Chapter 36

1.1K 47 1
                                    

Hi there! It's been a long time since my last update and sorry for that. But anyways, here's an update for all of you at dahil wala na naman kaming pasok, try kong mag-update ng mas madalas para sa inyo. And also, keep safe everyone. Team Bahay muna tayo ngayon dahil sa COVID19. Praying for everyone's safety! Ingat palagi!

~KahelAtRosas

—•—

THIRD PERSON'S POV

"Uy! Wag niyong kakalimutang pumunta dito mamaya ah" sabi ni Vice sa kanyang mga kaibigan.

Naka-conference call siya ngayon sa mga ito.

(Oo nga. Ilang ulit mo na yang pinapaalala samin eh) - Vhong

(Tiyaka pwede ba naman naming makalimutan yun eh yun na yung huli nating bonding bago ka umalis) - Karylle

"Baka lang naman kasi makalimutan niyo. Sige na, ibaba ko na 'to. Kailangan ko pa kasing maghanda. Bye!" ani Vice at ibinaba na ang tawag matapos makapag-paalam sa kanila.

Bumaba na siya at pumunta sa kusina kung saan busy sina Manang sa pagluluto para mamaya.

Sa makalawa na kasi aalis si Vice patungong Los Angeles at nagrequest ang mga kaibigan niyang magkaroon ng despidida party para sa kanya kaya kahit ayaw niya, ginawa pa rin niya ito.

"Vice, anong ginagawa mo dito? Doon ka nalang muna sa kwarto mo at maghanda para mamaya" sabi ni Manang nang makita siya nitong pumasok sa kusina.

"Mamaya pa naman po yun. Tiyaka pumunta lang po ako dito para kamustahin kayo" sabi ni Vice at tiningnan ang mga niluluto.

"Ay naku! Wag mo na kaming alalahanin. Kami ng bahala dito" sabi ni Manang sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi bumalik nalang muna sa kwarto niya.

Dahil wala namang magawa si Vice, napagdesisyunan niyang pumunta nalang sa walk-in-closet niya at mamili ng susuotin niya para mamaya.

Ano bang dapat kong suotin mamaya?

Habang seryosong namimili sa mga damit niya sa isang cabinet, bigla niyang napansin ang isang kulay kahel na kahon na nakatago sa sulok.

Dahil sa kuryosidad niya, kinuha niya ito at binuksan. Bakas sa kanyang mukha ang gulat ng tumambad sa kanya ang isang kwintas.

Isang kwintas na nagpaalala sa kaniya ng isang malungkot na alaala.

FLASHBACK

Humahangos si Vice ng dumating sa harap ng bahay nina Ion.

"Oh Vice, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah" bungad sa kanya ng guard ng bahay nina Ion.

"Kuya, nandiyan pa po ba sina Ion?" tanong ni Vice.

Galing pa siya sa school nila at dumiretso agad kina Ion kaya hindi na siya nakapagpalit ng damit at naka-uniform parin.

"Oo pero paalis na sila eh" sagot naman ng guard sa kanya. Nagsimula namang pumatak ang mga luha ni Vice dahil totoo palang aalis na sina Ion.

"Kuya, pwede po ba kong pumasok. Kailangan ko lang pong makausap si Ion" pagmamakaawa ni Vice.

Naawa naman ang guard sa kanya dahil hindi na mahinto sa pagdaloy ang kaniyang mga luha.

"Sige, puma---" hindi na natuloy ng guard ang kaniyang sasabihin nang kumaripas na ng takbo si Vice papasok ng bahay.

Nakita niya ang Mama ni Ion sa labas kaya pinunasan muna niya ang kaniyang mukha at inayos ang itsura niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Vice? What brought you here? Alam ba ng parents mong nandito ka?" nagtatakang tanong ng Mama ni Ion.

"Ah hindi po, Tita. Dumaan lang po ako saglit para sana makausap si Ion bago kayo umalis" sabi ni Vice habang pilit na pinipigilan ang humikbi sa harap niya.

"Ganun ba? Nandun si Ion sa kwarto niya. Puntahan mo nalang and please tell him na bilisan niya kasi baka malate kami sa flight. At ikaw, umuwi ka agad. Baka hinahanap ka na nina Rosario" sabi ng Mama ni Ion na tinutukoy ang Mama ni Vice na bestfriend niya.

Tumango naman si Vice at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ni Ion.

Pagdating niya doon, nakita niyang bukas ang pinto ng kwarto kaya dumiretso na siya sa pagpasok at doon nakita si Ion na nakatalikod at nakatanaw sa labas.

"Ion" agad namang napalingon si Ion nang sambitin niya ito.

"Vice" hindi na niya napigilan ang paghagulhol at lumapit kay Ion at niyakap ito.

"Bakit di mo sinabi sakin? Bakit ka aalis?" umiiyak na sambit ni Vice .

"I'm sorry. Ayoko lang kasi na makita kang umiyak" umiiyak na rin na sabi ni Ion.

Kumalas na si Vice sa pagkakayakap nila sa isa't isa.

"Di mo man lang sinabi sakin na aalis pala kayo papuntang Bohol. Ilang araw ba kayo dun?" tanong ni Vice at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Hindi ko alam. Pero base sa sinabi sakin ni Mama, hanggang sa matapos daw ang Medical Mission nila dun. So it will not only take days, it will take months or years" paliwanag ni Ion.

Pareho kasing Doctor ang magulang ni Ion at kung saan-saan sila pumupunta para sa Medical Mission nila at unang beses itong isasama siya ng mga ito dahil sa probinsiya ng Mama niya sila pupunta, sa Bohol.

"I'll be missing you" nakayukong sabi ni Vice.

"Me too. I will also miss you. But don't worry, may ibibigay ako sayo para di mo ako lubos na mamiss" sabi ni Ion at pumunta sa bag niya at kinuha ang isang kahong kulay kahel.

Iniabot niya ito kay Vice at tumambad sa kanya ang isang kwintas na may pendant na heart at sa loob nito ay ang picture nilang dalawa.

Kinuha ito ni Ion at isinuot sa leeg ni Vice.

"Palagi mo itong suotin para maramdaman mong nasa tabi mo lang ako" sabi ni Ion at pinaharap na ito sa kanya.

Hindi naman malaman ni Vice kung anong sasabihin sa kanya kaya niyakap nalang niya ito at umiyak sa dibdib niya.

END OF FLASHBACK

Hindi napansin ni Vice na umiiyak na pala siya matapos maalala ang pangyayaring iyon. Mas lalong dumagdag sa lungkot niya nang mapagtantong mukhang mauulit na naman ang nangyari noon ngunit ang kaibahan nga lang, siya na ang aalis at hindi si Ion. At hindi lang isang taon silang maghihiwalay ngunit higit pa doon.

Walang pagdadalawang-isip, ibinalik agad ni Vice ang kwintas sa lalagyan nito at ibinalik sa sulok ng cabinet. Inayos muna niya ang kaniyang itsura bago bumaba at nagpahatid sa driver nila patungo sa isang mall na malapit lang sa subdivision na tinitirahan niya.

This time, ako naman ang may ibibigay sayo. I just hope that this will lessen the pain and sadness that you will feel the moment I leave.

[Book 1] ENAMORÁNDOME || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon