Chapter 10

1.1K 48 13
                                    

ION'S POV


"Nasaan si Vice?" tanong ni Coleen at nilibot ang paningin. Nandito kami ngayon sa sala at naglalaro ng kung ano-ano. May naglalaro ng tong-its, naglalaro ng scrabble at yung iba ay nakaupo lang sa couch at kinakalikot ang mga cellphones nila.

"Nasa kwarto. Ayaw bumaba" sabi ni Mariel.

"Magmula nang makauwi tayo kanina, hindi ko pa siya nakikitang lumabas. May problema ba yun?" tanong ni Ryan.

"Mukhang nagalit sakin" sabi ko at napatingin naman sila.

"Bakit? Ano namang ginawa mo?" tanong sakin ni Jhong.

"Eh paano naman kasi, kinulit ni Ion kanina kaya naimbyerna si bakla" sabi ni Anne at tumingin sakin.

"Ikaw talaga, Ion. Mabuti pa, puntahan mo siya at makipagbati ka. 4th year highschool na kayo pero napaka-immature niyo pa rin" sabi ni Karylle  kaya wala akong nagawa kundi puntahan si Vice sa kwarto nila. Pagkarating ko sa harap ng kwarto, kumatok muna ako sa pinto.

"Pasok!" matamlay na sagot ni Vice mula sa loob kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok.

Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana at nakatingin sa mga bituin sa langit. Nang marinig niyang sumara ang pinto, tumingin siya sa direksiyon ko ng walang kaemo-emosyon at agad ring ibinalik ang tingin sa labas.

Galit nga siya.

Lumapit ako sa kinatatayuan niya at napasinghap ito ng yakapin ko mula sa likod.

"Sorry na. Promise, di na kita kukulitin tungkol dun. Wag ka nang magalit" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"I'm not mad" sabi nito.

"Oo na. Naniniwala na akong di ka inlove sa lalaking yun. Naintriga lang naman ako nung malaman kong inlove ka tapos dumagdag pa sa pagkabahala ko yung sinabi ni Anne na dun ka kay Zanjoe inlove. Sorry na, Vice Marie. Wag ka nang magalit sakin" sabi ko sa kanya.

"I told you, I'm not mad" sabi naman niya.

"If you're not mad, then why are you here? Bakit di ka sumali samin dun sa baba?" tanong ko.

"I'm not in the mood to do such things" sabi naman niya.

"Wala ka sa mood dahil sakin" sabi ko at napabuntong-hininga naman siya.

"Yeah, you're right. I'm not in the mood because of you. Nakakainis ka kasi" naiinis na sabi nito.

"Sorry na nga" sabi ko pa.

"Fine, you're forgiven. Wala rin naman akong magagawa" sabi niya at napangiti naman ako dahil dito.

"So dahil bati na tayo, tara na sa baba" yaya ko sa kanya.

"Ayoko nga. Dito lang ako tsaka bitawan mo nga ako. Ang higpit ng yakap mo masyado" sabi niya kaya bumitaw ako sa pagyakap sa kanya.

"Kunwari ka pa diyan eh enjoy na enjoy ka naman sa yakap ko" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Kapal ng fez mo! Bumaba ka na nga" sabi niya at umiling naman ako sa kaniya.

"Ayoko na rin. Hihiga nalang ako rito. Nasaan ba yung kama mo?" tanong ko sa kanya.

"Yung nasa dulo" sabi niya kaya pumunta na ako sa pinakadulong kama at humiga. Pagtingin ko sa kanya, nakita kong nakatalikod na siya at nakaharap na ulit sa labas. Dahil na rin sa pagod na naramdaman ko, mabilis akong dinalaw ng antok kaya pinikit ko na ang mga mata ko.

Goodnight, Vice Marie!


VICE'S POV


Oh diba, ang rupok ko. Konting suyo lang, bibigay na. Pero anong magagawa ng isang Maria Clara na katulad ko eh mahal na mahal ko yung taong yun. Ewan ko. Kahit anong gawin kong pagwaksi sa nararamdaman ko for him, di ko pa rin magawa kasi hulog na hulog na ako sa kanya.

Nang makaramdam na ako ng antok, I decided na matulog na. Pero napahinto agad ako sa paglalakad ng makita ko si Ion na mahimbing na natutulog sa kama ko.

Bakit nandito pa siya? Akala ko lumabas na siya kanina pa?

Dahil nasa kama ko si Ion, humiga nalang ako sa katabing higaan, sa kama ni Anne. Humiga ako paharap kay Ion at tinitigan ito. Ang gwapo. Kahit tulog, napakagwapo pa rin. His jawline, his pointed nose, and his pinkish lips. His face is just so perfect!

And right now, I can't blame myself that I fell inlove with this man, with this almost perfect man!

Goodnight, Ion!

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon