Chapter 7

1.1K 54 13
                                    

ION'S POV


Matapos naming ayusin ang mga gamit namin sa kwarto, bumaba na kami sa sala at napagpasyahang dun nalang namin hintayin ang iba.

"Anne, saan kayo pupunta?" tanong ni Jhong ng makita niyang bumaba sila Anne, Karylle, Mariel at Coleen.

"Pupunta sa kusina. Magluluto ng lunch" sagot naman ni Anne.

"Magluluto? Bakit marunong ka bang magluto?" asar namang tanong ni Vhong kay Anne.

"Siyempre 'no. Anak yata ako ng Chef" sabi naman ni Anne na pinagmamalaki ang Mommy niya.

"Yabang ah" sabat naman ni Billy.

"Of course. Oh diyan muna kayo, magluluto pa kami" sabi ni Anne at naglakad na sila papuntang kusina.

Dahil wala pa naman kaming ginagawa, kinuha ko nalang muna yung cellphone ko at binuksan ang twitter account ko. Maya-maya, habang nagbabasa ako ng mga tweets, biglang may tumawag sakin.

"Uy Ion!" pagtingin ko sa direksiyon ng tumawag sakin, nakita ko si Vice na papalapit samin. Nakasuot siya ng short shorts at plain white oversized shirt kaya kitang-kita ang mga mahahabang biyas nito.

"Uy tol, tinatanong ka ni Vice" sabi ni Vhong na nagpabalik sakin sa ulirat.

"Huh? Ano yun?" sabi ko kay Vice.

"Sabi ko, nasaan yung bag ko na kinuha mo?" tanong nito sakin. Nakakunot na ang noo nito, senyales na naiinis na siya.

"Nasa kwarto namin. Kunin mo nalang" sagot ko sa kanya.

"Alright" sabi niya at tumalikod na. Hindi pa siya nakakalayo nang humarap ulit siya sakin. "By the way, kumain ka na kasi mukhang gutom na gutom ka na eh. Bigla ka nalang natutulala diyan" sabi niya sabay ngiti sakin at dumiretso na sa pagpunta sa taas.

Tama, Ion. Dala lang yan ng gutom kaya ka natulala sa kanya kanina. Tama siya.



VICE'S POV


"Guys, kakain na!" sigaw ni Anne kaya pumunta agad kami sa dining table.

Pagdating ko dun, nakita kong dalawang putahe ang niluto nila, adobong manok at kare-kare. Katabi ko sa kaliwa si Ion at sa kanan naman si Anne. Matapos magdasal ay nagsimula na silang kumuha ng pagkain. Nakita ko namang nilagyan ni Billy ng pagkain ang plato ni Coleen. Di niyo kasi natatanong, 2 years nang mag-jowa ang dalawang yan at support naman kami sa kanila.

"Sana lahat nilalagyan ng pagkain ang plato nila" sabi ko at napatingin sila sakin kaya ngumiti naman ako.

"Ikaw talaga, nagpaparinig ka pa. Oh eto" sabi ni Ion at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Asuss! Gusto mo naman talagang lagyan ang plato ko, hinintay mo lang na magparinig ako" sabi ko sa kanya.

"Ang kapal ah" sabi naman niya.

"Alin? Alin yung makapal?" tanong ko sa kanya nang nakataas ang isang kilay.

"Yung mesa. Ang kapal ng mesa. Grabe!" sabi niya habang umiiling-iling pa.

"Teka nga, magbestfriend ba talaga kayo o mag-jowa?" tanong ni Mariel habang nakatingin saming dalawa.

"Magbestfriend lang kami. Diba?" sabay tingin sakin ni Ion.

Hindi, Ion. Mahal kita. Mahal kita nang higit pa sa inaakala mo.

"Oo naman. Magbestfriend lang kami" sabi ko at ngumiti ng pilit.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Anne ang kamay ko sa ilalim ng mesa na para bang kino-comfort niys ko. Pagtingin ko naman sa kanya, naka-focus lang ito sa pagkain niya kaya kumain na rin ako.

Ion, sorry. Yung puso ko kasi tuluyan nang naglandfall diyan sa puso mo.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon