Kabanata 3
Cafeteria
"Good morning everyone, I'm Miss Sanchez, your Professor in language."
"Since na ang iba sa inyo ay hindi pa kilala ang isa't isa, pwede bang magpakilala kayong lahat isa-isa dito sa unahan." aniya.
Nagsimula ng magpakilala ang mga ka blockmates ko hanggang sa ako na ang magpapakilala. Tumayo ako at taas noo akong naglakad papuntang unahan.
Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok sa loob ng room namin.
"I'm sorry Maam, I'm late." aniya.
Pinasadahan ko siya ng tingin at napalunok ako ng nagtama ang paningin namin. Shiz ang gwapo.
Umiwas ako ng tingin at bahagya kong nilagay ang takas na buhok ko sa likod ng aking tainga.
"It's ok Mr.Zamora, basta agahan mo na lang sa susunod."
Nahigit ko ang hininga ko dahil sa narinig ko. Mr.Zamora? Wait lang. Ibig sabihin ay siya yung tinutukoy ni Sissy kanina na anak ng may ari ng University na ito.
Sumulyap ulit ako sakanya at napansin kong medyo may kulay ube sa buhok niya. Nagsimula na itong humakbang at nakita kong umupo ito sa unahan ng inuupuan ko kanina.
Natigilan na lang ako ng biglang nagsalita si Ms.Sanchez,
"Ok, kindly introduce your self."
Tumango ako at nagsimulang magpakilala.
"A pleasant morning to all of you. I'm Yvienna Keith Mendoza, 20 years old. I hope all of you will be a good friend of mine. That's all thank you!"
Nagpalakpakan ang bawat isa at sinuklian ko naman sila ng matatamis na ngiti. Nahagip ng mata ko si Kyle na nakatingin saakin.
Nagiwas ito ng tingin, nagkibit balikat na lang ako at nagsimulang humakbang patungo sa aking upuan.
Discuss
Discuss
Discuss
*kring! kring*
Hay salamat! Natapos din ang mahaba habang talakayan. Sumulyap ako kay Tiffany ng bigla siyang tumayo.
"Tara, punta tayong Cafeteria," pagaaya niya.
Tumango ako at sinimulang tumayo. Naglakad na kami paalis ng silid, at kalaunan ay nakarating na kami sa Cafeteria.
"Sissy, ayun oh may bakanteng table, mauna na ako ah! Sundan mona lang ako baka kasi maunahan tayo eh!"
Napailing-iling na lang ako sakanya. Nauna na siya saakin at akmang hahakbang palang ako ng may naramdaman akong malamig na natapon sa blusa ko.
Tinignan ko ito at kung mamalasin ka ba naman. Natapunan ako ng tubig sa blusa ko! Argh!
Nag-angat ako ng tingin at tumambad saakin ang pamilyar na mukha. Ang babaeng imbornal! Aba't may kasama pa ang bruha.
"Ooppss! Sarreh i mean it!" sabi ng bruhang kasama ng babaeng imbornal.
Ah ganon ha! Away pala ang gusto niyo ha! Wait lang.
Nagsimula na akong humakbang palapit sa table kung saan nakaupo si Tiffany.
"Himala! Hindi ka gumanti ah!"
Inirapan ko na lang si Tiffany, umupo na lang ako sa tabi niya at nagsimulang punasan ang blusa kong basa gamit ang maganda kong panyo.
Nang natapos ay agad kong kinuha ang hawak niyang empty plastic cup.
Taka naman siyang tumingin saakin, kinuha ko ang toyo, suka, at patis na nakalagay sa gitna ng table na ito."Magaadobo ka ba?" tanong niya.
"Sira! Saan ka nakakita ng adobong may patis?"
Napakamot naman siya sa kanyang ulo.Nginisian ko na lang siya at bahagya kong nilapit sa ilong niya ang plastic cup.
"Yuck! Ang baho!" aniya.
Tumawa naman ako at agad akong tumayo para hanapin si Ms.Bruha na nangaway saakin kanina.
Actually hindi ko naman siya inaway eh! Yung babaeng imbornal ang tinarayan ko kanina, dahil nakisawsaw siya hwes pagbabayaran niya.
Nahanap ng mga mata ko ang table ng mga bruha. Humakbang ako palapit doon, nakaupo ang bruha habang nakatalikod saakin.
Hindi niya alam na papalapit na ako sakanya. Nang nakalapit ay dahan dahan kong itinaas ang kamay kong may hawak ng plastic cup.
Binuhos ko ito sa ulo niya at pinanood ko ang pag agos nito mula ulo hanggang sa blusa niya.
"Oppss! Sarreh I mean it!" panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Nanigas sa kinauupuan ang bruhang toh. Nanlaki naman ang mga mata ng mga kampon niya, isa na doon ang babaeng imbornal.
Well, well, well.Ano kayo ngayon?!Dahan-dahang tumayo ang bruha at bahagyang humarap saakin.
Nginisian ko lang siya at tinaasan ng kilay. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa ginawa ko.
"How dare you!"
Akmang sasampalin niya na ako ng bigla kong hinawakan at pinisil ang palapulsuhan niya. Bakas sa mukha niya ang sakit na nadadama niya.
"Huwag mo ngang mahawakhawakan ang makinis kong mukha gamit yang magaspang mong palad!" pagtataray ko.
Agad kong binitawan ang palapulsuhan niya. Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak.
Tumama ang likuran ko sa kung sino mang sumalo saakin. Sinulyapan ko ito at napagtanto kong si Kyle ang sumalo saakin.
Agad akong tumayo ng tuwid at inayos ang sarili. Sinulyapan ko siya at nagtama ang aming paningin. Nagiwas siya ng tingin at nagulat ako ng kumapit sa braso niya ang bruha.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...