Chapter 13

1.1K 52 8
                                    

VICE'S POV


"Sis, are you done?" tanong ni Anne na nakasilip sa may pintuan ng kwarto namin. Ako nalang yung natira dito samantalang yung iba ay nasa baba na.

"Oo. Eto na, bababa na ko" sabi ko at binitbit ko na yung mga bag ko.

Tapos na yung bakasyon namin dito kaya kailangan na naming umuwi. Pagdating ko sa baba, nakita kong andun na silang lahat.

"Bakit nandito pa kayo? Akala ko nandun na kayo sa labas?" tanong ko sa kanila.

"Eh hinihintay ka pa namin tsaka ang init-init sa labas kung dun pa kami maghihintay sayo" sabi ni Vhong.

"Akala mo naman mangingitim ka agad kung maarawan ka sa labas eh ang dami mong tinuturok na gluta diyan sa katawan mo" sabi ko kay Vhong at nagtawanan naman sila.

"Walanghiya ka! Umalis na nga tayo baka kung ano pang masabi mo" sabi ni Vhong at nagpaumunang naglakad palabas kaya sumunod naman kami sa kanya.

Pagdating namin sa labas, sumakay agad kami sa van at bumiyahe na pauwi.

**********

Nandito na kami ngayon sa bahay nina Karylle. Dito nalang kami maghihintay ng kanya-kanyang sundo namin.

"Guys, nasa labas na pala yung sundo ko" sabi ko sa kanila ng mabasa ko yung text ng driver namin.

"Ingat ka, Vicey!" sabi ni Karylle.

"Hey Ion, di ka ba sasabay sakin?" tanong ko kay Ion. Iisa lang kasi kami ng village na tinitirahan.

"Nope. On the way na rin kasi yung sundo ko" sabi niya sakin.

"Alright, I'll go ahead. Bye!" sabi ko sa kanila at naglakad na palabas. Nakita ko naman agad yung van namin kaya sumakay agad ako.

Matapos ang ilang minutong biyahe, nakarating na kami sa bahay. Pagkapasok ko, nakita ko sina Mama at Papa na mukhang hinihintay ako.

"Anak, mabuti naman at nakauwi ka na" sabi ni Papa at niyakap nila ako ni Mama.

"So how's your vacation with your friends?" tanong ni Mama matapos nila kong yakapin.

"It was great. All of us had fun. Thank you for letting me go with them" sabi ko habang tinitingnan silang dalawa.

"Basta para sa happiness mo, papayag kami. I think you should go to your room at ng makapagpahinga ka na" sabi ni Papa kaya umakyat na ko sa kwarto ko.

Matapos kong magpalit ng damit, kinuha ko muna yung phone ko at nag-online. Nakita ko namang nagchi-chikahan sila sa group chat kaya sumali na rin ako.

**********

WALANG LAITAN GROUP

BUNGANGANG MALALIM (Anne): Any plans for the next days?

KABAYONG BAKLA (Vice): Jusko Anne! Kakauwi pa lang natin. Uso rin magpahinga.

UNGGOY NA TARSIER (Jhong): Parang ayaw mo naman kaming kasama, Vice Marie.

GREATEST WHITE (Vhong): Oo nga. Tsaka enjoy na enjoy ka naman pag may lakad tayo.

BUNGANGANG MALALIM (Anne): True. Lalo na pag kasama si @IonPerez.

KULOT NG BAYAN (Karylle): Talaga ba Vice?

BORN TO BE PAOS (Mariel): Kinikilig ako teka lang!

KABAYONG BAKLA (Vice): Manahimik kayo! Ang dudumi ng isip niyo! Jusko!

ILONG OF THE YEAR (Teddy): Wag kang puro seen @IonPerez. Magreply ka!

LINTIK NA ABS (Ion): Bakit nasali ako @ViceralVice?

KABAYONG BAKLA (Vice): Ewan ko. Tanong mo sa kanila.

UNGGOY NA TARSIER (Jhong): Si Vice talaga agad yung tinanong mo @IonPerez.

GREATEST WHITE (Vhong): ViceIon is real!

BUNGANGANG MALALIM (Anne): Ansaveh sa ViceIon HAHAHA!

KULOT NG BAYAN (Karylle): Kilig overload! Yieeee!

**********

Pinatay ko agad yung phone ko dahil di ko na keri yung mga pinagsasabi nila. Kaloka!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa reaksiyon niya. Paano pag nalaman niya? Paano pag naniwala siya sa mga pinagsasabi nila? Lalayo ba siya?

Of course he will. Di niya ko gusto kaya talagang lalayo siya.

Bumigat naman yung pakiramdam ko dahil sa naisip ko. Totoo nga naman, kaibigan lang yung turing niya sakin at talagang malabo na magustuhan rin niya ako. Napabuntong-hininga nalang ako at humiga sa kama. Maya-maya lang, pinikit ko na ang mga mata ko dahil dinadalaw na ko ng antok.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon