Chapter 15

1K 51 6
                                    

VICE'S POV

"So tapos na tayo sa pagset-up ng booth at ang kulang nalang ay ang mga costumes at cameras na kailangan natin" sabi ni Vhong samin. Kami nalang nina Vhong, Jugs, Ryan, Karylle at Billy ang nandito dahil umuwi na yung iba.

"Saan naman tayo kukuha ng mga yun?" tanong ni Jugs kay Vhong.

"May pinareserve na kong mga costumes at cameras pero kailangan pang kunin dun sa shop. Ako sana yung kukuha pero may lakad kami ng family ko bukas, so sino ang pwedeng kumuha nun?" tanong ni Vhong at isa-isa kaming tiningnan.

"Sorry, may gagawin rin ako bukas eh" sabi ni Ryan.

"Ako rin. May pupuntahan kami tomorrow" sabi naman ni Eruption. Pati si Billy, Jugs at Karylle ay tumanggi na rin kaya lahat sila ay tumingin sakin. Uh oh!

"Viceral, I guess wala ka namang gagawin bukas so baka pwedeng ikaw na yung kumuha" nakangiting sabi sakin ni Vhong. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Oo na, wala rin naman akong ibang choice eh" sabi ko kaya napangiti silang lahat.

"Oh ayan, okay na lahat. Send ko nalang sayo Vice kung saan yung shop" sabi ni Vhong sakin kaya tumango ako sa kanya. Maya-maya lang ay umuwi na rin kami.

**********

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ngayon ko kukunin ang costumes at cameras tutal Sabado naman ngayon. Matapos kong mag-ayos, may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito at tumambad sakin si Manang. Bumalik na kasi sina Mama at Papa sa L.A kaya sila Manang nalang ang kasama ko dito sa bahay.

"Vice, nasa baba si Ion. Hinahanap ka" sabi sakin ni Manang.

Si Ion? Ano namang ginagawa niya dito?

"Ah sige po. Pakisabi nalang po na bababa na ko maya-maya" sabi ko. Sinara ko na rin ang pinto pagka-alis ni Manang. Nilagay ko na sa bag yung wallet at cellphone ko. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. I am wearing a black ripped jeans and a black printed shirt paired with white shoes. Tinali ko rin ang buhok ko and put a light make-up on my face. When I felt satisfied on my look, I decided na bumaba na.

Pagdating ko sa baba, nakita kong nakaupo si Ion sa couch habang kinakalikot ang cellphone niya. He is wearing a black pants and a white V-neck printed shirt paired also with white shoes.

"Ano namang masamang hangin ang nagtulak sayo papunta dito?" napaangat naman siya sakin ng tingin ng marinig niya ko.

"Wala naman, gusto lang kitang yayain na gumala" sabi niya sakin.

"Next time nalang kasi may lakad ako eh. Kailangan kong kunin yung costumes at cameras para sa booth namin" saad ko.

"Oh edi sasama nalang ako sayo" sabi niya at tumayo.

"Sure ka?" paniniguro ko sa kanya. Baka mamaya bigla niya kong iwan kasi may iba pala siyang lakad.

"Oo nga. Tara na" sabi niya at naglakad na palabas kaya sumunod na ko.


ION'S POV


"Sure ka ba na dito sa mall na 'to yung shop na sinasabi ni Vhong?" tanong ko kay Vice. Kanina pa kasi kaming paikot-ikot dito sa mall pero di pa rin namin makita yung shop na hinahanap ni Vice.

"Oo nga. Try ulit natin sa taas baka di lang natin nahagilap kanina" sabi ni Vice kaya pumunta ulit kami sa 2nd floor at inikot ulit ito.

"Teka ayun oh, mukhang yun na yung shop" sabi ni Vice kaya pumunta na kami dun. Sa labas nalang ako naghintay dahil medyo maraming tao sa loob. Maya-maya lang ay lumabas na si Vice na may dalang apat na malalaking plastic bags.

"Ako na diyan, dadalhin ko muna yang mga yan sa kotse. Ikaw naman, maghanap ka ng makakainan natin. Kanina pa ko gutom eh" sabi ko at kinuha sa kanya ang mga plastic bags.

"Okay, text nalang kita" sabi niya at tumalikod na kaya naglakad na rin ako papuntang parking lot. Pagdating ko dun, inilagay ko agad ang mga dala ko sa kotse. Yung kotse ko ang ginamit namin papunta dito dahil nakaday-off ang driver nila Vice. Nang mailagay ko na lahat, nakatanggap naman ako ng text mula kay Vice.

From: Vice Marie
Nandito na ako sa isang Japanese Restaurant katabi ng Jollibee sa 1st floor.

Matapos kong mabasa ang text niya, pumunta agad ako sa loob at hinanap ang restaurant na sinasabi niya. Nang mahanap ko na ito, pumasok agad ako at nakita siyang nakaupo sa table na nasa dulo pero may kasamang lalaki. Agad na kumunot ang noo ko nang makitang nagtatawanan sila. Teka, parang familiar yung lalaki.

Is that Zanjoe?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon