Chapter 29

1.2K 48 7
                                    

THIRD PERSON'S POV


Matapos mangyari ang hindi inaasahang pagkikita kahapon nina Vice at Ion, nagyaya si Tanya na magdinner kasama ang mga magkakaibigan sa isang restaurant malapit sa hotel na tinutuluyan nina Vice.

Ilang minuto nalang ay aalis na sina Vice patungo sa restaurant ngunit nakaupo parin siya sa kama sa loob ng hotel suite niya.

Gusto niyang pumunta at sumama sa kanilang magdinner pero may kung ano sa parte niya na pinipigilan siyang pumunta. Nakabihis na siya't lahat-lahat ngunit parang ayaw niyang lumabas dahil sa bigat ng nararamdaman niya.

Maya-maya lang ay nakarinig na siya ng katok at kasunod nito ay ang boses ni Anne na tinatawag siya.

"Sis, aalis na tayo. Lumabas ka na diyan" ani Anne at kumatok ulit kaya kahit mabigat ang nararamdaman, pinilit paring tumayo ni Vice at lumabas sa suite niya.

"Tara na, kanina----" bigla namang napatigil sa pagsasalita si Anne nang makita ang malamlam na mga mata ng kaibigan.

"Okay ka lang ba? Bakit ganiyan ang itsura mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Anne. Hindi na niya napigilang hawakan ang noo at leeg nito sa pag-aakalang may lagnat ito.

"Okay lang ako. Tara na" sabi ni Vice at hinawakan ang kamay niya ngunit nanatiling nakatayo lamang si Anne sa pwesto niya at pilit na sinisipat ang mukha niya.

It's about Ion again, I guess.

"Kaya mo na ba siyang makita ulit? Alam kong nabigla ka kahapon sa pagkikita niyo pero ngayon, kaya mo na ba ulit? Kaya mo na bang makita siyang may kasamang iba?" walang pagdadalawang-isip na tanong ni Anne sa kanya.

Binitawan naman ni Vice ang kamay ni Anne at sumandal sa dingding na nasa likuran niya at ipinikit ang mga mata.

"Hindi ko alam, Anne. Hindi ko alam" umiiling na sagot ni Vice at minulat muli ang kanyang mga mata.

"Handa ka man o hindi, kailangan mo na siyang makita. Kailangan niyo ng mag-usap. Kailangan niyo ng maliwanagan kung ano ba talaga ang dapat niyong gawin. Hindi naman kasi pwedeng ganito nalang kayo palagi; parang mga batang nahihiya sa isa't isa at pilit na tinatago at sinasarili ang mga gustong sabihin. Kailangan niyong maging matapang. Kailangan mong maging matapang ulit para maging maayos na ang lahat" mahabang litanya ni Anne. Hindi naman nakasagot si Vice at nanatiling nakatingin sa kawalan.

"Alam kong hanggang ngayon nandiyan parin yung sakit pero hindi naman mawawala yan kung patuloy kang ganito, kung hindi kayo umuusad. Vice, face him. Face those consequences" sabi pa ni Anne at hinila na ang kaibigan patungo sa mga kaibigan nilang naghihintay sa baba.

**********

"Sorry na-late kami" sabi ni Teddy nang makarating na sila sa restaurant at naabutang nandun na sina Ion at Tanya. Isang mahabang table ang pina-reserve ni Tanya kaya kasyang-kasya sila.

"It's okay. By the way, nag-order na pala kami ng foods. Kung may gusto pa kayo, feel free to order anything. My treat" nakangiting sambit ni Tanya.

"Naku, sobra-sobra pa nga 'to. Okay na 'tong lahat. Salamat, Tanya" pasasalamat ni Ryan.

"You're welcome. Let's eat, guys!" sabi ni Tanya kaya nagsimula na silang kumain. Nanatili silang tahimik hanggang sa matapos silang kumain.

"Ang sarap ng mga pagkain. Salamat sa libre, Tanya!" nakangiting sabi ni Mariel.

"It's my pleasure. By the way, okay lang ba if mamasyal tayo after natin dito?" tanong ni Tanya sa kanila.

"Oo naman" mabilis na sagot ni Jhong kaya napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan niya.

"Bakit?" Jhong mouthed. Napailing nalang ang mga ito sa kanya dahil alam nilang hindi na nila mababawi ang pagpayag ni Jhong sa alok ni Tanya.

"Yey! I'll just pay the bills and we're off to go" sabi ni Tanya at pumunta na sa counter kasama si Ion na pupunta naman sa CR.

"Bakit ka pumayag agad?" tanong agad ni Vhong kay Jhong nang silang magkakaibigan nalang ang naiwan.

"Eh bakit naman hindi? Baka manlibre na naman siya eh" inosenteng sagot ni Jhong. Napakamot nalang sila sa sagot niya.

"Hindi mo manlang inalala ang kapakanan ni Vice. Alam mo naman kung anong nagyari noon" naiinis na sambit ni Karylle. Bigla namang napatigil si Jhong at napatingin kay Vice na tahimik na nakaupo katabi ni Anne.

"Naku sorry, Vice. Nakalimutan ko eh" mahinang saad ni Jhong.

"Okay lang. No worries, I'll be fine" nakangiting sabi ni Vice ngunit hindi manlang natanggal ng ngiti niya ang pag-aalalang nararamdaman ng mga kaibigan niya.

Pagkabalik nina Ion at Tanya, agad silang lumabas at pumunta sa paboritong pasyalan ni Tanya; isang lugar kung saan kitang-kita ang masigla at maliwanag na lungsod ng Baguio. Medyo marami ring tao ang naroon na kagaya nilang namamasyal din.

"Wow! Ang ganda naman dito" bulalas ni Coleen.

"Paano mo nadiskubre ang tourist spot na 'to, Tanya?" tanong ni Teddy na manghang-mangha rin sa ganda ng lugar.

"Well, my Mom used to bring me here evertime na pupunta kami dito sa Baguio" paliwanag ni Tanya na tuwang-tuwa dahil nagustuhan nila ang lugar.

Naglibot-libot pa sila sa lugar na iyon at nagtingin-tingin din sa mga panindang souvenirs na naroon.

Samantala, mag-isang nakatayo at nakatanaw sa magagandang ilaw na nagmumula sa lungsod ng Baguio si Vice. Patuloy siya sa pagmumuni-muni nang biglang may tumabi sa kanya. Pagtingin niya rito, nakita niya si Ion na nakatingin rin sa kanya kaya agad niyang ibinaling sa iba ang kanyang paningin.

"Bakit mag-isa ka lang dito? Bakit di ka sumama sa kanila?" tanong ni Ion na nakatingin parin sa kanya.

"Wala ako sa mood" sagot ni Vice. Hindi na magkamayaw sa pagkabog ang dibdib niya dahil sa lalaking katabi niya ngayon.

"Ayaw mo ba dito?" tanong ulit ni Ion. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa 'to basta't ang alam lang niya, kailangang niyang gumawa ng paraan para maging maayos ulit sila.

"Hindi naman sa ganun. Wala lang talaga ako sa mood ngayon" sagot naman ni Vice. Binalot naman sila ng katahimikan matapos niya sabihin yun.

Pareho silang nanahimik dahil sa magkaibang dahilan; ang isa ay dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya kaya kinakabahan siyang magsalita habang ang isa naman ay nahihiyang buksan at pag-usapan ang dapat nilang pag-usapan. Ngunit sa huli, napagpasiyahan ni Ion na basagin ang katahimikang bumalot sa kanila.

"Vice, magkaibigan pa naman tayo diba?" sabi ni Ion at napatingin naman sa kanya ang katabi.

"H-huh?" nauutal na tanong ni Vice.

"I mean, matapos ang nangyari satin, magkaibigan pa naman tayo diba? Ayos pa naman tayo diba?" tanong ulit ni Ion. Nanatiling tahimik naman si Vice.

Hindi alam ni Vice kung anong dapat niyang isagot. Parang sumikip ang dibdib niya dahil sa tinanong nito sa kanya.

"Auh o-oo n-naman" nauutal na sagot nito at iniwas ang paningin dahil baka makita nito ang nangingilid niyang luha.

"Look, I'm sorry. Sorry sa mga nasabi ko sayo noon. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Ayokong mawala ka, Vice. Ayokong mawala ang bestfriend ko" paghingi ng tawad ni Ion. Napabuntong-hininga naman si Vice.

Kaibigan. Hanggang kaibigan lang talaga, Viceral. Wag ka ng umasa pa. Magmumukha ka na namang tanga niyan.

"A-apology accepted. Ayokong mawala ka rin, Ion. Friends again?" sabi ni Vice sabay lahad ng kamay kay Ion.

"Bestfriends again" nakangiti namang inabot ni Ion ang kamay ni Vice. Niyakap niya ito at niyakap rin ito pabalik ni Vice.

Ganito nalang ba talaga ang kahahantungan natin, Ion? Hanggang magkaibigan nalang ba talaga?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon