Chapter 34

1.3K 59 8
                                    

THIRD PERSON'S POV



"Buti naman at naisipan niyo pang bumalik" nakabusangot na bungad ni Billy nang sa wakas ay nakabalik na sina Ion at Vice.

Kanina pa kasi sila naghihintay sa van na sinakyan nila papunta roon.

"Akala namin nakalimutan niyo ng may mga kasama kayong naghihintay" gatong naman ni Vhong.

"Sorry naman. Di kasi namin namalayan yung oras" nakangiting paghingi ng pasensya ni Vice.

Nagkatinginan naman ang mga kaibigan nila nang makita kung gaano kaganda ang ngiti nito ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw.

"Saya nito ah. Anong nangyari dun?" usisa ni Jhong kay Ion ngunit nginitian lamang sila nito kaya kay Vice naman sila tumingin.

"Napakachismoso niyo talaga. Tara na nga. Kailangan ko pang ayusin yung mga gamit ko" agad na pumasok si Vice sa loob ng van at iniwan ang mga itong naguguluhan kung ano ang nangyari.

"Lumulusot ka lang eh" sabi naman ni Vhong ngunit wala na silang nagawa kundi pumasok nalang rin sa van dahil mukhang walang balak na sumagot si Vice.

Pagkapasok sa van, tatabi na sana si Ion kay Tanya ngunit naunahan siya ni Vhong kaya wala siyang nagawa kundi tumabi nalang kay Vice na mag-isang nakaupo at nakatingin sa labas.

Agad namang napatingin sa kanya si Vice nang maramdamang may umupo sa tabi niya.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya dahil ang buong akala niya ay kay Tanya ito tatabi.

"Wala na kong maupuan eh. Naunahan ako dun sa pwesto ko" sabi ni Ion kaya napatingin naman si Vice sa upuan ni Tanya at nakitang nakaupo at nakikipagtawanan si Vhong sa kanya.

Tumingin nalang ulit si Vice sa labas habang unti-unti na nilang tinatahak ang daan pabalik sa hotel na tinutuluyan nila.

Maya-maya lang ay naramdaman niyang parang bumigat ang balikat niya at nang tingnan niya ito, nakita niyang nakapatong ang ulo ni Ion dito kaya ipinatong na rin niya ang ulo niya sa ulo ni Ion at ipinikit ang mga mata.

Samantala, halos hindi naman mawala ang mga ngiti ng kanilang mga kaibigan dahil sa nakikita nila ngayon. Walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan para sa kanilang kaibigan dahil sa wakas ay dumating na rin ang kasiyahang matagal nilang ipinagdadasal para rito.

**********

Agad na kinuha ni Vice ang maleta niyang nakahanda na sa kanyang kama pati na rin ang hand bag na nakapatong sa mesa.

Tapos na siyang mag-impake kaya kailangan na niyang bumaba dahil baka mainip na ang mga kasamahan niyang kanina pa nasa lobby ng hotel at naghihintay sa kanyang pagbaba.

Pagkalabas niya, nagulat siya ng makitang nandun si Anne at nakangiting nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dito sa labas?" tanong ni Vice sa kanya.

"Nope. Actually, kakadating ko lang. Pinaakyat nila ko dito para sabihin sayong bilisan mo na kasi kanina pa daw sila nandun sa baba" sabi ni Anne sa kanya.

"Yun lang ba talaga ang pinunta mo dito?" tanong ni Vice at pinaningkitan ito.

"Well, you already know the other reason. So magkwento ka na. Ano bang nangyari sa inyo ni Ion kanina?" panimulang tanong ni Anne.

Napabuntong-hininga nalang si Vice at nagsimula na silang maglakad ni Anne papuntang elevator.

"Chismosa ka talaga! Nag-usap lang naman kami kanina" sabi ni Vice at biglang napangiti nang pumasok ulit sa isipan niya ang mga napag-usapan nika nila ni Ion.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon