Chapter 32

1.2K 54 12
                                    

THIRD PERSON'S POV



Matapos ang mahigit isang oras na biyahe, sa wakas ay narating din nila ang Northern Blossom Park. Ito na ang huling lugar na papasyalan nila sa Baguio dahil mamayang gabi ay babalik na ulit sila sa Manila.

"Wow!"
"Ang ganda!"
"The flowers are beautiful!"

Ilan lang yan sa mga maririnig mong reaksiyon mula sa kanila nang makapasok sila sa loob ng parke. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mukha nila dahil sa kanilang nakikita.

"Picture agad!" sabi ni Vhong at nilabas ang camera na dala niya.

Agad naman silang pumwesto at nakiusap sa lalaking naroon na kuhanan sila ng litrato.

Matapos ang picture taking, sinimulan na nilang libutin ang parke. Manghang-mangha sila sa iba't ibang klaseng mga bulaklak na naroon.

Habang ang iba ay nasisiyahan sa kanilang nakikita, may dalawang tao namang hindi alam kung paano pakikitunguhan ang isa't isa sa kadahilanang ang isa ay kinakabahan sa maaaring mangyari kapag nakipag-usap siya sa taong yun at ang isa naman ay dahil sa sakit at pagkalungkot na bumabalot sa puso niya.

"Ion, picturan mo nga ko dito" ani Tanya at binigay kay Ion ang cellphone niya. Agad siyang pumwesto at ganun din si Ion na kinuhanan agad si Tanya sa magandang anggulo nito.

Samantala, may isang tao namang nakamasid lamang sa kanila at kung nakakamatay lamang ang tingin ay paniguradong nakabulagta na ngayon ang dalawang taong tinitingnan niya ng matalim.

"Vice, gusto mo ring magpa-picture dun?" tanong ni Vhong dito kahit na alam naman niya na iba ang dahilan kung bakit siya nakatingin kina Tanya.

Hindi alam ni Vice kung bakit pa siya nakakaramdam ng selos gayong alam naman niyang walang pag-asa na maging sila ni Ion.

Agad na umiling si Vice kay Vhong at ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin.

Matapos yun ay tahimik na pinapagpatuloy nila ang paglilibot. Waring sinusulit ng kanilang mga mata ang magandang tanawing kanilang nakikita dahil sa kanilang katahimikan.

Sa kabila nito, nagdadalawang-isip si Ion kung dapat na ba niyang kausapin si Vice at ng magkaliwanagan na sila.

Sa huli ay pinili ni Ion na sundin ang matagal ng sinisigaw ng kanyang damdamin.

"Vice, pwede ba tayong mag-usap?"



ION'S POV



"Vice, pwede ba tayong mag-usap?" agad silang napahinto matapos kong bitawan ang tanong na iyon. Maging si Vice ay napahinto rin at tumingin sa gawing likuran niya kung nasaan ako.

"S-sure. Excuse lang, guys" sabi ni Vice kaya sinimulan ko ng maglakad. Nang makalayo na sa kanila ay tiyaka lang ako huminto.

Mula dito sa pwesto namin ay kitang-kita ang mga magagandang bulaklak at maging ang magandang tanawin at bukirin.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ni Vice at tumabi sakin.

"Bakit? Bakit mo ko iiwan?" walang pagdadalawang-isip na tanong ko sa kanya.

"A-ano? A-ano bang pinagsasabi mo diyan?" nagkakanda-utal-utal na sambit niya.

"Wag ka ng magkaila. Alam ko na ang lahat. Alam ko ng aalis ka at iiwan mo kami. Iiwan mo ko. Bakit? Bakit mo kailangang gawin yun?" hinarap ko siya at kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya.

"Nagulat ka? Nagulat ka kasi hindi mo inaasahang malalaman ko? Bakit? Wala ka bang planong sabihin sakin ang tungkol dito?" tanong ko ulit ng hindi siya umimik sa una kong sinabi.

"H-hindi naman sa ganun. May plano naman akong sabihin sayo pero hindi pa ngayon" sagot niya.

"Sasabihin mo sakin? Kailan? Kung kailan nakaalis ka na? Ganun ba?" hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at alam kong anumang oras ay pwedeng-pwede ng tumulo ang mga luha ko.

"Hindi. Pwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag?" sambit niya kaya hindi na ako umimik pa.

"Oo, aalis ako. Pupunta ako sa Los Angeles dahil matagal ng gusto nina Mama na dun ako mag-aral. And also, may plano naman akong sabihin sa inyo ang tungkol dito pero hindi sa ganitong paraan" sambit niya kaya napayuko nalang ako.

Mas masakit pala pag nanggaling na sa kanya ang katotohanang aalis siya.

"Pero bakit mo kailangang umalis? Dahil ba sakin?" nahihirapang tanong ko. Alam kong masakit ang magiging sagot niya sa tanong ko pero hindi ko na yun inalintana dahil gusto ko ng malaman ang lahat-lahat.

"O-oo. Dahil sayo kaya kailangan kong umalis. Masyado na kasing masakit, Ion. Baka di ko na kayanin pa kapag nagtagal pa ko dito. Baka dumating yung araw na sumuko nalang ako dahil sa sobrang sakit at pagod na nararamdaman ko. Kaya mas mabuti na lumayo nalang ako para kahit papano makahinga naman ako at makatakas sa sakit na dinulot ng pangyayaring yun. Tiyaka ito rin naman ang gusto mo diba? Ang lumayo ako sayo?" nabigla ako ng sabihin niya iyon.

"Ano? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Kaya ka nga diba pumunta ng Bohol kasi gusto mong magpakalayo-layo pero sa di inaasahang pagkakataon, nagkita ulit tayo dito sa Baguio" sabi niya at binigyan ako ng ngiti, ngiting pilit.

"Hindi yan totoo" tanging nasabi ko dahil hindi ko alam na ganun pala kalala ang naging epekto ng pag-alis ko nung araw na yun.

"Then tell me? Bakit ka biglang umalis?" direktang tanong niya.

"Umalis ako papuntang Bohol kasi may pinapagawang urgent sakin si Mama dun at hindi ko na nagawang magpaalam sa inyo kasi tulog pa kayo nung umalis ako. At oo, pumunta rin ako dun para maliwanagan sa nangyari satin nung gabing yun. Para tuluyang maproseso sa sistema ko lahat ng nalaman ko at pati na rin yung inamin mo pero hindi ibig sabihin nun na gusto kong lumayo ka sakin kaya ako umalis. Vice, maniwala ka, hindi ko gustong lumayo ka sakin" mahabang paliwanag ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at tumingin nalang muli sa magandang tanawin na nasa harapan namin. Waring malalim ang kanyang iniisip dahil sa lalim ng kanyang buntong-hininga.

Sa halip na magsalita muli, pinili ko nalang na titigan ang mukha niya. Mula dito sa pwesto ko, kitang-kita ko ang kalahating bahagi ng mukha niya. Kitang-kita ko ang matangos niyang ilong, ang mapupula niyang labi at ang mapupungay niyang mga mata na pakiwari ko ay walang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa kagagawan ko.

Napakagago mo talaga, Ion! Paano mo nakakayang saktan ang napakabuting nilalang na nasa harap mo?!

Agad-agad kong ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin ko nang maramdaman kong titingin siya sa gawi ko.

Ion, magpakalalaki ka naman ngayon. Sabihin mo na sa kanya!

Agad na binalot ng kaba ang puso ko ng sabihin yun ng isip ko. Ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kanya?

Sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat!

Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Vice---" agad na napahinto ako sa pagsasalita ng pagbaling ko sa kanya ay nakatingin na rin siya sakin.

"Bakit?" seryosong tanong niya.

"Vice, may sasabihin ako sayo" panimula ko.

"Ano yun?" wala pa ring emosyong saad niya.

Takte! Kinakabahan ako! Hingang malalim, Ion. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Kailangan ko ng sabihin bago pa ko mawalan ng oras na sabihin sa kanya ito.

"Vice
.
.
.
.
.
Mahal kita"

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon