Chapter 19

1K 49 6
                                    

VICE'S POV


Last day na ngayon ng 6 days Foundation Day Celebration namin at dalawang araw na ang lumipas matapos ang 'kunwaring' kasalan namin ni Ion at ang pagtawag niya sakin ng 'asawa ko'. Matapos ang mga pangyayaring yun, balik normal na ulit ang lahat maliban sakin na di pa rin maka-get over. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako everytime na sumasagi sa isipan ko ang mga kaganapang yun.

One time nga, habang nasa booth ako, bigla nalang akong napangiti at pagtingin ko sa kasama kong nagbabantay, nakatingin na siya sakin ng may pagtataka kaya napatalikod nalang ako dahil sa kahihiyan. Iba talaga pag inlove, nagiging baliw na. Hay naku!

"Uy sis, saan ka papunta?" napatingin naman ako kay Anne na kasabay ko ng naglalakad ngayon sa hallway.

"Sa room, kukunin ko yung mga gamit ko at didiretso na ko pauwi" sabi ko sa kanya.

"Di ka manonood mamaya?" tanong niya sakin patungkol sa event mamayang gabi. May mga banda kasing inimbitahan ang University namin para magperform mamaya at allowed rin ang mga outsiders na manood kaya paniguradong maraming tao.

"Siyempre manonood. Magpapalit lang akong damit tsaka babalik na ko dito agad" sagot ko naman sa kanya.

"Sabay nalang ako sayo palabas. May pinapabili kasi sakin si Mommy eh. Mabuti na nga lang rin at natapos na naming ligpitin yung booth namin, eh yung sa inyo?" tanong niya sakin nang papasok na kami sa room. Dumiretso agad ako sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko, ganun din ang ginawa ni Anne.

"Tinatapos na nila Vhong" sagot ko nang mailagay ko na sa bag lahat ng gamit ko.

Matapos maayos ni Anne lahat ng gamit niya, sabay na kaming naglakad palabas.

**********

"Oh andito na si Vice!" sabi ni Eruption ng matanaw nila akong papalapit sa kanila.

"Mabuti naman at nakarating ka na, Viceral. Akala namin nakalimutan mo na ang daan papunta dito sa tagal mong dumating" himutok naman ni Billy.

"Siyempre naman. Ganyan talaga pag maganda" sabi ko sabay flip ng hair kong 'medyo' mahaba na.

"Eh hindi ka naman maganda eh" napatingin naman ako kay Ion ng sabihin niya yun.

"Aba'y napakabastos ng bunganga mo, Perez!" sabi ko sa kanya at lumayo naman siya sakin ng akmang hahampasin ko siya.

"Tama na nga yan, tara na at baka nagsimula na yung event" sabi ni Vhong samin kaya nagsimula na kaming maglakad.

"Eh nasaan yung iba?" tanong ko sa kanila ng mapansing kaunti lang kami.

"Nasa pwesto na natin dun. Kanina pa yung mga yun naghihintay, tagal mo kasi" sabi ni Billy at dumiretso na kami sa field kung saan may sinet-up na mini stage ang Student Council para sa mga magpe-perform.

Pagdating namin dun, may nagpe-perform ng banda sa stage kaya dumiretso na kami sa pwesto namin sa may bandang harapan kung saan nandun na yung iba naming kaibigan. Umupo agad ako sa katabing upuan ni Anne.

"Sis, diba si Zanjoe yung vocalist?" napatingin naman ako sa taong tinuturo ni Anne at totoo ngang si Zanjoe yung kumakanta sa stage.

"Oo nga 'no. Di ko alam na ang ganda pala ng boses niya" sabi ko kay Anne. Napatitig naman ako kay Zanjoe at nang mapatingin ito sakin, ngumiti siya at kumindat.

"Oh My Gosh! Guys, did you saw it? Kumindat kay Vice yung vocalist. Si Zanjoe" sabi ni Anne kaya napatingin naman sila samin.

"Mukhang bet ka niya, Vicey" nakangiting sabi ni Karylle kaya napangiti naman ako.

"Uy di ah, magkakilala kasi kami kaya siguro ganun" sabi ko sa kanila.

"Pero malay mo, Vice. Tsaka gwapo naman siya eh kaya no problem" sabi naman ni Coleen.

"Gwapo daw. Di naman" napatingin naman ako sa isa ko pang katabi na si Ion ng marinig ko itong magsalita.

"Ano yun, Ion? May sinasabi ka diyan?" tanong ko kay Ion dahil medyo di ko narinig yung sinabi niya.

"Wala. Sabi ko, manood na lang kayo imbis na kung ano-anong pinag-uusapan niyo diyan" sabi ni Ion kaya tumahimik nalang ako.

"Nagseselos yan, sis. For sure" sabi ni Anne.

"Ha? Sinong nagseselos?" tanong ko sa kanya.

"Edi yang katabi mo diyan" sabi niya sabay nguso kay Ion na medyo nakakunot ang noo na nanonood sa harapan.

"Bakit naman siya magseselos?" tanong ko pa.

"Dami mong tanong. Basta nagseselos siya panigurado" sabi ni Anne at ibinaling na ang atensiyon sa harapan.

Nagseselos? Posible kaya?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon