Chapter 11

1.1K 55 7
                                    

VICE'S POV


Pagkagising ko, nakita kong wala ng tao sa kama ko kaya tumayo na rin ako. Matapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako at dumiretso sa dining room dahil kumukulo na yung tiyan ko sa gutom. Pagdating ko dun, nakita ko sina Anne, Karylle, Coleen at Mariel.

"Buti naman at nagising ka na" sabi ni Mariel.

"Kamusta? Masarap ba tulog mo?" nakangiting tanong ni Coleen.

"Medyo. Teka, saan kayo natulog? Dun ba sa kwarto?" tanong ko.

"Hindi. Kinuha namin yung mga extra foams dun sa kwarto at dun kaming lahat natulog sa sala" sagot ni Karylle.

"Eh bakit di niyo ko ginising?" tanong ko at umupo paharap sa kanila.

"We did not bother to wake you up kasi mukhang sarap na sarap kayo sa tulog niyo ng bestfriend mo" Anne said while wiggling her eyebrows.

"Ewan ko sa inyo. So what's for breakfast?" tanong ko ng mapansing walang pang pagkain sa mesa.

"Niluluto pa" sagot naman ni Coleen.

"Niluluto pa? Eh nandito naman kayo, sinong nagluluto? Bakit ang tagal?" sunod-sunod na tanong ko.

"Teka lang, nandito na!" napatingin naman ako kay Ion ng bigla itong lumabas mula sa kusina na may dalang mga pagkain.

Siya yung nagluto ng breakfast?

"Don't tell me na ikaw yung nagluto ng mga 'to" sabi ko sabay turo sa mga pagkain na nilapag niya sa mesa.

"No other than me" sabi niya ng may malaking ngiti sa labi.

"What? Eh nung last time na pinakain mo ko ng niluto mo, halos tumira na ko dun sa banyo dahil sa sama ng tiyan ko" sabi ko kay Ion.

"Napaka-judgemental mo naman. Di mo ba alam na nag-aral akong magluto para di na maulit yung nangyari sayo? Tsaka I cooked all of this para makabawi sa pangungulit ko sayo kahapon" sabi ni Ion sakin.

"Ang sweet mo naman, Ion. Sana may bestfriend din akong katulad mo" sabi ni Anne na parang tanga sa kakangiti.

"Ang dami niyong sinasabi. Oh sige na, tawagin niyo na yung iba para makakain na tayo. Gutom na ko mga bakla" sabi ko sa kanila.

Nang makumpleto na kami, sinimulan na naming kainin ang mga pagkaing niluto ni Ion.

"So how's the food?" tanong sakin ni Ion.

"Masarap. Infairness nag-improve ka" sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito.

"Ano namang ganap natin ngayon?" tanong ni Vhong samin.

"Movie Marathon nalang tayo" suggest ni Eruption.

"Oo nga. Pagod pa kasi yung katawan ko hanggang ngayon" sabi ni Teddy.

"Alright then. Mag-movie marathon nalang tayo" sabi ni Billy kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

**********

"Anong panonoorin natin?" tanong ni Jugs habang namimili ng movie sa Netflix. Nandito na kami ngayon sa entertainment room para mag-movie marathon.

"Action movie" sabi ni Jhong.

"No. Yung The Hows of Us nalang. Gusto kong panoorin yun" sabi ko naman sa kanila.

"Oo nga. Yun na lang" sabi pa ni Anne.

"Sige na. Panoorin na natin yun" sabi ni Vhong kaya napapalakpak naman kami ni Anne.

"Oh eto na yung popcorn niyo" sabi ni Ryan at nilapag sa mesa ang popcorn na dala niya.

"Thank you" sabi ko at kumuha nito.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng bigla akong abutan ni Ion na nasa tabi ko ng tissue kaya tiningnan ko siya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Punasan mo yang luha mo. Bakit kasi sa dinami-rami ng movies yan pa yung napili niyo. Punasan mo na yan. Ayokong makita kang umiiyak" sabi ni Ion sabay balik ng tingin niya sa harapan.

So tell me, how can I unlove this guy if he keeps on doing this things? My gosh, Ion!

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon