Kabanata 1

261 24 0
                                    

Kabanata 1

I'm back

Yvienna's POV

*Kring!Kring*

I opened my eyes immediately. Gulat na gulat ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakatunog ng alarm clock ko. Nilingon ko ito at nakita kong alas otso na ng umaga.

Agad kong kinuha ang unan na nasa gilid ko at tinabon ko ito sa mukha ko. Ipipikit ko palang sana ang mga mata ko ng biglang naalala ko kung anong araw ngayon.

Shet na malagkit! Lunes nga pala ngayon! Agad akong tumayo at dali-dali akong tumakbo patungong banyo na nandirito sa loob ng kwarto ko.

By the way, I'm second year college at dalawang linggo na ang nakalipas simula ng umuwi kami dito sa Pilipinas.

Nagkita narin kami noong nakalipas na isang linggo ng childhood best friend ko na si Tiffany.
Labis labis ang pagpapasalamat ko sakanya dahil tinulungan niya akong makapag enrolled sa St.Paul University na pinapasukan niya noong First year college palang siya.

About sa business ang kinuha kong kurso. Luckily, parehas kami ni Sissy na Accounting and Business Management ang kinuhang kurso.I'm so excited because we're blockmates.

"Yaya!" sigaw ko.

Kalalabas ko lang sa banyo, kailangan kong magmadali dahil ayokong malate sa first day of school. Ayokong mapahiya baka maapakan ang kagandahan ko dahil sa kakupadan ko.

Natigilan na lang ako ng biglang may kumatok sa pintuan nitong kwarto ko. I opened it immediately at bumungad saakin ang isa sa aming mga katulong.

"Paki plantsa ng uniporme ko."

"Ok po." aniya

Tinuro ko sakanya kung nasaan nakasabit ang uniporme kong paplantsahin niya. Tumango siya at agad sinunod ang iniutos ko.

"Ready na ba ang almusal ko?" tanong ko sakanya.

"Ay Maam, hindi pa po ako nakakaluto dahil tinawag niyo ako kanina."

"Are you saying na it was my fault kung bakit hindi ka pa nakakapagluto ng almusal?!"

"Hindi naman po sa ganoon Maam, sinabi ko lang po na hindi pa ako nakakapagluto dahil inuna kong puntahan kayo nung tinawag niyo ako." aniya.

"Oh dear! Just shut up your mouth!"

"I'm sorry po," pagpapaumanhin niya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may pumasok dito sa kwarto ko. Nilingon ko ito at nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Mommy na nakatingin saakin.

"Yvienna! Bakit mo sinisigawan si Aling Mirna ha?!"

"She's irritating me Mommy!"

"Don't you dare shout at her?!Alalahanin mo, mas matanda pa siya sayo!" Mommy said.

"What ever!"

Humakbang na ako palabas ng kwarto ko at halos mabingi ako sa sigaw ni Mommy.

"Hay nakong bata ka!"

I just ignored her. Hindi pa man din ako nakakalayo ay narinig ko ang sinabi ni Mommy kay Aling Mirna.

"I'm sorry Aling Mirna sa ginawa ng anak ko sayo, kasalanan namin dahil inispoiled namin siya."

Hindi ko na pinakinggan ang kasunod na sinabi ni Mommy. Tuluyan na akong bumaba at naabutan ko si Lira na isa rin sa mga katulong namin na naka sitting pretty sa couch namin.

Nanlaki ang mga mata niya ng nakita niya akong nakatingin sakanya. Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay.

She stood up immediately.

"Goodmorning Maam." aniya.

"Ano bang good sa morning ko kung ang mukha mo lang ang madadatnan ko?!"

Napasinghap naman siya dahil sa pagtataray ko. I rolled my eyes at her and I pointed our kitchen.

"Maghanda ka ng almusal ko,"

Agad naman niyang sinunod at dire-diretso siyang pumunta patungong kusina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ko.

Naka bathrobe pa pala ako, nag kibit balikat na lang ako at humakbang na lang ako patungong kusina. Ng nakarating ay agad akong umupo at pumangalumbaba.

"Lira, get my phone upstairs."

Tumango naman siya at agad sinunod ang pinaguutos ko. Makalipas ang ilang minuto ay dala niya na ito at agad niyang iniabot saakin.

I opened my phone. Napasinghap ako sa daming messages ni Tiffany saakin.

Tiffany:

Where are you Sissy?!

Tiffany:

Nandito na ako sa labas ng University, where the heck are you Yvienna?!

Tiffany:

Antayin mo na lang ako sa gate, pumasok na ko para hanapin ang magiging room natin.

Tiffany:

Yvienna! Nahanap ko na lahat-lahat hanggang ngayon wala ka parin?!

Napabuntong hininga na lang ako bago magtipa ng mensaheng ipapadala sakanya.

Ako:

Otw na ko.

Sabi ko kahit nandito pa naman ako sa loob ng bahay. Nilapag ni Lira ang pagkain ko at mabilisan akong kumain.

Nang natapos ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nakita kong nakasampay na sa labas ng cabinet ko ang uniform kong plantsado na.

Sinuot ko ito kaagad at dali-dali akong nagsuklay. Naglagay din ako ng powder and liptint sa mukha ko. Pinagmasdan ko muna ang hanggang baywang at wavy kong buhok na kulay chestnut. Bago nag spray ng pabango sa katawan ko.

Ng natapos ay agad kong sinukbit ang bag ko at dali-daling bumaba at lumabas ng bahay.

"Mang Betong, Pakibilisan ang pagmamaneho ha," sabi ko sa driver namin.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon