Chapter 17

1K 50 4
                                    

Dahil monthsary ngayon ng ViceIon, may update ang lola niyo HAHAHA. Hope you enjoy this update guys!

~KahelAtRosas

—•—

VICE'S POV

3rd day na ngayon ng 6 days Foundation Day Celebration ng university namin. So far, marami-rami na rin naman ang kita ng Photo Booth namin. At ngayon, ako at si Steph, kaklase ko, ang nakatoka na magbantay sa booth. Habang wala pang maraming tao ang pumupunta dito, biglang dumating si Anne at Coleen.

"Sis, tara sama ka samin!" nakangiting bungad ni Anne.

"Hindi pwede eh. Nakatoka ako ngayong magbantay dito" sabi ko sa kanila habang inaayos ang mga costumes.

"Nandiyan naman si Steph eh. Sige na, sumama ka na samin" sabi naman ni Coleen.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko at hinarap sila.

"Basta. Sumama ka nalang. Promise worth it 'to" sabi ni Anne at kumindat sakin.

"Yuck! Bakla ka! May pakindat ka pang nalalaman diyan" sabi ko kay Anne na natawa nalang sa sinabi ko.

"Tara na nga kasi" pamimilit pa ni Anne sakin.

"Oo na. Steph, may pupuntahan lang ako sandali, okay lang ba na maiwan ka muna dito?" baling ko kay Steph na tinitingnan ang mga pictures sa camera.

"No problem, papunta na rin naman dito sina Jackie at Issa eh" sabi ni Steph kaya nagpaalam na ako sa kanya at naglakad palabas ng booth kasama sina Anne at Coleen. Habang naglalakad kami, bigla akong nilagyan ni Anne ng posas sa kanang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit niyo ko pinosasan?" kunot-noong tanong ko sa kanila.

"Para di ka na tumakas" nakangiting sagot ni Coleen.

"Huh? Anong tumakas? Bakit naman ako tatakas?" naguguluhang tanong ko sa kanila. Ano bang pinagsasabi nila?

"Basta, tara na nga" sabi ni Anne at naglakad na.

"Teka lang!" sabi ko ng bigla nila kong hilahin papunta sa booth nila.

Oh my, don't tell me....

ION'S POV

Nakaupo ako ngayon dito sa loob ng booth namin habang hinihintay na bumalik sina Anne at Coleen. Naglaro kasi kami kanina ng Spin The Bottle habang wala pang masyadong customer. At kung minamalas ka nga naman, sakin tumapat ang bote at kapalit nito ay kailang kong magpakasal 'kunwari' sa taong mapipili nila.

"Uy Ion, bakit ang tahimik mo yata masyado? Kinakabahan ka na ba?" nakangising tanong ni Jhong habang inaayos ang suot niya. Siya ang magsisilbing pari sa mga taong 'kunwaring' ikakasal dito sa Marriage Booth namin.

"Hindi ah. Bakit naman ako kakabahan?" sabi ko sa kanya sabay buntong-hininga.

"Hindi daw pero ang lalim ng buntong-hininga" natatawang sabi niya at pumunta na sa kaniyang pwesto.

"Ewan ko sayo" sabi ko at inayos ang pagkakaupo ko.

"Eto na pala sila eh" sabi ni Jhong kaya napatingin naman ako sa may entrance ng booth. Akala ko sila Anne at Coleen na ang dumating pero si Teddy lang pala kasama sina Vhong at iba pa naming barkada na kagrupo niya.

"Oh anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kina Vhong.

"Ewan ko, sinundo lang kami ni Teddy sa canteen kanina eh. Ano bang meron dito?" sabi naman ni Vhong at umupo sila sa mga bakanteng upuan.

"May kasalang magaganap dito" sabi naman ni Teddy kina Vhong.

"Kasalan? Sinong ikakasal? Ikaw Jhong?" tanong ni Billy.

"Hindi ako. Nakita mo namang naka pang-pari akong damit so malamang na hindi ako ang ikakasal" explain ni Jhong.

"Kung hindi ikaw, eh sino?" tanong pa ni Billy.

"Sino pa ba? Eh di si Ion" sabi ni Jhong at tinuro ako.

"Talaga Ion? Kanino naman?" tanong ni Karylle sakin.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi pa kasi dumadating sina Anne, kasama kasi nila yung taong pakakasalan ko" sabi ko naman sa kanila.

"Hanep sa 'pakakasalan' tol! Parang totohanan na eh" sabi ni Vhong kaya tinukso naman nila ako.

"Oh andito na pala sila eh" sabi ni Jhong kaya napatingin sila sa may entrance maliban sakin. Nanatili akong nakayuko dahil baka ibang tao ang tinutukoy nilang dumating.

"Anong meron dito? Bakit andito kayong lahat?" napatingin naman ako sa tinitingnan nila nang marinig ko ang boses na yun.

Siya ba? Siya ba yung pakakasalan ko?

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon