Chapter 4

1.1K 55 8
                                    

VICE'S POV


Matapos akong iwan ni Ion, I decided na bumalik nalang sa taas. Pagdating ko dun, nakita kong nandun si Anne.

Akala ko nasa baba siya? Bakit nandito 'tong bruhang 'to?

"Uy! Anong ginagawa mo dito? Akala ko nandun ka kasama nila?" tanong ko sa kanya matapos kong umupo sa tabi niya.

"Wala ako sa mood. Napagod ako sa pagcheer sa kanila kanina. Gusto ko ng magpahinga" sabi nito at sumandal sa upuan niya.

"Ako nga rin eh" sabi ko at sumandal rin sa upuan ko.

"Eh ikaw? Bakit ka nakabusangot diyan? May nangyari ba?" tanong nito sakin.

"Si Ion kasi, mukhang galit sakin" sabi ko and I folded my arms across my chest.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong niya and this time, humarap na siya sakin.

"Kanina kasi, nandun ako sa may counter and then may lumapit na lalaki and he gave me a drink. Di ko alam na nakita pala yun ni Ion. Kung ano-anong sinabi niya na kesyo baka may nilagay daw dun sa inumin na pwede kong ikasama. Hay! Ewan ko sa kanya" sabi ko. Nakita ko namang parang nagliwanag yung mukha ni Anne.

"I think he's jealous. Nagseselos siya kasi may ibang lalaking umaaligid sayo" sabi niya sabay ngiti na animo'y kinikilig.

"Alam kong inlove ako sa kanya pero hindi naman yata tamang lokohin ko ang sarili ko at maniwala ako sa mga sinasabi mo. Tsaka mukha lang akong babae pero hindi ako babae, Anne. Bakla ako kaya bakit siya magseselos kung may lalaking umaaligid sakin?" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Love knows no gender. It's already 21st century at uso na ngayon na magkaroon ng relasyon sa kapareho mo ng gender" sabi niya.

"Dami mong alam. Wala ka namang jowa" sabi ko sa kanya. Ewan ko talaga kung bakit sa dinarami-rami ng kaibigan ko kay Anne ko pa sinabi yung tungkol sa feelings ko for Ion.

Nakita naming papalapit na sina Vhong kaya nanahimik na kami ni Anne. Maya-maya pa, nakita kong papalapit na si Ion kaya umayos na ko ng upo. Pero imbis na sa tabi ko, pinili niyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Jhong.

Galit ba talaga siya sakin?


ION'S POV


Matapos kong magpahangin sa labas, napagdesisyunan kong bumalik na sa taas. Pagdating ko dun, kumpleto na sila.

"Uy tol! Saan ka galing?" tanong ni Vhong.

"Sa labas lang. Nagpahangin" sagot ko.

Imbis na sa tabi ni Vice umupo, pumunta ako sa tabi ni Jhong. Maya-maya lang, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Pagtingin ko rito, nakita ko si Vice na nakatingin sakin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Uy!" sabi niya sabay kalabit sakin. Pinili kong manahimik imbis na sagutin siya.

"Uy Ion! Galit ka ba sakin?" tanong niya and this time, di ko na mapigilang sumagot.

"No" I said without looking at him.

"Galit ka eh. Sorry na. Di ko naman ininom yung binigay niya eh" sabi niya.

"Hindi nga ko galit. Pagod lang ako"sabi ko at sumandal sa upuan ko. Nakita ko naman siyang tumayo at hinila yung kamay ko.

"Pagod ka na pala eh. Tara! Umuwi na tayo" sabi niya habang hila-hila pa rin ang kamay ko, pilit akong pinatatayo.

"Kung makasabi ka naman sis ng 'uwi na tayo', parang isang bahay lang inuuwian niyo ah" rinig kong asar ni Anne kay Vice.

"Yang bunganga mo talaga Anne. What I mean is, umuwi na tayong lahat tutal gusto na rin naman nating lahat magpahinga" depensa naman ni Vice.

"Asuss! Palusot ka pa. Osya, umuwi na tayong lahat. Gusto ko ng matulog" yaya ni Anne sa lahat.

Inayos muna namin yung mga gamit namin bago bumaba. Pagdating namin sa parking lot, nandun na yung van nina Billy. 20 seater ito kaya kasyang-kasya kaming magbabarkada.

"Vice dito kana sa tabi ko umupo" sabi ko kay Vice nang makita ko itong akmang uupo sa tabi ni Anne.

"Huh? Bakit naman?" tanong nito.

"Wala kasi akong masasandalan eh" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Walanghiya ka talaga. Ginawa mo pa kong pader" sabi nito at umupo na sa tabi ko.

"Bakit? Hindi ka ba pader?" asar kong tanong sa kanya. Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo" sabi niya sabay hampas sa balikat ko.

"Joke lang" sabi ko sabay yakap sa kanya ng patagilid.

Sinandal ko na yung ulo ko sa balikat niya at pinikit ang mga mata ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Dahil na rin sa sobrang pagod, nakatulog agad ako ng may ngiti saking labi.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon