Chapter 27

1.1K 46 0
                                    

THIRD PERSON'S POV



"Saan ka ba galing? Bakit di ka manlang nagsabi? Sasamahan naman kita kung saan mo gustong pumunta. Hindi mo alam kung gaano mo kami pinakaba" yan agad ang bumungad kay Vice pagkapasok niya sa bahay nila. Sa sobrang pagkalutang niya, di na niya napansin ang mga sasakyan ng mga kaibigan na nakaparada sa labas ng bahay nila kaya bahagya siyang nagulat nang makita ang mga ito.

"Sorry" tanging tugon niya kay Anne at napayuko nalang. Sobrang pagod na pagod na siya at wala na siyang lakas para makipagtalo pa sa kanila. Nabigla naman siya ng yakapin siya ni Anne at kasunod nito sina Vhong, Jhong at Billy.

"Just don't do it again. Sobra kaming nag-alala para sayo" sabi ni Anne bago kumalas sa pagkakayakap nila.

"I'm sorry. I'm really sorry. Di ko sinasadyang pag-alalahanin kayo" paghingi muli ng tawad ni Vice sa kanila.

"Brad, alam naming may pinagdadaanan ka. Alam naming nasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Ion pero wag mo naman sana kaming kalimutan. Wag mo naman sanang kalimutan na may iba ka pang kaibigan" hindi na napigilan ni Vhong ang sabihin ito sa kaibigan. Ayaw na niya itong masaktan kaya gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ito.

"Oo nga, Vice. Nandito parin naman kami para sayo. Hindi ka namin iiwan" sabi naman ni Jhong.

Nangingilid na ang mga luha ni Vice ngunit pinipigilan niya itong tumulo dahil hangga't maaari, ayaw niyang makita ulit siya ng mga ito na umiiyak.

"Mahal na mahal ka namin, Vice. Hindi magbabago yun. So paano? Mauna na kami. Magpahinga ka na rin. Magiging okay rin ang lahat" sabi ni Billy kaya nagpaalam na sila maliban kay Anne na nagdesisyong magpalipas nalang ng gabi sa bahay ng kaibigan.

Pagdating nila sa kwarto, agad na nagpalit ng damit si Vice at pinahiram naman niya si Anne ng damit-pantulog. Matapos nilang magbihis at maglinis ng katawan, pareho silang umupo sa kama at sumandal sa headboard nito. Walang nagsasalita. Parehong nagpapakiramdaman.

"Sis, kaya mo pa ba?" pagbasag ni Anne sa katahimikan na namutawi sa kanila.

"Hindi ko alam. Siguro. Hindi parin kasi nawawala yung sakit eh" tugon ni Vice na nakatingin sa kawalan.

"Hindi naman agad mawawala yan. It takes time to heal the pain. Kailangan mo lang mag-hintay" sabi naman ni Anne.

"Pero ganun ba talaga yun? Ganun ba talaga yung sakit? Habang tumatagal mas lalong sumasakit? Hindi ko nga alam kung mabubuo pa ba yung puso ko ulit kasi habang tumatagal mas lalong lumalala yung punit. Hindi ko na alam ang gagawin. Masiyado yata akong nasaktan dahil sa sarili kong kagagawan kaya nahihirapang maghilom yung sugat dito sa puso ko" napayuko nalang si Vice matapos niya sabihin yun dahil di na niya napigilan sa pagpatak ang mga luha niya.

Napatingin naman si Anne kay Vice. Hindi niya alam kung may karapatan ba siyang yakapin at pakalmahin ito. Aminado siyang isa siya sa mga taong naging dahilan kung bakit nasasaktan ang kaibigan niya ngayon. Kung hindi dahil sa pag-udyok niya sa kanya na umamin kay Ion, marahil ay hindi ito nasasaktan ngayon. Gusto lang naman niyang maging masaya si Vice pero mukhang hindi umayon ang tadhana sa gusto niyang mangyari para sa kaibigan.

"Vice, I'm sorry" napatingin naman si Vice sa kanya nang sambitin niya ito. Hindi niya alam kung bakit nagso-sorry ito sa kanya.

"Alam kong isa ako sa mga taong nag-udyok sayo noon na umamin kay Ion pero kaya ko gustong gawin mo yun kasi gustong kong maging masaya ka. Pero hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari. Imbis na maging masaya ka, nasaktan ka pa. I'm so sorry" sambit ni Anne at pinunasan ang luhang nagsimula ng pumatak mula sa kanyang mga mata.

"I can't blame you, Anne. Ginusto ko rin naman 'to. Noong una palang, alam kong posible ng mangyari 'to pero tinuloy ko parin. Tinuloy ko parin kasi yun yung gusto kong mangyari, ang umamin ako sa kanya. Wala na kong magagawa pa kung sisisihin pa kita o yung sarili ko kasi nangyari na eh. Nasaktan na ko" sabi ni Vice at tumingin sa kaibigan.

"Pero bilang kaibigan mo, gusto ko lang sabihin sayo na namnamin mo nalang muna yung sakit kasi malay mo kapalit pala nito yung kaligayahan na ninanais ko para sayo. Yung kaligayahan na matagal mo ng inaasam-asam. Iiyak mo nalang yan kasi baka bukas o sa makalawa, ngiti at tawa naman ang makikita namin sayong mukha. Alam kong hindi madaling gawin yung sinasabi ko pero subukan mo lang, baka sakaling makaya mo at gumaan yung pakiramdam mo kahit papaano" payo ni Anne at yinakap ang kaibigan.

"Thank you, Anne. Thank you for always staying by my side" punong-puno ng sinseridad na sambit ni Vice habang nakayakap parin sa kaibigan.

"Always, sis. I will always stay with you" sabi ni Anne at mas hinigpitan pa ang yakap dito.

**********

"Sis, anuna? Matagal ka pa ba diyan?" tanong ulit ni Anne kay Vice na nasa loob pa ng CR. Ikatlong beses na niya itong itinanong pero hindi parin ito lumalabas. Maya-maya lang ay bumukas nag pinto at iniluwa nito si Vice na naglalagay ng alcohol sa kamay.

"Napakamainipin naman nito. Alam mo namang marami akong kinain kagabi kaya bumabawi yung tiyan ko ngayon" sabi ni Vice at inilagay na sa bag niya ang alcohol.

"Don't you dare touch me! Kakagaling mo lang sa CR tapos aakbay ka sakin. That's a big NO!" sabi ni Anne ng magtangkang umakbay sa kanya ang kaibigan.

"Arte! Malaki naman bunganga" sabi ni Vice at kinuha na ang maleta niya pati na rin ang kanyang hand carry. Hindi na lang sumagot si Anne dahil baka saan pa umabot ang panglalait nila. Sabay na silang bumaba mula sa kwarto ni Vice at nakitang nandun na sa sala ang mga kaibigan nila.

"Akala ko di ka makakababa, Viceral!" sabi ni Billy at nagsitayuan na sila at kanya-kanyang kuha ng mga maleta nila.

"Daming reklamo, Billy. Magsama nga kayo ni Anne!" sabi ni Vice at naunang lumabas ng bahay nila. Sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan na may kanya-kanyang bitbit na maleta.

Napagdesisyunan nilang sumama kay Vice papuntang Baguio ng malaman nilang magbabakasyon ito roon. Maliban sa gusto nila itong mabantayan, gusto rin nilang maramdaman nito na hindi siya nag-iisa at nandiyan sila palagi para samahan siya.

Pagdating nila sa labas, sumakay agad sila sa 20 seater van nila Billy at nagsimula ng bumiyahe papuntang Baguio.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon