Chapter 12

1K 54 21
                                    

ION'S POV


Ika-anim na araw na namin ngayon dito sa Batangas. Kahapon, nanatili lang kami sa townhouse at nag-videoke. At ngayong araw, dahil maganda ang panahon, we decided na mag-swimming sa pool dito sa townhouse.

"Oh Ion, dalhin mo na 'to dun" sabi ni Mariel kaya kinuha ko na ang mga iihawing barbeque. Dumiretso ako sa backyard kung saan naroon ang pool.

"Ihawin mo na daw 'to" sabi ko kay Vice at nilapag ang hawak ko sa mesa.

"Teka lang naman, meron pa nga kong iniihaw dito tapos nagdala ka na naman niyan" sabi ni Vice habang binabaliktad ang iniihaw niya.

"Syempre 'no. Kay Jugs pa lang, kulang na yang mga yan" sabi ko sa kanya.

"Uy narinig ko yun, Ion!" sabi ni Jugs na nag-aayos ng mga pagkain di-kalayuan sa amin. Nagtawanan naman kami.

"Okay na ba lahat, guys?" tanong ni Anne. Nakasuot na ito ng two-piece swimsuit at pinatungan ng see
through na damit.

"Di pa ko tapos mag-ihaw" sabi ni Vice.

"Okay lang yan, Vicey. May naluto ka na rin naman" sabi ni Karylle. Nakasuot na rin ito ng bra at short shorts.

"Di ka ba magpapalit ng damit?" tanong ni Coleen na naka-one-piece swimsuit kay Vice.

"Hindi na. Okay na 'to para dalawa kami ni Mariel" sabi ni Vice na nakaprinted pink shirt at short shorts.

"Okay. So tara na, kumain na tayo" sabi ni Coleen at pumunta na kami sa table na malapit sa pool.


VICE'S POV


"Oh guys, bukas uuwi na tayo so dapat mag-enjoy na tayo ngayon!" sabi ni Jhong at tumalon sa pool kaya tumalon na rin kami.

"Ay unggoy na may malaking mata!" gulat kong sabi nang biglang may sumampa sa likod ko.

"Langya ka! Pati sa pagkagulat mo, nilalait mo pa rin ako" sabi ni Jhong na siya palang nasa likod ko.

"Eh bakit ka ba kasi nanggugulat? Umalis ka nga diyan sa likod ko" sabi ko sa kanya.

"Ayoko. Pumunta muna tayo dun sa malalim na part" sabi niya sakin.

"You can swim naman eh" sabi ko naman sa kanya.

"Pero gusto kong kasama kang pumunta dun" pamimilit niya pa.

"Bitawan mo nalang siya, Kuys. Mukhang ayaw sumama eh" singit naman ni Ion.

"Sige na nga. Mukhang nagseselos na kasi yang bestfriend mo" bulong sakin ni Jhong.

"Siraulo!" sabi ko sa kanya ng makaalis na siya sa likod ko.

"Aray ko!" daing ko nang may sumampa na naman sa likod ko. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napag-alaman kong si Ion ang nakasampa sa likod ko ngayon.

"Naku talaga, Ion! Pag ako nalunod dito dahil sa mga kagagawan niyo, mawawalan ka talaga ng magandang bestfriend" sabi ko sa kanya.

"Sorry" sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Uy ano yan ha?! Dito pa talaga kayo naglandian!" sabi ni Vhong na mukhang nakita yung ginawa ni Ion.

"Vice, why are you blushing?" nakangiting tanong ni Eruption.

"I'm not. Mainit lang talaga yung panahon. Teka, aahon lang ako saglit" sabi ko sabay layo kay Ion at umahon mula sa pool. Dumiretso naman ako sa table na pinaglagyan ng mga foods at kumuha ng dalawang stick ng barbeque.

"Bakit umahon ka agad?" bahagya akong nagulat nang makita ko si Ion sa harapan ko.

"N-nagutom kasi ako tsaka gininaw rin" sabi ko.

"Oh eto" sabi niya at nilagay sa mga balikat ko ang tuwalyang dala niya at tinalikuran na ako.


ION'S POV


Gabi na pero nandito pa rin kami sa may pool area. Yung mga girls, including Vice, nasa loob na sila at nagpapahinga.

"Tol, mauna na kami sa inyo" sabi ni Teddy kaya tumango kami sa kanya. Pumasok na rin sa loob sina Ryan, Jugs at Eruption kasabay ni Teddy. Naiwan naman kami nina Vhong, Jhong at Billy.

"Ion, may itatanong ako sayo" sabi ni Jhong kaya tumingin kami sa kanya.

"Ano yun?" sabi ko sa kanya.

"Kayo na ba ni Vice?" tanong nito sakin. Ano? Bakit niya naman naisip yun?

"Hindi. Magkaibigan nga lang kami. Bakit mo naman natanong yan?" tanong ko naman sa kanya.

"Kasi iba yung nakikita namin eh" sagot naman niya.

"Oo nga. Parang may something sa inyong dalawa na hindi natural sa magkaibigan" sabi ni Vhong.

"Baka naman may gusto ka sa kanya?" tanong ni Billy kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala. Bakit ba kayo ganyan mag-isip?" tanong ko sa kanila.

"Eh sa yun yung nakikita namin, parang nahuhulog ka na sa kanya" sabi ni Jhong kaya napaisip naman ako.

Is it true? Am I falling for him?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon