Chapter 9

1K 51 11
                                    

VICE'S POV


Papalubog na ang araw pero nandito pa rin kami sa beach resort. Nakapagpalit na rin kami ng damit dahil maya-maya lang ay uuwi na rin kami. Dahil wala pa ang van na sasakyan namin, napagpasyahan namin ni Anne na maglakad-lakad muna sa dagat.

"Sis, bakit hindi ka nalang umamin kay Ion? Para naman hindi ka na nahihirapan ng ganiyan" sabi ni Anne. Napabuntong-hininga naman ako.

"Ayoko. Alam ko kasing may magbabago samin pag ginawa ko yun kasi alam naman nating pareho na di niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya" mapait kong sagot.

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo. Pero teka, sa tingin mo ba nakakahalata na yung mga kaibigan natin na may gusto ka sa kaniya?" tanong pa niya.

"Ewan ko. Pero sa tingin ko hindi pa naman. Ang galing ko kayang umarte sa harapan nila" sabi ko at tumigil sa paglalakad kaya tumigil rin siya. Humarap naman kami sa dagat kung saan nakikita namin ang unti-unting paglubog ng araw.

"Sabagay. Eh siya? Sa tingin mo alam na niyang may gusto ka sa kanya?" tanong niya.

"Hindi pa naman siguro. Wala pa namang nagbabago samin. Ganun pa rin naman siya. Ganun pa rin naman yung Ion na minahal ko" napangiti naman ako dahil dun.

"Ikaw naman kasi, sa dinarami-rami ng lalaki sa mundo, bakit sa kanya ka pa na-inlove?" sabi ni Anne na parang hirap-hirap na rin siya sa sitwasyon ko.

"Inlove? Sinong inlove?" nabigla naman kami ni Anne ng biglang may umakbay saming dalawa. Paglingon namin, nakita namin si Ion na may nagtatakang tingin.

"Para ka namang kabute diyan, Ion. Kung saan-saan ka nalang sumusulpot" sabay palo ko sa kamay niyang naka-akbay sakin.

"Sorry. Ang seryoso niyo kasing dalawa eh. So sino ngang inlove?" tanong pa rin nito saming dalawa.

"Eh sino pa ba? Edi yang bestfriend mo" sabi ni Anne sabay turo sakin.

"Inlove ka? Kanino?" tanong ni Ion sakin.

"Hindi ah. Kanino naman ako mai-inlove" sabi ko at pasimpleng pinandilatan si Anne.

"Kanino nga? Nandito ba sa beach ngayon?" tanong pa ni Ion. Jusko! Ang kulit!

Oo. Nandito katabi ko.

"Oo. Nandito siya, ayun oh" sabi ni Anne sabay turo sa lalaking naliligo sa dagat.

He seems familiar to me.

"Sa kanya ka inlove? Eh yan yung lalaking nasa club eh" sabi ni Ion. Now I remember him.

"Yung sinasabi mong nagbigay sayo ng drink?" tanong rin sakin ni Anne.

"Oo. Siya nga yun. Si Zanjoe" sabi ko habang nakatingin kay Zanjoe.

"So inlove ka sa lalaking yan?" sasagot na sana ako kay Ion ng biglang may tumawag samin.

"Vice, Ion, Anne, uuwi na tayo. Hali na kayo" sigaw ni Jhong samin. Wala na kaming nagawa kundi sumunod na sa kanya.


ION'S POV


"Anne palit tayong upuan. Dito ka sa tabi ni Vhong at ako naman diyan sa tabi ni Vice" sabi ko kay Anne.

"Alright" sabi niya at tumayo kaya tumayo na rin ako at umupo sa tabi ni Vice.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ni Vice na nakatingin sa labas.

"Papaaminin ka" sabi ko at napalingon naman siya dahil sa sinabi ko.

"P-paaaminin m-mo a-ako? T-tungkol s-saan?" nagkakanda-utal-utal na tanong niya. Bakit naman siya kinakabahan?

May tinatago talaga 'tong bestfriend ko.

"Tungkol sa pinag-usapan natin kanina" sabi ko na tinutukoy ang napag-usapan namin kanina sa tabing- dagat.

"Ang kulit mo talaga! Ano na namang sasabihin mo?" tanong nito sakin.

"Inlove ka ba talaga dun sa Zanjoe?" tanong ko sa kaniya.

"Eh ano naman ngayon?" sabi nito na parang tinatamad na kausapin ako.

"Sumagot ka nga ng maayos. Oo o hindi lang naman yung sagot" naiinis na sabi ko.

"Hindi. Hindi ako inlove sa kanya at hindi ako inlove kanino man" sabi nito sabay iwas ng tingin.

"Hindi daw pero iba yung tingin mo sa kanya kanina. Halata namang inlove ka dun eh" napalingon naman siya sakin.

"Magtatanong ka diyan tapos hindi ka naman maniniwala sa sagot ko" sabi niya ng nakakunot ang noo.

"Eh totoo naman kasi yung sinabi ko" sabi ko pa sa kanya.

"Ang kulit-kulit mo talagang nilalang. Oh edi sige. Oo. Oo ang sagot ko sa lahat ng tanong mo" sabi niya sabay lagay ng headset sa magkabilang tenga niya at sumandal sa bintana ng van.

Anong sabi niya? Oo daw? So inlove nga siya dun?

Bakita parang may kirot?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon