Chapter 33

1.3K 60 13
                                    

VICE'S POV




"Vice, mahal kita" pakiwari ko'y parang tinakasan na ng dugo ang mukha ko ngayon dahil sa pagkaputla nito.

Vice, mahal kita.
Vice, mahal kita.
Vice, mahal kita.
Vice, mahal kita.
Vice, mahal kita.

Hindi ko inaasahang darating ang araw na maririnig ko ito mula sa kanya.

"A-ano? Tama ba yung narinig ko? M-mahal mo ko?" hindi parin makapaniwalang tanong ko.

Hindi pa naman siguro ako nababaliw para makarinig ng mga ganung salita mula sa kanya.

"Oo, mahal kita, Vice. Mahal na mahal kita at pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabi sayo ito" sabi niya at sa pagkakataong ito, sigurado na kong tama ang narinig ko mula sa kanya.

Pero bakit parang may pangamba parin akong nararamdaman?

"M-mahal mo ko? Sigurado ka ba diyan sa nararamdaman mo? Baka sinasabi mo lang yan para hindi na ko umalis at manatili na lamang dito" paninigurado ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin maproseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Hindi. Totoong mahal kita, hindi bilang kaibigan o kung ano paman. Mahal kita kasi mahal kita at hindi ko alam kung paano basta't ang alam ko, totoo 'tong nararamdaman ko para sayo" aniya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Ion, baka nabibigla ka lang" nahihirapang sabi ko sa kanya. Mahirap pa namang umasa sa wala.

"Vice, maniwala ka naman. Hindi ko alam kung paano at kailan 'to nagsimula basta naramdaman ko nalang 'to nung nasa Bohol ako. Walang araw na lumipas na hindi ka naging laman ng isip ko. Mahal na mahal kita, Vice. Ikaw, mahal mo pa ba ako?" tanong niya kaya napatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Oo, mahal pa kita at kahit kailan hindi nabawasan yun kahit nung umalis ka pa. Ikaw parin Ion. Ikaw lang at wala ng iba" sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Mahal na mahal rin kita, Vice. Hinding-hindi magbabago yun" sabi niya at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Ibig sabihin ba nito, hindi ka na aalis papuntang LA?" tanong niya at kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Gustuhin ko man pero hindi na pwede. Matagal na kasing hinihiling sakin nina Mama 'to at gusto ko na rin itong tuparin para maging masaya sila" nakayukong sambit ko. Narinig ko naman ang malalim niyang buntong-hininga na nagdala ng kaba sa dibdib ko.

"Kung ganun, kailan ka aalis?" sabi niya at hinawakan ang baba para tumingin ako sa mga mata niya.

"T-two weeks from now" halos magkanda-utal-utal na sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Bakit parang ang bilis naman yata?" kunot-noong tanong niya sakin.

"Eh dadalaw parin naman ako sa inyo pag may time ako. Wag ka ng bumusangot diyan. Pumapangit ka eh" sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakita ko namang ngumiti na rin ito kaya niyakap ko siya agad at niyakap naman ako nito pabalik.

Sa gitna ng pagyayakapan namin, biglang sumagi sa isipan ko ang isang bagay na gusto ko ring malaman.

"Pero paano si Tanya?" tanong ko at kumalas sa yakapan namin.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ba't gusto niyo ang isa't isa?" sabi ko sa kanya.

"Saan mo ba nakuha yang mga pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami ni Tanya. Ikaw talaga, kahit kailan ang dumi-dumi ng utak mo" sabi niya at ginulo ang buhok ko kaya tinapik ko naman ang kamay niya.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon