Chapter 23

1.1K 51 3
                                    

THIRD PERSON'S POV


Pasado alas-otso na nang makarating sila sa club ng resort. Dumiretso agad sila sa bakanteng mesa at nag-order ng alak. Salungat sa ingay na maririnig sa loob ng club ay ang pagiging tahimik naman ng isang tao na hindi manlang kakikitaan ng excitement at saya sa kanyang mukha. Si Vice.

"Okay ka lang ba, Vice? Kanina ka pa tahimik eh" tanong ni Jhong ng mapansing kanina pa tahimik ang kaibigan na salungat sa maingay na personalidad nito.

"Auh oo naman. Medyo napagod lang siguro ako kanina" palusot ni Vice kahit na may ibang rason naman talaga kung bakit siya nagkakaganito.

Nang maiserve na ang alak na inorder nila, binuksan agad ito ni Eruption at nilagyan ang mga baso nila. Nang malagyan ang baso ni Vice, agad niya itong nilagok sa kabila ng mapait na lasa nito.

"Dahan-dahan lang, Viceral. Di ka naman mauubusan ng alak eh" sabi ni Billy ng makita ang ginawa ng kaibigan.

"Sorry, minsan lang kasi mangyari 'to kaya dapat lubusin na" sabi naman ni Vice at pilit na ngumiti sa kanila. Nagpatuloy naman sila sa pag-iinuman hanggang sa makaubos sila ng dalawang bote ng alak.

"Sayaw tayo. Dapat tayong lahat" sabi ni Teddy at tumayo naman silang lahat kabilang si Vice na ikinagulat ng lahat.

"Himala yatang di ka umangal, Vice" pansin ni Vhong sa mga pagbabagong nangyayari sa kaibigan. Pilit namang ngumiti si Vice ng marinig ang sinabi nito.

"Ang dami niyong satsat. Sayaw na kung sasayaw" sabi nito at nagpaumuna sa dancefloor.

Sa kabilang banda, may isang tao namang hindi maiwaksi sa kanyang isipan ang kakaibang ikinikilos ng kanyang kaibigan. Si Ion na kasalukuyang nakatanaw kay Vice na nakikipagsayawan sa gitna kasama ang mga kaibigan nila.

Pinili niyang umupo nalang muna sa may counter dahil sa kabang nararamdaman niya na waring may mangyayaring masama sa gabing iyon. Dagdag pa rito ang pagtataka niya sa biglaang pagbabago ng kaibigan niyang si Vice. Nagulat siya ng makitang nilagok agad nito ang alak sa baso niya kanina gayong hindi naman talaga ito umiinom. At isa pa rito ay ang ginagawa nito ngayong pakikipagsayawan sa dancefloor gayong ayaw naman nito sa masisikip at matataong lugar gaya ng sinasayawan nito ngayon.

May problema ba siya?

Napailing nalang si Ion ng bigla itong pumasok sa isipan niya. Imposibleng mangyari yun dahil masaya pa naman sila kanina habang naliligo sa dagat. Nakikipagtawanan pa ito sa kanila at nakikipag-asaran kanina kaya imposible talagang mangyari yun.

Saglit pa niyang tiningnan ito bago napagpasyahang bumalik sa pwesto nila. Maya-maya lang ay bumalik na rin ang mga kaibigan niya matapos makaramdam ng pagod mula sa pagsasayaw.

"Bakit di ka pumunta dun, Ion?" tanong ni Teddy ng mapansing di ito  sumama sa kanila kanina.

"Lumabas lang ako sandali. Nagpahangin" palusot ni Ion para di na magtanong pa ang kaibigan niya. Napansin naman ni Ion si Vice na nakapikit at nakasandal sa upuan niya na para bang nakatulog na kaya tinapik niya ito.

"Okay ka lang ba?" napamulat naman si Vice at tumingin kay Ion. Tumango lang ito sa kanya at pumikit ulit kaya kumunot naman ang noo niya.

Ano bang problema niya?

Hindi na lang niya ito pinansin at ibinaling sa ibang bagay ang atensiyon ngunit kahit yata anong gawin niya, bumabalik at bumabalik pa rin ang paningin niya sa kaibigan na kasalukuyan paring nakapikit.

Maya-maya lang ay napamulat ng mata si Vice at nagtama ang paningin nila ni Ion. Pero imbis na umiwas ng tingin si Vice, pinili niyang titigan ang kaharap niya dahil baka ito na ang huling beses na matitigan niya ng malaya ang matalik niyang kaibigan.

Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya. Di ko na yata kakayanin kapag pinatagal ko pa.

"Ion, pwede ba tayong mag-usap?" biglang tanong ni Vice kay Ion. Natahimik naman ang kanilang mga kaibigan at napatingin sa kanilang dalawa.

"Sure. No problem" pilit na sagot ni Ion at hindi pinahalata na kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Bigla namang nakaramdam ng kaba si Anne na katabi ni Vice ng mapagtanto ang nangyayari.

"Sis, ngayon mo na ba sasabihin?" pabulong na tanong ni Anne sa katabi.

"Yes. It's now or never" pabalik na bulong ni Vice.

"But you're drunk already" nag-aalalang sambit ni Anne.

"No. I'm still fine. I'm still aware of what I'm doing so please, let me do this" paniniguro ni Vice kay Anne at naglakad na palabas ng club kasunod si Ion na naguguluhan at kinakabahan sa maaaring mangyari.

"I'll be the one who will follow them. Please dito nalang kayo" pigil ni Anne sa mga kaibigan ng magtangka ang mga itong sumunod. Wala namang nagawa ang mga ito ng maglakad na rin palabas si Anne.

Sa kabilang dako, napahinto naman sa paglalakad sina Vice at Ion ng makarating sila sa tabing-dagat. Binalot naman sila ng katahimikan ng maramdaman nila ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat.

"Ano bang pag-uusapan natin? Bakit napakaseryoso mo naman? May problema ba?" pagbasag ni Ion sa katahimikan na bumalot sa kanila ng ilang minuto. Napabuntong-hininga naman muna si Vice bago salubungin ang tingin ng taong nagpapasikip sa kanyang dibdib ngayon.

"Ion, I love you"

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon