Chapter 38

1.1K 53 2
                                    

THIRD PERSON'S  POV

"Vice, uwi na kami. Lasing na kasi 'tong si Navarro baka mapagalitan pa 'to ni Tita" paalam ni Tanya at napatingin naman si Vice kay Vhong na akay-akay nina Jhong at Billy palabas ng bahay.

"No problem. Thank you talaga sa pagpunta. And also, pakialagaan yang si Vhong at  alam ko rin naman kasi na aalagaan ka rin niyan kasi mahal na mahal ka niya. Thank you for loving Vhong. And also, wag mong kukunsintihin mga kalokohan niyan" sabi ni Vice at ngumiti sa kaharap.

"I know. Wag kang mag-alala, ako ng bahala sa kanya. And you, mag-iingat ka sa LA ha? Mami-miss ka namin. And don't worry, babantayan namin yang si Ion. Kaming bahala diyan habang wala ka dito" sabi naman ni Tanya.

"No need to keep an eye on Ion, Tanya. Alam naman nating lahat na loyal yan kay Vice" sabat naman ni Coleen.

"Kailan mo ba balak sagutin?" baling sa kanya ni Mariel. Hindi naman siya sinagot ni Vice at ngumiti lamang.

"Ayses! Yang ngiting yan, sinagot mo na 'no?" nakangising ani Anne.

Nagkibit-balikat lang si Vice at iniwan sila ng walang sagot.

"Napakadaya mo!" habol na sigaw ni Anne sa kanya kaya natawa naman siya. Huminto naman siya sa paglalakad at lumingon sa kanila.

"Ingat kayo sa pag-uwi! Goodnight!" sabi ni Vice at kumaway sa mga ito. Nakatingin lamang siya sa mga kaibigan na isa-isa ng pumasok sa kani-kanilang mga sasakyan.

Nang tuluyan ng makaalis ang mga ito, napagdesisyunan niyang pumasok na rin sa loob ng bahay nila dahil palalim na ng palalim ang gabi.

"Ay boses ipis!" gulat na sambit ni Vice nang biglang may humawak sa braso niya. Nang tingnan niya ito, nakita niya si Ion na nagpipigil ng tawa.

"At talagang nag-effort ka pang pigilan yang tawa mo ah?" may halong inis na wika ni Vice at hinampas si Ion sa dibdib kaya di na napigilan ng binata ang kanyang pagtawa.

"HAHAHAHA! Pffft! HAHAHAHA!" nakahawak na sa tiyan niya si Ion dahil sa sobrang pagtawa niya sa kanyang kasintahan.

"Tawang-tawa ganun?" sabi ni Vice at tiningnan nang masama ang binatang kaharap niya. Pinipilit namang pigilan ni Ion ang kaniyang tawa dahil sa sama ng tinging ipinupukol sa kanya ng kaniyang kaharap.

"Kung nakita mo lang kasi yung mukha mo kanina, paniguradong matatawa ka rin HAHAHA!" sabi naman ni Ion at natawa ulit.

"Che!" inis na nilisan ni Vice ang pwesto nila ni Ion at dumiretso na sa pagpasok sa bahay.

Dali-dali namang hinabol ni Ion si Vice at agad na hinawakan ang braso ng maabutan niya ito.

"Bitaw" maikling sabi ni Vice na naghatid ng kaba kay Ion dahil sa seryoso ng boses nito.

Kakasagot palang sakin tapos ginalit ko na. Yari ka talaga, Ion!

"Joke lang naman yun eh. Sorry na" nakayukong wika ni Ion.

"Hindi. Tumawa ka pa baka kasi nabitin ka" walang emosyong sabi ni Vice at naglakad ulit.

Nakasalubong naman nila si Manang na nagtatakang nakatingin sa kanila.

"Manang, bakit gising pa po kayo?" tanong ni Vice sa matanda.

"Pinaligpit ko pa kasi yung mga kalat sa kusina kanina. Ikaw iho, bakit nandito ka pa? Dito ka ba matutulog?" tanong ni Manang na nakatingin kay Ion na nasa likuran ni Vice.

"Ah hindi, Manang. May sasabihin lang po ako sa kanya" sabi naman ni Ion kaya napatango na lang ito sa kanya.

"O siya, matutulog na ko. Ikaw ng bahala dito sa bisita mo Vice ha. Goodnight sa inyong dalawa" ani Manang at iniwan na silang dalawa.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon