang kinabahan sa taong nakunan niya di kalayuan sa likuran ni Vice.

Si Ion ba 'to?

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Vice nang mapansing di na nakagalaw si Vhong.

Agad namang binura ni Vhong ang mga litratong nakasama si Ion nang maglakad papalapit si Vice papunta sa kanya.

"Tara na. Bumalik na tayo sa hotel" yaya niya kay Vice.

Gusto na niyang bumalik sa hotel dahil natatakot siyang magkita sina Vice at Ion. Ayaw niyang mangyari iyon dahil maaaring masaktan na naman si Vice.

"Huh? Bakit naman? Gusto ko pang magpicture dun" sabi naman ni Vice.

"Wag na. Marami naman na kong nakuhang picture sayo dun kanina eh" pamimilit pa ni Vhong.

"Sige na nga" sabi ni Vice at kinuha mula kay Vhong ang cellphone niya.

Tiningnan muli ni Vhong ang pwesto kung saan naroon kanina si Ion at nakitang wala na ito roon.

Siya ba talaga yun? O baka nagkamali lang ako?

**********

"Teddy, kumalma ka nga diyan. Sino bang inaabangan mo diyan?" tanong ni Eruption nang mapansing kanina pa palinga-linga si Teddy.

Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop. Kakatapos lang nilang mamasyal kaya napagpasyahan nilang magpahinga muna.

"Si Ion" sagot naman ni Teddy sa kanya.

"Huh? Eh diba nasa Bohol siya?" nagtatakang tanong ni Anne.

"Yun nga rin ang akala ko pero nagtext siya sakin kanina na nandito rin siya nung makita niya yung Instagram Post ko" paliwanag ni Teddy.

"Nakita ko nga rin si Ion nung maiwan kami ni Vice dun sa may garden kanina" sabi naman ni Vhong sa kanila.

"Nagkita ba silang dalawa?" tanong ni Karylle.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon