Chapter 21

1.1K 48 10
                                    

THIRD PERSON'S POV


"WOHOO! GRADUATE NA TAYO!" sigaw ng halos lahat ng estudyante sabay bato ng mga toga nila sa ere, simbolo ng pagtatapos nila ng highschool.

Bakas sa mga mukha ng mga estudyante ang labis na kasiyahan lalong-lalo na ang grupo nina Vice na kasalukuyang nagkakatuwaan sa isang sulok.

"Graduate na tayo ng highschool pero yang mukha mo Vice, ang panget pa rin HAHAHA" nagtawanan naman ang magkakaibigan dahil sa sinabi ni Vhong.

"Eh ikaw nga diyan, mula pagkabata hanggang ngayon, yang ilong mo pango pa rin. Try mo kayang lagyan ng fertilizer baka sakaling tumubo" ganting asar naman ni Vice kay Vhong na napahawak nalang sa ilong niya.

"Tama na nga yan. Baka may masira pang pagkakaibigan dito eh" natatawang saway ni Jhong sa mga kaibigan niya.

"Asuss! Natatakot ka lang na okrayin namin yang make-up mo na parang last day mo na ngayon sa mundo" pang-aasar naman ni Vice kay Jhong. Natigil naman ang asaran ng lumapit sa grupo nila ang kanilang adviser na si Sir Lopez.

"Hi guys! Congratulations to all of you!" bati ng guro sa kanyang mga estudyante.

"Thank you Sir!" halos sabay-sabay namang pasasalamat nila.

"By the way, are you ready para sa party mamaya?" tanong ng guro patungkol sa party na gaganapin mamaya para sa mga nagsipagtapos.

"Yes po, Sir. We assure you na present po kaming lahat mamaya" nakangiting sagot ni Karylle sa guro nila.

"Asahan ko yan ah. And also, I want to congratulate you, Mr. Valedictorian and also Mr. or should I say Ms. Salutatorian. Keep up the good work, guys! Kita nalang tayo mamaya sa party" bati ni Sir Lopez kay Ion na Class Valedictorian at kay Vice na Salutatorian naman ng batch nila.

Nang makaalis na si Sir Lopez, naghiwa-hiwalay na rin ang magkakaibigan para makauwi na at ng makapaghanda sa party mamaya.

**********

Nagkakatuwaan at nagkukuwentuhang mga estudyante at guro ang bubungad sayo kapag pumasok ka sa garden ng St. Luke University kung saan kasalukuyang ginaganap ang party. Mabuti nalang at maganda ang panahon kaya hindi nagkaroon ng problema.

Nagsimula na ang party ng makarating ang grupo nila Vice sa event kaya umupo agad sila sa bakanteng table na una nilang nakita. Matapos nilang kumain ng mga hinandang pagkain sa Buffet Table, kumuha agad sila ng inumin at nagsimula ng mag-inuman. Maya-maya lang, nagpatugtog ng up-beat song kaya nagsimula ng magkaroon ng kumpol ng mga taong nagsasayawan sa gitna.

"Tara guys, sayaw tayo" yaya ni Billy sa mga kaibigan na nagsitayuan na rin maliban kay Vice.

"Tara na Vice. Tumayo ka na diyan" yaya ni Ion kay Vice na nanatili pa ring nakaupo.

"Hindi na. Kayo nalang ang pumunta dun" sabi naman ni Vice kaya wala ng nagawa ang mga kaibigan niya kundi iwan siyang mag-isa sa table nila.

Pinili ni Vice na magpaiwan nalang dahil nakakaramdam na siya ng hilo dulot ng alak na iniinom nila. Dagdag pa rito ang kabang nararamdaman niya magmula ng makarating sila sa party.

Aamin na ba ko ngayon kay Ion? Pero baka i-reject niya ko. Hindi pwedeng masira ang pagkakaibigan namin.

Napailing nalang si Vice dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan niya. Kinuha niya ang alak na nakapatong sa table nila at nilagyan ang baso niya at tinungga ito. Napapikit nalang siya dahil sa pait ng lasa nito.

Pagkabalik nina Anne, nakita nilang nakayuko na si Vice sa table nila. Napansin niya rin na kaunti nalang ang laman ng bote ng alak na nakapatong sa mesa. Nilapitan ni Anne si Vice at niyugyog ang balikat nito upang magising.

"Sis? Are you still okay?" kunot-noong tanong ni Anne. Napaangat naman ng ulo si Vice at tiningnan si Anne.

"Oo, okay pa *hik* ako. Nashaan shi *hik* Ion?" tanong ni Vice na namumungay na ang mga mata.

"Bakit?" napatingin naman si Vice kay Ion ng bigla itong magsalita at tiningnan siya ng seryoso.

"May shashabihin *hik* ako shayo. Importante 'to *hik* kaya makinig ka" panimula ni Vice. Kinabahan naman si Anne sa sasabihin ng kaibigan kay Ion.

"Spill it" sabi ni Ion kay Vice at umupo paharap sa kanya.

"Alam mo bang ma-----" hindi na natuloy ni Vice ang sasabihin niya ng takpan ni Anne ang bibig niya.

"Naku Ion, sorry. Lasing na kasi 'tong Sisteret ko kaya kung ano-ano ng pinagsasabi. Iuuwi ko nalang muna siya" sabi ni Anne at pinatayo na si Vice na medyo nakapikit na ang mga mata.

"Auh sige. Tulungan na kita" sabi ni Ion at kinuha si Vice mula sa pagkakahawak ni Anne at binuhat ito in a bridal style papunta sa parking lot. Nang makarating sa harap ng van ni Anne, pinasok na nita ito at siniguradong maayos ang pwesto nito bago nagpaalam kay Anne at umalis na. Sinabi naman ni Anne sa driver niya na pumunta muna sa bahay nina Vice upang maiuwi ang kaibigan.

"Ikaw talaga sis, mabuti nalang at napigilan kita kung hindi, pagsisisihan mo talaga yang kagagahan mo bukas. Kastress ka!" pagkausap ni Anne kay Vice na ngayon ay mahimbing ng natutulog.

—•—

A/N: Bumalik na utak ko kaya may update na HAHAHA. Please tell me also kung ano ang mas maganda, kung nakasulat ba sa Third Person's POV or yung POV ni Ion at Vice. Need your opinion guys. Comment nalang po :)
Thank you for reading!

~KahelAtRosas

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon