Special Chapter 2

1.4K 53 28
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Vice, tumatawag si Ion" agad na tinanggal ni Vice ang headset na nakalagay sa tenga niya at hinarap ang kanyang ina.

"Ano po yun, Ma?" tanong nito.

"I said, tumatawag si Ion. Sagutin mo na kasi kanina pa yun" ulit ng kanyang ina.

"Sige po" sabi ni Vice at lumapit sa laptop niyang iniwan pala niyang nakabukas kanina. Lumabas naman ang kanyang ina at sinabing kukuha lang ng meryenda.

Sinagot naman ni Vice ang video call at bumungad sa kanya ang nakasimangot niyang nobyo.

"Bakit ngayon ka lang sumagot? Kanina pa ko tumatawag pero ngayon mo lang sinagot. Siguro may ibang lalaki kang pinagkaka-abalahan diyan 'no? Sabi ko na nga ba, dapat puntahan na kita diyan para mabantayan kita 24/7. Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Na-guilty ka 'no?" mahabang litanya ni Ion at bumusangot sa harap ng camera.

Ilang linggo na ang nakalipas matapos makabalik si Vice sa LA mula sa apat na araw niyang pananatili sa Pilipinas. Araw-araw naman siyang tinatawagan ng mga kaibigan lalong-lalo na ang kaniyang nobyo na sa bawat pagtawag ay binabanggit ang nangyari noong nalasing siya at muntikan ng may mangyari sa kanilang dalawa.

"Tapos ka na?" walang emosyong sambit ni Vice.

"A-ano? Ang haba nung sinabi ko tapos yan lang yung sasabihin mo? Tiyaka bakit ka ba ganiyan kung makipag-usap sakin? Parang walang gana. Siguro nabaling na sa iba yung atensiyon mo kaya nawawalan ka na sakin ng gana" dagdag pa ni Ion na ikina-inis ng tuluyan ni Vice.

"Alam mo ikaw, kung ipagpapatuloy mo yang ka-negahan mo, hihiwalayan talaga kita" naiinis na sabi nito.

"Palagi mo nalang akong tinatakot na hihiwalayan. Edi hiwalayan mo. Akala mo naman hindi ka maghahabol sakin kapag nagkataon" labis na ikinagulat ni Vice ang sinabi ng kanyang nobyo kaya mayroon ng nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"A-ah ganun? Edi sige" agad na tinapos ni Vice ang tawag at tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha.

Sa kabilang banda, nabahala naman si Ion dahil sa nangyari. Sinubukan niyang tawagan ulit si Vice ngunit hindi na nito sinasagot.

Lagot ka talaga, Ion!

Hindi niya ito tinigilan hanggang sa sinagot ulit nito ang tawag niya. Nagulat siya nang makitang mugto ang mga mata nito.

"B-babe. Sorry, wag ka ng umiyak" nag-aalalang wika ni Ion.

"Sino ka? Bakit mo ko tinatawag na Babe? Wala akong jowa" mataray na sagot ni Vice habang pinupunasan ang bakas ng mga luha sa kanyang mukha.

"Babe naman, sorry na. Drama ko lang naman yun eh. Ginagaya ko lang yung pinapanood kong K-drama" paliwanag nito.

"Wala akong pakialam kung anong pinapanood mo. Nabi-bwisit ako sayo!" singhal ni Vice.

"Sorry na po. Promise di ko na uulitin. Tiyaka pagbalik mo dito, itutuloy na natin yung naudlot na ginawa natin noon" sabi ni Ion sabay taas-baba sa kanyang mga kilay. Namula naman ang mukha ni Vice dahil sa sinabi niya.

"Kalimutan mo na nga yun. Bakit ka ba napatawag?" pag-iiba ng topic ni Vice dahil naiilang siya kapag pinag-uusapan ang nangyari sa kanila.

"Miss na po kasi kita. Kailan ka ba babalik dito?" tanong nito.

"Hindi ko pa alam eh. Madami pa kasi akong dapat gawin" sabi naman ni Vice. Sandali namang natahimik si Ion at mistulang nag-iisip.

"Eh kung ako nalang kaya ang pumunta diyan. May free time naman ako eh" sabi ni Ion na may malawak na ngiti sa labi.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon