Chapter 41

1.3K 56 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

Papalubog na ang araw nang dumating sina Ion at Vice sa tabing-dagat na nadaanan nila. Maraming tao ang naroroon at karamihan sa mga ito ay katulad nila, mga magkasintahan.

Marami rin ang nagbebenta ng mga pagkain. May fishball, kikiam, hotdog, dirty ice cream, ice candy, taho, at marami pang iba.

Lumapit sila sa mamang nagtitinda ng fishball at kikiam at bumili nito. Nang maubos na nilang kainin ito, bumili naman sila ng taho. Matapos makabili, pumunta sila sa tabing-dagat kung saan may mga sementong ginawa upang upuan.

Nang maubos nila ang taho, tinapon nila ang lalagyan sa may basurahan at dumiretso na sa may upuan.

Sabay nilang pinanood ang magandang karagatan kung saan unti-unti ng lumulubog ang araw. Kasabay nito ay ang pagbalik ng mga alaala ni Vice noon na ginagawa rin ang bagay na ito.

"Alam mo, sa tuwing pupunta may pinupuntahan akong beach, palagi kong inaabangan ang paglubog ng araw kasi pakiramdam ko, pag lumubog na ito, kasabay rin nitong lulubog ang bigat na nararamdaman ko noon. Sa pagkakaalala ko, yung huling beses na napagmasdan ko ito ay noong nasa Pampanga tayo, yung araw na umamin ako sayo" napatingin naman si Ion kay Vice nang sabihin niya ito. Hindi siya makapaniwalang labis pala ang nagawa nitong epekto sa kanya noon.

"Noon, pinapanood ko ang paglubog nito parati kasi yung puso ko sobrang bigat na ng dinadala pero ngayon, hindi na. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko at bonus na lang kasi nakasama pa kita" sabi ni Vice at ngumiti sa kanya.

"Wag kang mag-alala kasi hinding-hindi na mauulit yun. Sasamahan na kita palagi pag gusto mong makita ang paglubog ng araw" sabi naman ni Ion at ngumiti rin kay Vice.

"Paano mo naman magagawa yun eh bukas aalis na ko?" mahihimigan ang lungkot sa boses ni Vice nang sabihin niya ito.

"Oo nga pala, aalis ka na. Pwede bang wag nalang? Dito ka nalang" sabi ni Ion at kinabig si Vice palapit sa kanya a niyakap ito. Niyakap rin naman siya pabalik nito.

"Napag-usapan na natin 'to, diba?" sabi naman ni Vice habang nakatingin sa kanya.

"Joke lang. Basta mag-iingat ka dun ah. Wag kang magpapagutom. Wag kang magpapatuyo ng pawis. Wag kang makikipag-usap sa di mo kilala. Umuwi ka on-time. Wag kang asdfghjk" tinakpan agad ni Vice ang bibig ni Ion bago pa dumami ang sasabihin nito.

"Dami mo namang sinasabi. Aminin mo nalang kasi na mami-miss mo ko" natatawang saad ni Vice kaya niyakap pa siya lalo ni Ion ng mahigpit.

"Eh kasi naman ang layo ng pupuntahan mo tapos baka makahanap ka pa ng lalaki dun na gwapo pero mas gwapo ako, mayaman pero mas mayaman ako, singkit pero mas singkit ako, mamahalin ka pero mas mamahalin pa kita, at mamahalin mo pero mas mamahalin mo pa ako" sabi ni Ion kaya natawa nalang si Vice.

"Yabang mo naman! Tiyaka, wag ka ngang praning. Di ako maghahanap ng iba dun kasi ikaw lang sapat na. Baka nga ikaw pa ang maghanap dito habang wala ako" sabi ni Vice a ngumuso.

"Di ah. Takot ko lang sayo. Pangit mo kayang magalit" wika ni Ion kaya napataas naman ng kilay si Vice at binigyan siya ng 'talaga-ba-look'.

"Joke lang po ulit. Ganda-ganda kaya ng Babe ko" bawi naman ni Ion.

"By the way, thank you nga pala for today. Nag-enjoy talaga ko sa first date natin kahit na sa Zoo mo ako dinala" sabi naman ni Vice.

"Don't worry, pagbalik mo dito, paghahandaan ko yung second date natin pati na rin yung susunod pang mga date nating dalawa" nakangiting sambit ni Ion. Isinandal naman ni Vice ang ulo niya sa balikat ng kasintahan.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon