Chapter 37

1.2K 62 5
                                    

THIRD PERSON'S POV


"Vice?" agad na napatingin si Vice sa pinto ng bumukas ito at nakita si Manang.

"Bakit po?" tanong niya rito.

"Nasa baba na yung mga kaibigan mo. Naghihintay na sila sayo" sagot ni Manang.

"Ganun po ba? Bababa na lang po ako" sabi ni Vice kaya ngumiti lang si Manang at isinara na ang pinto.

Tiningnan niya muna ang sarili sa full length mirror na nasa loob ng kwarto niya.

"Just enjoy this night, Vice Marie. Let yourself be happy before you leave. Smile and laugh with them" pagkausap niya sa sarili.

Bumuntong-hininga siya at pinigilan ang sariling maluha. Makalipas ang ilang sandali, nagpasiya na siyang bumaba.

"Sis! Finally!" sabi ni Anne at agad na lumapit sa kaibigan at niyakap ito.

"Napaka-eksaherada mo naman! Parang hindi tayo nagkita nung isang araw ah" sabi ni Vice kaya natawa naman ang mga kaibigan nila.

"Siyempre, who knows, this might be my last hug with you" sabi ni Anne na nangingilid na ang luha.

"Wag ka ngang ganiyan. Aalis lang naman ako and I assure you na babalik rin ako. And also, dadalaw-dalawin ko rin naman kayo dito eh" sabi ni Vice at tiningnan ang ilan nilang kaibigan. Napansin naman niyang kulang sila.

"Where's Vhong?" tanong niya sa mga ito.

"Looking for me, Viceral?" napalingon agad siya sa may pintuan at doon nakita ang kaibigan at ang isang taong hindi niya inakalang makakarating.

"Vhong, akala ko di ka na makakapunta" sabi ni Vice.

"Pwede ba naman yun? Natagalan lang ako kasi sinundo ko pa si Tanya" sabi ni Vhong at lumapit sila sa mga ito.

"I'm glad that you're here, Tanya. Thanks for coming!" nakangiting sambit ni Vice.

"Of course, pupunta talaga ko kasi my boyfriend told me na aalis ka kaya nagbook agad ako ng flight para maka-attend tonight" nakangiting sabi ni Tanya.

Lahat naman ay nagulat dahil sa sinabi ni Tanya.

"Wait, boyfriend mo na si Vhong?" hindi makapaniwalang tanong ni Mariel.

"Oo. Bakit? Aangal kayo?" ani Vhong at pinandilatan sila.

"Hanep kuys! Sinagot ka rin ni Tanya!" sabi ni Teddy.

"Siyempre!" sabi ni Vhong at nag-pogi sign kaya natawa naman silang lahat.

"Tara na nga at kumain na tayo" natatawang sabi ni Vice kaya nagtungo na silang lahat sa dining room.

Iba't ibang klaseng putahe sng nakahain sa mesa at sa itsura palang ng mga ito, matatakam ka na talaga. Isa-isa na silang umupo at nagsimula ng kumain.

Maya-maya, sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, biglang pumasok ang isa sa mga kasama ni Vice sa bahay at tinawag siya.

Agad naman siyang tumayo at lumapit dito.

"Bakit?" tanong niya.

"May naghahanap po sa inyo. Nasa sala po naghihintay" sabi nito. Tumango naman si Vice kaya umalis na ito.

Tumingin naman siya sa mga kaibigan niya na kasalukuyan paring kumakain.

"Guys, excuse lang sandali. May naghahanap kasi sakin. Babalik rin ako agad" sabi ni Vice at naglakad na patungong sala.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon