Chapter 39

1.2K 51 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ring~~~
Ring~~~
Ring~~~

Pikit-matang kinapa ni Vice ang kanyang cellphone sa mesang katabi ng kama niya. Nang mahawakan niya ito, binuksan niya ang isang mata at nakitang si Ion ang tumatawag kaya sinagot niya ito.

(Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawagan tapos ngayon mo lang sinagot)

"Bakit ba?"

(Bakit ganiyan ang boses mo? Kakagising mo lang ba?)

"Hmm. Bakit nga?"

(Nakalimutan mo na bang may lakad tayo ngayon?)

"Hindi. Tumawag ka ba para lang ipaalala sakin ang tungkol diyan? Ang aga-aga pa oh"

(Anong maaga? Quarter to 10 na po kaya)

Nilayo naman ni Vice ang cellphone at tiningnan ang oras.

"Shet! Oo nga! Sorry"

(Don't cuss kasi ang pangit pakinggan. Mas mabuti pang bumangon ka na diyan kasi I'm on my way there)

"What? On the way ka na?"

(Yes. Bumangon ka na nga kasi)

"Oo na. Bababa ko na 'to kasi maliligo na ko. Bye!"

(Bye!)

Agad na binaba ni Vice ang  tawag at dumiretso sa CR upang maghilamos at maligo na rin.

Matapos ang 15 minutong pagligo na salungat sa parating mahigit na 30 minutong pagligo ni Vice, lumabas na siya ng CR na nakabathrobe at kinuha nalang agad ang damit na una niyang nadampot.

Pagkalabas ng walk-in-closet, nakarinig siya ng katok at kasabay nito ay ang boses ni Ion na nagpataranta sa kanya dahil hindi pa siya tapos mag-ayos.

"Vice? Can I come in?" rinig niyang tanong ni Ion.

"Wag! Wag muna. Dun ka nalang muna maghintay sa sala. Bababa na rin ako maya-maya" tarantang sagot ni Vice habang sinusuklay ang kanyang buhok.

"Okay. Antayin kita sa baba, Babe" narinig niya pa itong tumawa bago umalis kaya napailing nalang siya dahil sa kalokohan nito.

Nilagyan niya ng light make up ang kaniyang mukha at nang matapos, tiningnan niya ang itsura sa salamin. Nang makuntento, bumaba na siya at nakita si Ion na nakaupo sa sofa habang busy sa cellphone niya.

"Tara na!" magiliw na sabi ni Vice kaya nag-angat sa kanya ng tingin si Ion. Napawi naman ang ngiti nito nang makita ang suot niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Vice nang mapansin ang tingin sa kanya ni Ion.

"Seryoso ka bang ganiyan ang susuotin mo?" nakakunot-noong sabi nito.

"Bakit naman? Maayos naman 'tong suot ko eh" giit ni Vice habang tinitingnan ang suot niyang oversized shirt at short shorts na nadampot niya sa closet niya kanina. Kapares rin nito ang white adidas shoes.

"Magpalit ka nga. Lalabas tayo tapos ganiyan suot mo?" sabi ni Ion at tumayo. Linapitan niya ang kasintahan na nakasimangot na ngayon. Hindi naman siya nito sinagot at nanatiling nakasimangot at masama ang tingin sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang si Ion dahil mukhang sumama ang loob nito sa kanya.

"Sige na po, magpalit ka na para makaalis na tayo" paglalambing ni Ion. Wala naman ng nagawa si Vice kundi sundin ito.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon