Chapter 18

1K 53 25
                                    

ION'S POV

"Anong meron dito? Bakit andito kayong lahat?" maarteng tanong ni Tasha at tiningnan kami isa-isa.

"Siya na ba yung napili niyo, Anne?" tanong ni Jhong kina Anne na hindi man lang nag-atubiling sagutin ang tanong ni Tasha.

"Of course not" sagot naman ni Anne at umupo sa tabi ni Vhong.

"Eh nasaan na?" tanong uli ni Jhong sa kanya.

"Hoy Anne! Sabi ko antayin niyo ko pero iniwan niyo pa rin ako dun. Bruha talaga kayo!" napatingin naman kami sa taong papalapit sa amin.

"Andito na pala siya eh" sabi ni Anne at lumapit kay Vice na naka-kunot pa rin ang noo.

"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?" naguguluhang tanong ni Vice kaya pinaliwanag naman sa kanya ni Anne ang lahat-lahat.

"So ako yung napili niyong pagtripan? Mga hinayupak kayo!" sabi ni Vice at tumingin sakin.

"Ang dami mong satsat, Viceral. Halika na nga, pakasal na tayo!" sabi ko at lumapit sa kanya.

"Ayses! Bet na bet ni bakla!" tukso ni Anne kaya pinandilatan naman siya ni Vice.

"Ang lakas ng amats niyo, jusko!" sabi ni Vice at pumunta na sa harapan kaya sumunod na rin ako.


VICE'S POV


Matapos ang walang kwentang seremonya ni Jhong, pinagharap na niya kami ni Ion.

"I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the ----- teka, may bride ba?" asar pa sakin ni Jhong.

"Unggoy kang hayop ka, Jhong!" sabi ko naman sa kanya kaya nagtawanan sila.

"Di naman 'to mabiro. Lait agad. Sige na, you may now kiss the horse este the bride. Pero sa cheeks lang pwede ha" sabi ni Jhong samin.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Ion ang dalawa kong pisngi kaya napatingin ako sa kanya. Lord, di ko pa nga nararanasang mag-debut pero ngayon, kasal na ko. Char HAHAHA!

Namamawis na yung mga kamay ko kaya pasimple ko itong pinunas sa pants ko. Ang salaula ko! Grabe! Kinakabahan na ko ng bonggang-bongga.

Kumalma ka nga, Viceral!

Nang maramdaman kong dumampi na sa pisngi ko ang labi ni Ion, parang biglang nanghina ang mga tuhod ko. Nakita ko namang ngumiti si Ion sakin kaya pinilit ko ring ngumiti pabalik sa kanya. Para akong natatae na ewan.

"Mabuhay ang bagong kasal este 'kunwaring' ikinasal!" sigaw ni Vhong kaya nagpalakpakan naman sila.

"Honeymoon! Honeymoon!" sabay-sabay nilang sabi na may kasama pang palakpak.

"Mga siraulo!" natatawang sabi ni Ion sa kanila. Napakapit naman ako ng mahigpit sa braso ni Ion ng makaramdam ako ng hilo.

"Vice? Vice, okay ka lang ba?" tanong ni Ion. Napailing naman ako sa kanya.

"Nahihilo ako" sabi ko sabay hawak sa ulo ko.

"Vice? Uy, teka-----" di ko na narinig ang sumunod na sinabi niya dahil nawalan na ko ng malay.

**********

Pagmulat ng mata ko, puting ceiling agad ang bumungad sakin.

"Gising na si Vice!" rinig kong sabi ni Ryan kaya lumapit naman sila sakin. Napag-alaman kong nasa clinic ako dahil sa itsura ng paligid ko.

"Okay ka na ba, Vice?" nag-aalalang tanong ni Billy. Tumango naman ako sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit bigla kang nahilo?" sunod-sunod na tanong ni Ion.

"Kakatapos niyo lang ikasal tapos nahilo ka agad. Baka naman buntis ka na, Vice?" asar na tanong ni Jhong.

"Oo nga. Basta ninong at ninang kaming lahat ha" nakangiting sabat naman ni Mariel.

"Mga siraulo kayo! Di kasi ako nakakain kanina ng breakfast at lunch kaya siguro nahilo ako" paliwanag ko naman sa kanila.

"Dapat kumain ka sa tamang oras, Vice. Kinabahan kaya kami kanina sa nangyari sayo" sabi pa ni Ion.

"Eh sobrang busy kasi kanina" pangangatwiran ko naman sa kanya.

"Kahit sobrang busy ka, dapat di mo pa ring makalimutang kumain. Ayokong magkasakit ka, asawa ko" nakangiting sambit ni Ion.

Ano daw? Asawa ko? I'm gonna die!

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon