Chapter 40

1.1K 54 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Gosh! Ang cute nung baby monkey!"
"Ang cool tingnan nung lion"
"Ang ganda!"

Napapangiti at napapailing nalang si Ion dahil sa mga naririnig niya kay Vice.

Di daw mahilig sa hayop. Tsk.

"Akala ko ba AYAW mo sa mga hayop?" Ion said while grinning.

Napatigil naman si Vice sa pagpicture sa mga hayop na nakikita niya dahil sa sinabi ni Ion. Nilingon niya ito at inirapan na naging dahilan upang matawa si Ion.

Nagpatuloy sila sa pamamasyal sa loob ng Zoo at panay kuha naman ng litrato si Vice at kadalasan ay inuutusan niya pa si Ion na kuhanan siya kasama ang ilang hayop.

Matapos ang ilang sandali, nagpahinga muna sila at umupo sa bench na nakita nila sa ilalim ng isang puno.

"Dito kalang muna" biglang sabi ni Ion kaya napatingin naman sa kanya si Vice.

"Bakit? Saan ka pupunta?" takang tanong nito.

"Bibili lang ako ng makakain natin" sabi pa ni Ion at napatango naman si Vice kaya umalis na si Ion at naiwan naman si Vice na tinitingnan ang mga litratong nakuha niya kanina.

Habang nakaupo at nakatutok sa kanyang cellphone, nakarinig siya ng iyak ng bata kaya nag-angat siya ng tingin at nagpalinga-linga. Nakita niya ang isang batang babaeng umiiyak at mukhang nawawala kaya nilapitan niya ito.

"Hi baby girl! Are you okay? Why are you crying?" tanong niya at umupo upang magpantay amg kanilang paningin.

"I'm l-lost po. I c-can't find my K-kuya" humihikbing sagot nito. Naawa naman si Vice sa bata kaya hinawakan niya ang kamay nito.

"Don't worry, I will help you find your Kuya. Don't cry na, okay?" nakangiting saad niya kaya tumango ang bata sa sinabi niya.

Tumayo na siya at nagpalinga-linga sa paligid. Aalis na sana sila upang hanapin ang Kuya ng bata nang may lalaking tumatakbo papunta sa kanila.

"Baby!" saad ng lalaki at nilapitan ang batang kasama ni Vice.

"Kuya!" sabi naman ng bata at niyakap ito. Lumuhod ang lalaki at hinawakan ang pisngi ng bata.

"Are you okay? Wala bang nangyaring masama sayo?" alalang tanong nito kaya tumabi naman ng bahagya si Vice upang makapag-usap ng maayos ang dalawa.

"I'm fine, Kuya. Thanks to Ate Ganda kasi siya helped me" magiliw na saad ng bata kaya napatingin naman sa kanya ang lalaki na sa base sa itsura ay kaedad lamang niya. Tumayo ito at humarap sa kanya.

"Thank you for taking care of my little sis. May nangyari lang kasi kaya napahiwalay siya sakin" sabi ng lalaki sa kanya.

"No worries. Naawa kasi ako sa kanya kasi iyak ng iyak kanina. Pero sana di na maulit 'to so that you're beautiful sister will not cry anymore" sabi ni Vice at tumingin sa bata na ngumiti naman sa kanya.

"I assure you that it will not happen again. Thank you again, Miss--- auhm what's your name by the way?" tanong nito sa kanya.

"I'm---"

"Babe!" hindi na natuloy ni Vice ang kanyang sasabihin ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Ion kaya napalingon siya at nakita itong naglalakad papalapit sa kanila.

"Nandito ka na pala" ani Vice at ngumiti sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Ion ng hindi man lang sinusuklian ang ngiti ni Vice.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon