Chapter 30

1.3K 54 8
                                    

Sorry for the late update. Foundation Week kasi sa school namin kaya medyo busy. But anyways, here's an update for all of you. Alam ko kasi yung feeling na maging reader na naghihintay sa update ng story, nakaka-inip. Kaya sinubukan ko talagang mag-update ngayon. Sana magustuhan niyo :)

~KahelAtRosas

—•—

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang namimili at tumitingin parin sa mga paninda sina Karylle at ang iba pa nilang kaibigan. Hindi nila namalayan na wala sina Ion at Vice kaya nagpatuloy lang sila sa ginagawa nila.

"Nakabili na ko. Tara na!" sabi ni Ryan habang tinitingnan ang mga pinamili niya.

"Tara na. Tapos na rin kami eh" sabi naman ni Jugs na bitbit-bitbit ang mga pinamili.

"Teka, parang kulang tayo eh" biglang sambit ni Eruption at tiningnan ang mga kaibigan.

"Nasaan sina Ion at Vice?" tanong ni Vhong nang mapansin na ang mga ito ang wala sa kanila.

Nagpalinga-linga sila sa paligid, nagbabakasakaling mahagilap nila ang mga ito. Maging si Tanya ay tinatawagan na rin si Ion ngunit hindi niya ito ma-contact.

"Sila ba yun?" sabay-sabay naman silang tumingin sa tinitingnan ni Teddy nang magsalita ito.

"Sila nga!" nagagalak na sabi ni Mariel.

Naglakad ang mga ito papalapit sa kanila. Medyo naguluhan naman sila nang makitang magkasama ang dalawa at mukhang ayos na.

"Tapos na ba kayo?" nakangiting tanong ni Ion nang makarating sa pwesto nila.

"Tapos na kaming mamili. Saan ba kayo galing? Kanina pa kaya kita tinatawagan" sagot naman ni Tanya at inilahad kay Ion ang mga supot ng plastik na naglalaman ng mga pinamili niya. Kinuha naman ito ni Ion at siya na ang nagdala.

"May pinuntahan lang tsaka na-lowbat kasi yung phone ko" sabi naman ni Ion dito.

"It's getting late na kaya kailangan na nating bumalik sa hotel para makapagpahinga" singit ni Anne kaya nagsimula na silang maglakad papunta sa sasakyan ni Tanya na siyang ginamit nila patungo roon.

**********

Mag-isang nakaupo si Vice sa veranda ng suite niya. Maghahating-gabi na ngunit gising na gising parin ang diwa niya. Hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya napagpasyahan niyang tumambay muna dito.

Hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng sistema niya ang nangyari kanina. Paulit-ulit parin itong pumapasok sa isipan niya.

Maayos na ba talaga kami? Kung oo, bakit parang hindi ako masaya?

Hindi niya alam kung bakit siya pumayag kanina. Hindi niya alam kung paano niya nasabi ang mga yun sa harap niya kanina. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya maski siya ay hindi alam kung tama ba ang naging desisyon niyang tanggapin ulit si Ion sa buhay niya bilang kaibigan.

Sana hindi na ako masaktan sa gagawin ko. Pero sino ba namang niloko ko eh ngayon pa nga lang ay ramdam ko na yung sakit.

Maya-maya lang ay may narinig siyang kumatok sa pinto kaya tumayo siya at binuksan ito. Tumambad sa kanya si Anne on her pajamas.

"Ano namang ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ni Vice sa kanya. May ideya na siya kung bakit ito nasa harapan niya ngayon; para maki-chismis kung anong mga kaganapan sa kanila ni Ion kanina.

"I just want to be with you tonight" nakangiting tugon ni Anne.

"Ano nga ang ginagawa mo dito?" ulit ni Vice at nakita naman niya itong nag-pout.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon