Chapter 22

1.1K 49 2
                                    

THIRD PERSON'S POV


Mag-aalas-diyes na ng umaga nang makarating ang magkakaibigan sa resort na sinasabi ni Teddy sa Pampanga. Dumiretso muna sila sa kani-kanilang mga kwarto sa hotel upang makapagpahinga. Kagaya noon, ang mga babae, kabilang si Vice, ay nasa iisang kwarto habang ang mga lalaki naman ay hinati sa dalawang silid. Hindi rin ganoon kadami ang gamit na dala nila dahil bukas na bukas din ay uuwi na sila.

Magtatanghali na nang lumabas sila upang kumain ng tanghalian. Pagkarating nila sa restaurant ng hotel, dumiretso agad sila sa table na pinareserve ni Teddy para sa kanila kung saan naghihintay na ang mga pagkain.

"Oh kain na agad para makaligo na tayo!" sabi ni Jhong nang makaupo na sila.

"Nagdahilan ka pa eh alam naman naming gutom na gutom ka na" kantyaw ni Vice sa kaibigan na nagsimula ng kumain.

"Hinay-hinay lang Kuys para di mahalatang gutom na gutom ka na" sabi ni Billy na pinipigil ang pagtawa sa harap ng kaibigan.

"Eh gutom na nga ko. Di na kasi ako nakakain ng agahan dahil sa pagmamadali ninyong mga hayop kayo!" paliwanag naman ni Jhong matapos lunukin ang pagkaing nasa bibig niya.

"Ewan ko sayo, Jhong. By the way Teddy, may club ba dito?" tanong ni Eruption matapos maglagay ng pagkain sa kanyang plato.

"Meron naman. Bakit?" sagot ni Teddy sa kaibigan.

"Punta tayo dun mamaya para makapag-unwind naman tayo. Celebration na rin dahil nakagraduate na tayo sa highschool" sabi ni Eruption na halatang excited ng pumunta sa club.

"Baka di tayo makapasok?" tanong naman ni Jugs.

"Para saan pa at naging pamangkin ako ng may-ari diba?" nakangising sambit ni Teddy.

"Yabang mo ah!" sabi ni Ryan at napuno naman ng tawanan at asaran ang mesa nila hanggang sa natapos sila kumain.

**********

Papalubog na ang araw nang umahon sila mula sa dagat. Matapos makapagpalit ng damit, dumiretso agad si Vice sa tabing-dagat upang panoorin ang paglubog ng araw kagaya ng nakagawian niya sa tuwing pupunta sila sa beach.

"Lalim ng iniisip ah" napatingin naman siya sa taong nagsalita at nakita si Anne na nakangiting nakatingin sa kanya.

"Medyo" maikling sagot ni Vice at binalik ang tingin sa mapayapang dagat.

"Ano na namang iniisip mo? Yung bestfriend mo?" tanong ni Anne na nakatingin na rin sa papalubog na araw.

"Oo. Iniisip ko kasi na baka kailangan ko ng sabihin sa kanya yung totoo para di na ko mahirapan ng ganito" napatingin naman si Anne sa kaibigan ng sabihin niya ito.

"Are you sure?" naninigurong tanong ni Anne. Hindi niya maiwasang kabahan at matakot para sa kaibigan dahil maaaring maging dahil ito upang mawasak ng tuluyan ang puso nito.

"Yes, I'm already sure about this. Handa na kong harapin ang mga bagay na maaaring mangyari kapag ginawa ko 'to. Kung masaktan man ako, atleast sinubukan ko" napabuntong-hininga nalang si Vice ng maisip ang magiging resulta kung sakaling umamin na siya.

"Well, it's your choice anyway. Just always remember that I'm always here for you no matter what happen. And also, promise me na kung ano man ang mangyari dapat kayanin mo. Wag kang magpapadala sa sakit" hindi naman mapigilan na maiyak ni Vice nang makitang umiiyak na rin ang kaibigan. Niyakap niya ito ng mahigpit upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.

"I will, Anne. I promise you na kakayanin ko yung sakit. Thank you and I love you" sambit ni Vice sa kaibigan na nakayakap na rin sa kanya.

"I love you, too Sis!" sabi ni Anne at kumalas na sa pagkakayakap nila. Natawa naman silang dalawa nang mapagtanto ang naging reaksiyon nila.

"Ang OA natin HAHAHA!" natatawang sambit ni Anne.

"Ikaw kasi nauna eh. May paiyak-iyak ka pa, naiyak na rin tuloy ako" sabi naman ni Vice. Pinunasan na nila ang kanilang mga luha at inayos ang kanilang sarili nang mapansing nakatingin na sa kanila ang ibang tao.

Kasabay ng paglaho ng sikat ng araw ay siya ring paglaho ng liwanag at saya sa puso ni Vice dahil sa gagawin niyang desisyon, ang pag-amin sa kaibigan niyang matagal na niyang minamahal, si Ion.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon