Chapter 20

1.1K 43 5
                                    

VICE'S POV

It has been months matapos ang Foundation Day Celebration at ngayon naman, nagsimula na ang Final Exam kaya halos lahat ng estudyante ay todo review. Ngayon rin ang huling araw ng examination kaya nakakahinga na ako ng maluwag kahit papaano.

"Your timer starts now!" sabi ni Ma'am Santos, English Teacher namin, kaya nagsimula na kaming sagutan ang test paper.

20 minutes before the clock strike at 4:00 PM, nakita kong kaunti na lang kaming nandito sa room dahil yung iba ay naipasa na ang mga test papers nila at pinalabas na ni Ma'am.

"Vice, tapos ka na?" rinig kong pabulong na tanong ni Ion. Magkatabi kasi kami sa may bandang dulo ng mga upuan.

"Hindi pa eh" pabulong ko ring sagot sa kanya.

"Eto oh, kumopya ka nalang sakin. Tapos na rin naman ako eh" alok niya sakin. Pasimple ko namang tiningnan si Ma'am at nakita kong busy siya sa harapan.

"Hindi na. Ipasa mo na yan at ng makalabas ka na" tanggi ko sa alok niya.

"Sige na, kumopya ka na para sabay tayong makalabas" giit pa niya.

"Hindi na -----" naputol ang dapat kong pagtanggi nang bigla kaming sinita ni Ma'am Santos.

"Perez and Viceral, mind your own papers hindi yung naghaharutan kayo in the middle of examination" napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Napansin ko namang tumayo na si Ion at pinasa ang papel niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagsagot.

**********

"Uy Vice, anyare sa room kanina? Narinig namin na parang sinita kayo eh" tanong sakin ni Jhong.

"Nakita kasi ni Ma'am na nangungulit 'tong damuhong 'to. Gusto niya kasing kopyahin ko nalang yung mga sagot niya" sabi ko at tiningnan si Ion na prenteng nakaupo sa tabi ni Jhong.

Tapos na namin lahat ng exams kaya nandito kami ngayon sa tambayan namin sa likod ng gym kung saan may tinayo kaming maliit na bahay-kubo para may matambayan.

"Ang arte mo kasi. Di mo pa tinanggap yung alok ko, nakita tuloy ni Ma'am Santos" sabi ni Ion sakin.

"Nasisi pa talaga ko" sabi ko at inirapan siya. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sumandal sa upuan.

"So anong plano niyo after nito?" rinig kong tanong ni Mariel.

"Magpapahinga" sabay-sabay naming sagot kaya nagtawanan kami. Minulat ko naman ang mga mata ko at tiningnan sila.

"But seriously guys, ga-graduate na tayo 2 weeks from now kaya dapat magkaroon man lang tayo ng outing bago magsummer" sabi naman ni Jugs.

"May resort ang Tita ko sa Pampanga. Pwede tayo dun mag-outing" suggest ni Teddy.

"Libre ba yan, Teddy?" pabirong tanong ni Ryan.

"Ano ka ba Ryan, sa panahon ngayon wala ng libre" sagot naman ni Teddy.

"Kailan naman tayo mag-a-outing?" tanong ni Eruption.

"The day after the graduation nalang" sabi naman ni Coleen.

"So everything's settled na. We'll go out of town after the graduation so might as well magpaalam na kayo sa parents niyo para wala ng problema" sabi naman ni Anne.

"Ikaw pa talaga may ganang magsabi niyan samin eh ikaw nga 'tong nahihirapang magpaalam eh" sabi ko naman kay Anne. Nag-iisa lang kasi siyang babaeng anak kaya overprotective sa kanya ang parents niya pati na rin ang dalawa niyang kapatid na lalaki.

"It's just that my family are worried about me kaya sila ganun" sabi naman niya.

"Nye, nye, nye. Whatever" pabirong sabi ko sa kanya.

"Ga-graduate nalang tayo, ang hilig mo paring makipag-away Vice" sabi naman ni Ion.

"Teka lang, bakit parang galit kayo? Bakit parang kasalanan ko?" paggaya ko kay Bea Alonzo sa movie na The Four Sisters and a Wedding.

"Ang arte mo, Viceral!" sabi ni Ion sabay bato sakin ng tissue na hawak niya kaya nagtawanan naman kami.

—•—

Sabaw na short update para sa inyo HAHAHA! Kung napapansin niyo po na palaging sabaw yung mga updates ko, pagpasensyahan niyo na kasi nawawalan na ko ng ideas kung anong susunod na ganap nila. If ever na may ideas kayo o gustong mangyari dito, feel free na magcomment or DM me sa twitter. Search niyo lang po @KahelAtRosas sa twitter if gusto niyo. Need ko talaga ng tulong eh. Tiis-tiis muna sa sabaw na updates HAHAHA! Thank you for reading!

~KahelAtRosas

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon