Chapter 2

1.4K 58 8
                                    

VICE'S POV


"GO NUMBER 0! GO ION! BESTFRIEND KO YAN!" matapos kong isigaw yun ay nakita kong tumingin sakin si Ion at kumindat bago i-shoot ang bola na kung saan dito  nakasalalay ang kanilang pagkapanalo.

"3 POINTS FOR TEAM SLU!" nagtatalon lahat kami sa tuwa dahil nashoot ni Ion ang bola na naging dahilan ng pagkapanalo ng Team SLU laban sa kalabang school sa score na 112-110.

Nakita ko namang papunta na samin ang mga players ng Team SLU kaya sinalubong ko agad si Ion ng yakap ko.

"Ang galing mo Team Captain!" sabi ko matapos kumalas sa yakap namin.

"Siyempre ako pa ba? Team Captain yata 'to" may halong pagmamayabang na sabi nito. Inakbayan naman ako nito.

"Ano ba yan! Pawis na pawis ka tapos aakbayan mo ko. Magpunas ka nga muna" sabi ko sabay abot ng towel na hawak ko.

"Ngayon mo pa talaga inintindi yung pawis ko matapos mo kong yakapin kanina" sabi niya habang nagpupunas ng pawis. Inalis ko naman ang pagkaka-akbay niya sakin.

"Che! Bumalik ka na nga dun. May awarding pa oh" sabi ko sabay turo dun sa mga kagrupo niya na nasa gitna na ng court.

"Sige. Balik ka na rin dun" sabi niya at  naglakad na papunta sa gitna. Bumalik na rin ako sa pwesto ko.

"Alam mo sis, kung di lang alam ng karamihan dito na magbestfriend kayo, they will surely think that the both of you are in a relationship. That you are couple. Ang sweet niyo dun kanina eh" sabi ni Anne na nakatingin kay Ion.

"Alam mo ikaw, bakit di ka nalang kaya maghanap ng jowa mo? Maghanap ka na para matuon naman sa ibang tao yang pansin mo" sabi ko sa kanya.

"Siyanga pala, saan ang celebration mamaya?" dagdag kong tanong sa kanya.

"Ewan ko. Sina Karylle yung kumausap kay Coach kanina eh" sabi nito sabay turo kina Karylle na papalapit na samin.

"Karylle, saan celebration mamaya?" tanong ko kay Karylle na paupo na sa tabi ni Coleen.

"Dun daw sa M&M's Club. Malapit lang dito sa school" sagot niya.

"Club? Baka di tayo papasukin niyan. Minors palang tayo eh" tanong ko sa kanila. Baka talaga hindi kami papasukin  niyan. 4th year highschool palang kasi kami, just so you know.

"Don't worry Vice, M&M's Club is open for minors. And besides, hindi naman lahat ng sini-serve nila are hard drinks kaya no worries" sabi ni Coleen and I felt relieve somehow.

"Okay then. Dun tayo sa club na yun. My gosh! This is my first time to go in a club!" I said with full of excitement.

"Ikaw naman kasi, you don't go with us sa mga clubs na pinupuntahan namin" Karylle said.

"Alam niyo naman kasing di ako pinapayagan noon ni Mama. Eh buti nga ngayon, okay na sa kanyang sumama-sama ako sa mga lakad niyo" sabi ko sa kanila.

"Speaking of your mom, nakauwi na ba sina Tita?"  Anne asked.

"Next week pa sila makakauwi ni Papa and I can't wait na makita sila ulit" I said. May Casino Business kasi kami sa Los Angeles kaya mas madalas sila Papa dun and umuuwi lang sila ni Mama dito every month and they will stay for 1 week at babalik na naman sa LA. I'm an only child kaya laking pasasalamat ko na dumating ang mga kaibigan ko sa buhay ko kasi kahit papaano naramdaman ko na may kapatid ako.

"Kami rin. Excited na kaming makita sina Tita" sabi ni Coleen.

"By the way, tatawagan ko muna si Mama. Papaalam lang ako" sabi ko at tumayo na. Lumabas muna ako ng gym at dun tinawagan si Mama. After 3 rings ay sinagot niya agad ito.

"Hello Ma!"

(Yes dear? Do you need anything?)

"Magpapaalam lang sana ako. Pupunta kasi kami mamaya sa Club para i-celebrate ang pagkapanalo ng school namin for this year's Basketball Tournament. Don't worry, open naman for minors yung club. And guess what Ma? MVP si Ion!"

(Oh really? Sige. You can go with them. And kindly send my regards to Ion)

"I will Ma. Thank you and I love you. Bye"

(I love you dear. Take care)

Matapos kong ibaba yung tawag ay napagdesisyunan kong bumalik na sa loob. Pero di pa ako nakakarating sa may pintuan, nakita ko na silang papalabas kaya pinili ko nalang maghintay sa labas.

"Oh tara na! Nandiyan na pala yung van eh" sabi ni Jhong at tinuro ang likuran ko. Pagtingin ko ay nandun na ang van ng Team SLU at isa pang van na pagmamay-ari nina Billy. Nagsimula nang pumasok ang iba sa loob. Papasok na sana ako ng pigilan ako ni Ion.

"Teka Vice, nagpaalam ka na ba kina Tita?" tanong nito.

"Yeah. And also, she wants to congratulate you, Mr. MVP!" I said with a smile on my face.

"Pati yun sinabi mo?" tanong niya.

"Yes and why not?" sagot ko.

"Ikaw talaga. Halika na nga", sabi niya at sumakay na kami sa van nina Billy.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon