Chapter 5

1.2K 51 10
                                    

VICE'S POV

It's already Christmas Vacation. Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatitig sa ceiling ng kwarto ko. Matapos ang Basketball Tournament, back to regular class agad kami. Tambak na requirements at exams ang binigay samin ng mga teachers namin. Super haggard talaga ako for the past two months kaya mabuti nalang at makakapagpahinga na ako ngayong bakasyon.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang may kumatok.

"Vice? Nasa baba ang mga kaibigan mo" rinig kong tawag ni Mama. I forgot to say na nandito na sina Mama and Papa. Nung isang araw lang sila dumating and they will stay here hanggang New Year's Eve.

"Bababa nalang po ako ako" I answered. Tumayo na ako at inayos muna ang sarili ko bago lumabas. Pagdating ko sa baba, nakita kong kumpleto sila including Jugs, Teddy, Mariel and Eruption.

"Ano'ng namang ginagawa niyo dito?" tanong ko at isa-isa silang tiningnan. Nang dumapo ang paningin ko kay Ion, nakita kong ngumiti ito sakin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Visiting you" maikling sagot ni Jhong.

"Visiting me or visiting my parents para manghingi ng pasalubong?" mataray kong sabi sa kanila.

"Hindi naman kami ganun, brad" sabi ni Vhong.

"Ano'ng hindi? Eh ano yang mga hawak niyo? Hindi ba yan galing kina Mama?" sabay turo ko sa mga hawak nilang pasalubong.

"Eh binigay ni Tita alangan namang tanggihan namin" sabi naman ni Ion.

"Tss. Ang sugapa niyo sa pasalubong" sabi ko sabay upo sa tabi ni Mariel.

"Atsaka nandito kami to inform you na we will go on a vacation!" sabi ni Anne sabay wagayway ng mga kamay niya sa ere.

"Vacation? Magbabakasyon kayo?" napatingin kami sa may pintuan ng may nagsalita. Nakita namin sina Mama at Papa na papalapit samin.

"Yes po, Tita. And gusto po sana naming isama si Vice if okay lang po sa inyo" sabi ni Mariel.

"Saan naman kayo magbabakasyon?" tanong ni Papa.

"Somewhere in Batangas po. May townhouse po kasi ang Tito ko dun at nakapagpaalam na po ako sa kanya na magbabakasyon kaming magkakaibigan dun" paliwanag ni Karylle.

"Ilang araw naman kayo doon?" tanong pa ni Papa.

"1 week po Tito at balak po sana naming bukas na pumunta para by 21 or 22 eh nandito na kami" sabi ni Vhong.

"Alright. Basta mag-ingat kayo dun and take good care of my unico hijo este, my UNICA HIJA" biro ni Papa at nagtawanan naman 'tong mga damuhong 'to.

"Thank you Ma! Thank you Pa!" sabay yakap ko sa kanilang dalawa.

"No problem, dear. Maiwan na muna namin kayo at may lakad pa kami" paalam ni Mama samin.

"Bye Tito! Bye Tita" sabay-sabay na paalam nila.

"So anong plano niyo ngayon?" baling ko sa kanila ng makaalis na sina Mama.

"Movie Marathon nalang tayo sa kwarto mo. Ang boring sa bahay eh" sabi ni Teddy.

"So dito sa bahay namin naaaliw kayo? Bakit? Peryahan ba 'to dito? Mga damuho kayo!" pagtataray ko sa kanila.

"Ang sungit naman ng bestfriend ko. May buwanang-daloy ka ba ngayon?" sabi ni Ion habang tumataas-taas pa ang mga kilay.

"Gag*!" sabi ko sabay bato ng throw pillow na hawak ko sa kanya. Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko.

"Joke lang. Tara na kasi sa kwarto mo" sabi ni Ion at lumapit sakin sabay hawak sa braso ko.

"Teka! Ano'ng gagawin niyong DALAWA sa kwarto niya?" malisyosang tanong ni Anne at talagang in-emphasize ang salitang dalawa. Bruha talaga!

"Magma-marathon" sagot naman ni Ion.

"Anong marathon yang pinagsasabi mo diyan?" gulat kong tanong kay Ion.

"Movie Marathon. Bakit? Anong marathon ba yung iniisip mo?" nakangising tanong ni Ion.

"Wala. Umakyat na nga tayong LAHAT" sabi ko at talagang binigyang-diin ang salitang lahat. Nagpaumuna na akong maglakad papunta sa kwarto ko dahil pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko ngayon.

My god, Vice Marie! Napakaberde ng utak mo. Umayos ka nga! Baka mahalata kang may gusto ka sa kaniya. Jusko!

—•—

HAPPY NEW YEAR, GUYS! LET'S STAY HAPPY THIS 2020. KEEP ON SUPPORTING VICE AND ION. THANK YOU ALSO FOR READING MY STORY. STAY STRONG SATING LAHAT!

~KahelAtRosas

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon