Chapter 31

1.2K 56 19
                                    

Tapos na ang Foundation Week kaya balik update ulit! Alam kong sobrang late ng update na 'to kaya sorry po hihi. I will try na mag-update ng mas mabilis kapag may time. By the way, happy 4k+ reads everyone! Thank you for supporting my story!

~KahelAtRosas


THIRD PERSON'S POV


"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ion kay Vice. Napalingon naman ito sa kanya.

"O-oo naman. Bakit mo natanong?" sagot naman ni Vice sa kanya at tumingin muli sa kanilang dinaraanan.

"Kanina ka pa kasi malamya. Para ka ngang may sakit eh. May sakit ka ba?" tanong uli ni Ion. Nilapat pa nito ang kamay sa noo at leeg ni Vice na ikinagulat naman nung huli kaya napa-ilag ito bigla.

"O-okay nga lang ako. Kung ano-ano nalang talaga napapansin mo. Bilisan mo na nga lang maglakad diyan, ang layo na nila oh" sabi ni Vice at mas nilakihan ang mga hakbang para makahabol sa mga kasama nilang nauuna na at para rin makalayo sa lalaking dahilan kung bakit kanina pa siya wala sa mood.

Kasalukuyan silang naglalakad sa loob ng Burnham Park. Kanina pa sila naglilibot sa loob ng parke at halos lahat ng mga activities dito ay nagawa na nila kaya napagdesisyunan muna nilang magpahinga.

"Ang sakit na ng paa ko!" reklamo ni Anne nang makaupo sila sa bench.

"Sino ba namang hindi sasakit ang paa kung takbo ka ng takbo kanina? Parang first time makapunta dito kung makaasta kanina eh" angil naman ni Vice sa kanya.

"Eh sa namiss ko ang Burnham Park kaya ganun. Kung makareklamo ka naman parang hindi ka rin ganun kanina" buwelta naman ni Anne sa kanya.

"Excuse me, hindi kaya ako ganun kung umasta kanina" sagot ni Vice.

"Oo, hindi siya ganun ka hyper kanina kasi para siyang lantang gulay sa sobrang kalamyaan" singit naman ni Ion sa kanila.

"K-kita mo na!" nasabi na lang ni Vice nang mapagtantong hindi pa rin nawawala sa isipan ng kaibigan ang kanyang mga gawi kanina.

"Tama na nga yan, hindi pa ba tayo kakain?" tanong ni Jugs sa mga ito.

"Sa labas na lang tayo kumain tutal papunta na rin naman dito yung service natin" sagot ni Tanya sa kanya na tahimik na nakaupo sa tabi ni Ion.

"Oo nga. Ito nalang muna kainin mo, Jugs" sambit ni Karylle at inilabas mula sa bag niya ang chichiryang nakatago sa loob nito.

"Seriously, Karylle? Nagdala ka talaga niyan dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Mariel sa kanya.

"Yeah. May mali ba dun?" inosenteng tanong nito sa kanila habang hawak-hawak ang chichiryang dinala niya.

"Wala naman pero bakit mo pa kailangang magdala niyan eh pwede namang bumili dito?" tanong naman ni Coleen sa kanya.

"Syempre, para makatipid. Ayokong gumastos pa kaya nagdala nalang ako ng pagkain mula dun sa hotel" sabi niya at ngumiti pa sa kanila.

"Anong nagtitipid? Ang sabihin mo, umaatake na naman pagiging kuripot mo!" kantyaw ni Jhong sa kanya kaya nagtawanan silang lahat. Napa-pout nalang si Karylle.

"Kung ayaw niyo edi wag!" biglang sabi ni Karylle at akmang ibabalik muli sa loob ang pagkaing hawak nang pigilan siya ni Jugs.

"Wag kang maniwala sa kanila, Karylle. Akin na lang yung isa kung ayaw nila" sabi ni Jugs kaya binigay naman sa kanya ni Karylle ang isang chichiryang nasa loob ng bag niya.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon