Chapter 14

1.1K 47 7
                                    

VICE'S POV

Christmas Holiday is already over kaya back to normal na naman yung buhay namin. 2 weeks na rin yung nakalipas nung magsimula yung klase namin. And right now, the whole university are busy preparing for our upcoming Foundation Day next week. Our section was divided into 2 groups and each group should create a booth for next week's celebration.

Our group decided na Photo Booth nalang ang gawin. Hindi naman, masyadong hassle kasi medyo marami rin namang members sa grupo namin at kasama na dun sina Vhong, Jugs, Mariel, Karylle, Billy, and Ryan. Sa kabilang group naman sina Jhong, Ion, Eruption, Anne, Coleen at Teddy and their group decided na Marriage Booth naman ang gawin.

"Vicey, punta muna tayong canteen. Nauuhaw na ko" sabi ni Karylle kaya tumango ako sa kanya.

"Vhong, bibili lang kami sa canteen ng tubig. Uhaw na uhaw na daw si Kulot eh" sabi ko kay Vhong dahil siya ang leader ng grupo namin.

"Alright. Pero don't forget to buy water for us naman" sabi ni Vhong.

"Oo na. Ang conyo mong pango ka" natatawang sabi ko sa kanya.

"Dinamay mo pa ilong ko. Umalis na nga kayo" taboy ni Vhong samin kaya natawa nalang kami ni Karylle at iniwan silang nag-aayos ng booth namin.

Pagdating namin sa canteen, nakita naming nandun si Anne nakaupo sa pwesto namin kaya dumiretso ako dun samantalang dumiretso naman si Karylle sa counter.

"Uy babaita! Ba't andito ka?" tanong ko ng makalapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa harapan niya.

"Ang init kasi dun sa pwesto namin" sabi nito at inayos ang pagkakaupo niya.

"Bakit mag-isa ka dito?" tanong ko pa. Tiningnan ko muna saglit si Karylle at nakita kong medyo malayo pa siya kasi mahaba ang pila sa counter.

"I'm with Coleen. Nag-cr lang siya. Eh ikaw, what are you doing here?" tanong naman nito sakin.

"Sinamahan ko lang si Karylle. Ayun oh" sabay turo ko kay Karylle.

"Oh I see. So how's your preparation?" tanong niya pa.

"Okay naman. Malapit na rin naming matapos yung pagset-up nung booth. Eh yung sa inyo?" tanong ko.

"Okay na sana kaso may epal" sabi nito at napansin kong medyo nag-iba yung mood niya.

"Epal? Who?" tanong ko and move closer to her.

"No other than Tasha. The higad na may gusto sa bestfriend mo" naiinis na sambit nito.

Tasha Pressman, our classmate na matagal ng may gusto kay Ion. Dikit siya ng dikit kay Ion noon pero dumistansya rin nung masampolan ko dahil di na ko nakapagtimpi sa kalandian niya. Kaya everytime na makikita niyang magkasama kami ni Ion, di talaga siya lumalapit.

"Mukhang sinusulit ni gaga yung oras na wala ako sa tabi ni Ion" sabi ko .

"You're right. Naiirita na nga rin si Ion kasi palaging nakabuntot sa kanya si Tasha" sabi ni Anne na nakakunot na ang noo.

"Higad will always be higad" natatawang sabi ko sa kanya. Maya-maya lang ay dumating na rin si Karylle pati na rin si Coleen.

"Here's your water, Vicey. Balik na tayo dun" sabi ni Karylle na may dala-dalang plastic bag na may lamang mga mineral water para kina Vhong.

"Mamaya na. Sumama muna tayo kina Anne" sabi  ko at tumingin kay Anne.

"Are you sure, sis?" tanong ni Anne sakin.

"Yeah sis" I said and wink at her.

Pagdating namin dun, nakita kong umaali-aligid si Tasha kay Ion na di naman siya pinapansin. Napailing nalang ako dahil nagmumukha siyang tanga.

"Hey there, Ion!" sabi ko at tumingin naman siya sa direksiyon ko. I saw relief on his eyes when he saw me walking towards him. Nakita ko namang umalis si Tasha at lumapit sa mga kaibigan niya.

That's right. Know your limitations, dear.

"What brought you here?" tanong niya at tinigil muna ang ginagawa niya.

"I just want to give you this" inabot ko naman sa kanya ang mineral water na hawak ko.

"Thank you!" sabi niya at uminom dito. Napansin ko namang medyo malapit na nilang matapos ang booth nila.

"Oh sayo na 'to" sabi ni Ion at inabot sakin ang tubig na medyo marami pang laman.

"No. I'm okay" sabi ko at iwinasiwas ang kamay ko.

"Kunin mo na. Baka mauhaw ka pa dun tsaka ako lang naman ang uminom diyan" sabi niya at inabot parin sakin ang tubig kaya kinuha ko na ito.

Wag ka namang pa-fall, Ion.

"Sige na. Aalis na rin kami, dumaan lang talaga kami dito kasi nalaman kong may UMAALIGID NA NAMAN SAYO" sabi ko at tumingin kay Tasha na napaiwas naman ng tingin.

"Ikaw talaga. Sige na, bumalik na kayo sa grupo niyo. Okay lang naman kami dito" sabi niya at ngumiti sakin kaya bumalik na kami ni Karylle sa pwesto ng booth namin.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon