Chapter 35

1.3K 54 7
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Nakakabwisit! Nakakabwisit!" bubulong-bulong na sabi ni Vice.

"Pwede bang umupo ka muna? Kanina pa ko nahihilo sayo eh!" inis na sambit ni Anne sa kanya.

Kanina pa kasi ito pabalik-balik sa paglakad at mistulang may bumabagabag sa kanya kaya hindi niya makalma ang sarili.

"Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" kunot-noong tanong ni Anne sa kanya.

Nasa bahay ni Vice si Anne at mag-isang tumatambay dahil sobrang bored siya sa bahay nila.

"Si Ion kasi eh!" sagot ni Vice at sa wakas ay umupo na rin sa tabi ni Anne.

"Oh anong meron kay Ion ngayon?" naguguluhan paring tanong ni Anne.

"Ilang araw na kasi siyang di nagpaparamdam. Ni walang tawag or text man lang. Nakakabwisit!" naiinis na sambit ni Vice.

Naiiling nalang si Anne dahil halata namang nami-miss lang ng kaibigan ang kanyang manliligaw.

Umuwi kasi si Ion sa probinsiya ng Mama niya sa Bohol dahil may pinapaasikaso ito sa kanya. Nangako itong tatlong araw lang siya doon at babalik agad ng Manila pagkatapos.

"Eh nasa Bohol nga siya diba?" nauubusan ng pasensyang sabi ni Anne.

"Sis, tapos na ang tatlong araw na bakasyon niya dun at dapat nandito na siya ngayon. Eh bakit wala pa siya?" sabi pa ni Vice.

"Hindi siya nagbabakasyon, may ginagawa siyang importante kaya siya pumunta ng Bohol. And one more thing, matuto kang maghintay kasi malay mo pauwi na yun ngayon" sabi ni Anne sa kanya. Hindi na niya makaya ang pag-iinarte ng kaibigan kaya tumayo na siya at kinuha ang bag niya.

"Oh, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Vice dahil sa pagtayo ni Anne.

"Uuwi na. Nakakabwisit yang kaartehan mo. Hindi na sana umuwi si Ion para mamatay ka sa lungkot!" sabi ni Anne at dali-daling tumakbo palabas dahil alam niyang babatuhin siya ni Vice ng tsinelas kapag nagkataon.

"Ang sama ng ugali mo!" sigaw ni Vice sa kanya.

Nang maiwang mag-isa si Vice, binalot siya ng lungkot kaya napagdesisyunan niyang umakyat nalang sa kwarto niya at binuksan ang TV doon at nanood.

Ilang ulit niyang pinalipat-lipat ang channel ngunit wala paring makakuha sa atensiyon niya.

Maya-maya lang ay narinig niyang may kumatok sa pinto kaya tumayo siya at binuksan ito. Tumambad sa kanya si Manang na may dalang bouquet ng tulips.

"Vice, may nagpapabigay sayo" sabi ni Manang at iniabot sa kanya ang bulaklak.

Nagtataka man ay kinuha agad ni Vice ang bulaklak nang iabot ito sa kanya.

"Kanino po galing, Manang?" nagtatakang tanong ni Vice sa kanya.

"Hindi ko alam basta dineliver lang yan dito" sabi ni Manang.

"Ah ganon po ba? Sige po. Salamat!" sabi ni Vice at sinara agad ang pinto nung umalis na si Manang.

Habang pinagmamasdan niya ang bulaklak, tumunog naman ang cellphone niya. Nilagay niya muna ang bulaklak sa mesa bago tinungo ang kama at kinuha ang cellphone niya.

Agad na kumunot ang noo niya ng makita ang pangalan ni Ion sa Caller ID.

(Hello Vice?)

"Mabuti naman at naisipan mo pang magparamdam sakin"

(Sorry na po. Medyo na-busy lang kaya ganun)

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon