Chapter 8

1.1K 56 19
                                    

VICE'S POV


Today is our 3rd day here in Batangas. Kahapon, nag-stay lang kami sa townhouse at naglaro, kumain, nagmovie marathon at kung ano-ano pang bagay na nakapagpasaya samin. And today, we will go to the beach! Yes, pupuntahan na namin ngayon ang beach resort na sinasabi ni Karylle na malapit lang dito.

Nang maisuot ko na ang aking black one-piece swimsuit, pinatungan ko ito ng black printed oversized shirt at short shorts. Nag-apply na rin ako ng sunblock para di masunog yung balat ko. Nang mailagay ko na lahat ng gamit na dadalhin ko, sinuot ko na yung sunglasses ko at bumaba. Pagdating ko sa sala, nandun na sila at naghihintay.

"Wow Viceral! Summer na ba?" tanong ni Billy ng makalapit na ako sa kanila.

"Hindi pa naman. Advance lang masyado yung utak ko" sabi ko and strike a pose na para bang nasa pictorial ako ng isang magazine.

"Aray!" daing ko ng biglang may bumangga sa balikat ko.

"Ay sorry! Haharang-harang ka kasi" nakangising sabi ni Ion.

"So ako pa yung may kasalanan? Walanghiya ka! Ang laki-laki ng espasyo tapos sa kinatatayuan ko pa napili mong dumaan" naiinis kong sabi sa kanya.

"Hep hep hep hep! Bago pa kayo magbugbugan diyan, umalis na tayo at nang makapagbeach na" sabi ni Jugs kaya isa-isa na kaming lumabas.

"Teka guys, mainit ba?" tanong ko sa kanila nang makarating na kami sa labas.

"Oo. Ang taas ng sikat ng araw oh" sabi naman ni Ryan.

"Sorry" sabi ko at isa-isa silang tiningnan.

"Bakit? Ikaw ba ang dahilan kung bakit ang init ng panahon?" nagtatakang tanong ni Eruption.

"Oo eh. Di ko na kasi mapigilan yung hotness ko" sabi ko sabay suot ng beach hat na dala ko.

"Kaya pala sa sobrang hot mo, amoy-sunog ka na" sabi ni Jhong at nagtawanan naman sila.

"Eh ikaw nga diyan, di lang amoy-sunog, mukhang sunog na sunog pa kaya halos lumuwa na yang mga mata mo diyan sa mukha mo" sabi ko at tumakbo sa likod ni Ion nang akmang hahampasin ako ni Jhong. Mas lalo naman silang natawa dahil sa sinabi ko.

"Siraulo ka! Ang bastos ng bibig mong bakla ka" sabi ni Jhong na natatawa na lang rin.

"Tama na nga yan. Umalis na tayo at baka maabutan pa tayo dito ng tanghali dahil sa inyo" natatawang sabi ni Ion kaya pumasok na rin kami sa van.

**********

Matapos ang 15 minutes na biyahe, nakarating na kami sa beach resort. Medyo marami ang mga tao dahil Christmas Vacation na. Matapos naming magbayad ng entrance at cottage, dumiretso na kami sa loob.

"Ilagay niyo lang yang mga yan sa mesa" sabi ni Mariel kina Eruption na may dala-dalang mga basket na may lamang foods at drinks.

"Tara na, Vice Marie. Maligo na tayo" yaya ni Anne sakin.

"Maliligo ka ng nakaganiyan?" sabay turo ko sa shirt at shorts niya.

"Of course not. Pumunta muna tayo sa comfort room. Magpapalit lang ako" sabi ni Anne.

"Sasama na rin kami" sabi nina Mariel, Karylle at Coleen.

Matapos kunin ni Anne yung bag niya, dumiretso na kaming lima sa CR.


ION'S POV


Nandito kaming tatlo nina Vhong at Jhong ngayon sa dagat. Mamaya pa daw sina Billy pupunta dito kaya sila na muna ang nag-asikaso ng mga pagkain.

"Bakit parang ang tagal naman nina Vice?" tanong ko kina Jhong.

"Alam mo namang ang dami pang arte ng mga yun" pabirong sabi ni Vhong.

"Oh ayun pala sila Vice eh" sabi ni Jhong.

Paglingon ko, nakita ko sila. Siya. Nakasuot si Vice ng black one-piece swimsuit at kitang-kita talaga ang kurba ng katawan niya. Naka-bun rin ang buhok niya kaya kitang-kita ang makinis na leeg nito.

"Uy tol, natulala ka na diyan" sabi ni Vhong kaya napalingon ako sa kaniya.

"Maganda ba yung bestfriend mo, Ion?" tanong naman ni Jhong.

Oo. Maganda. Sobrang ganda.

"Namangha lang ako. Mukha siyang dugyot kanina pero ngayon, mukha na talaga siyang tao" pabirong sabi ko.

"Walanghiya. Magbestfriend nga kayo" natatawang sabi ni Jhong. Binalik ko naman ang tingin ko kina Vice na papalapit na samin.

Bakit bigla siyang gumanda sa paningin ko?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon