Chapter 16

1K 49 13
                                    

VICE'S POV


"You know what, napakasaya mong kasama" sabi sakin ni Zanjoe. Kasama ko siya ngayon dito sa table sa isang Japanese Restaurant. Kanina kasi habang hinihintay ko si Ion at ang mga pagkaing inorder ko para samin, nakita niya ko dito and he approached me.

"Ikaw rin naman eh" nakangiting sabi ko naman sa kanya.

"Can I ask you---" biglang naputol ang dapat na sasabihin ni Zanjoe ng biglang may tumikhim kaya napalingon ako sa likod ko at tumambad samin si Ion na seryosong nakatingin saming dalawa.

"Nandito ka na pala, Ion. By the way, si Zanjoe, remember him?" tanong ko kay Ion. Nakita ko namang tumango lang siya. Anyare sa kanya?

"Ah Vice, mauna na ko. Baka hinihintay na ko ng mga friends ko eh. See you around!" sabi ni Zanjoe kaya I bid goobye to him. Tahimik namang umupo si Ion sa pwesto kanina ni Zanjoe.

"Uy, bakit ang tahimik mo yata ngayon?" tanong ko kay Ion ng mapansing di siya kumikibo.

"Wala pa ba yung pagkain?" nakayuko niyang tanong without even answering my question.

"Ah yun ba, eto na siguro yun" tukoy ko sa waiter na may dalang mga pagkain na papunta sa direksiyon namin. Nang mailapag na ang lahat ng inorder namin, sinimulan na naming kainin ang mga ito.

Akala ko magiging okay na ulit si Ion pag nakakain na siya pero nagkamali ako dahil hanggang sa natapos kaming kumain, nakabusangot pa rin siya.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya nang matapos na kaming kumain.

"Wala" maikling sagot niya.

"Eh bakit di ka makatingin sakin? Dahil ba 'to kay Zanjoe? Nagseselos ka ba sa kanya?" mukha naman siyang nagulat dahil napatingin siya sakin. Maski ako ay nagulat rin sa nasabi ko pero wala na kong magagawa para mabawi ito kaya kailangang panindigan ko.

"B-bakit naman ako magseselos?" sambit niya ng nakakunot ang noo.

"Aba'y ewan ko sayo. Sabihin mo na kasi sakin kung anong bumabagabag sayo" pamimilit ko pa sa kanya.

"Wala nga. Tumayo ka na diyan at uuwi na tayo" sabi niya at tumayo na pero nanatili pa rin akong nakaupo. Hindi naman kami nakakaagaw ng atensiyon ng mga taong nasa loob ng restaurant dahil nasa dulo ang table namin.

"Ayoko. Hindi ako tatayo dito hangga't di tayo nagkakaayos" sabi ko at umiwas ng tingin.

"Oo na" napatingin naman ako sa kanya ng bigla niyang sabihin yun.

"Anong sinasabi mo diyang 'oo na'?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Oo na, nagseselos ako kay Zanjoe" sabi niya sabay iwas ng tingin.

"N-nagseselos ka? B-bakit?" nauutal na tanong ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Posible kayang may gusto na rin siya sakin?

"Eh kasi naman lalaki yun. Baka ma-imlove ka sa kanya tapos mawalan ka na ng time sakin. Sa bestfriend mo" sabi niya habang pinupunasan ang pawis niya sa mukha gamit ang panyo niya, senyales na kinakabahan siya at nahihiya.

Ah bestfriend. Muntik ko nang makalimutang magbestfriend pala kami. Umasa pa ko. Tsk.

"Wag kang mag-alala. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko" mahinang sambit ko habang kunwaring may hinahanap sa bag ko.

"Ano yun? May sinasabi ka?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala. Sabi ko umuwi na tayo. Tara na" sabi ko at nagpaumunang maglakad palabas ng restaurant.

"Sandali lang!" tawag pa sakin ni Ion pero di ko na siya nilingon at dire-diretsong naglakad papuntang parking lot.

Buti nalang at di niya narinig yung sinabi ko. My gosh!

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon